Karryle Pov:
Pumunta na ako sa school.Pagdating ko wala palang klase kasi may simenar ang lahat ng teachers sa cebu
Nagtext nako kay bes na umuwi na ako,baka kasi hanapin niya ako pero wala ako dito kaya mas mabuting itext ko siya na umuwi na ako
Ahh alam ko na!ipagluluto ko nanaman ng ulam si sky,mamayang hapon baka sakaling kainin na niya 😊😊
Umuwi na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko,ang bored naman ano kayang dapat kung gawin?
Hmmm 😶😶
Ahh alam ko na manonood ako ng Kdrama
Waaaahhh panonoorin ko ang kdrama ni park bo gum my husbie,ay meron na pala akong asawa
Ang pinanood ko ay 'Love in the Moonlight'
Ang ganda ni kim yoo jung kahit eunoch lang siya,
Nakakakilig naman,ahhh why so cute park bo gum,para ko nang nakalimutan na may asawa na pala ako pag ngumingiti siya,waaahhh
Ang ganda ng story nila,hahaha mukhang tanga si hong sam nom/kim you jung in real life. Hindi niya kasi alam kung sino ang nilait niya,yun pala ang prinsipe haha.Tas anak pala siya ng traydor sa palasyo,akala ko mamamatay si byungyoon panigiradong ang daming babae ang magluluksa pag mamatay siya,isama mo na rin si jane kasi gusto niya si byungyoon sa love in the moonlight,chinito kasi eh pati na rin si pinunong kim ang cute niya lang.Nang matapos akong panoorin yun nakarinig ako ng ingay sa baba,hah?sino yun?dumating na ba si sky?anong oras na ba?
Pagtingin ko sa relo ko alas 5 na pala,ang haba pala ng oras na pagbabad ko sa internet,natagalan ako kasi binasa ko yung subtitle di ko sila maintindihan eh,korean kasi yung language nila,ang dami ko kasing pinanood na k-drama kaya ako nahapunan ng pagbabad sa internet,ang ganda kaya ng napanood kong k-drama katulad ng
Love in the Moonlight
W,
Pinocchio,
Dream High,
Legend of the Blue Sea,
Weightlifting,
Goblin,
City Hunter,
The Bride of the water God
The Dearest Intruder
HwarangAhh!ipagluluto ko na siya. Buti naalala ko muntik ko na kasing makalimutan eh.Nagmadali akong bumaba,lumakas din ang ingay ng mga kalakihan.Nang makarating ako sa baba sinilip ko ang sala kung nandun ba yung maingay at di nga ako nagkakamali,nandun pala ang mga kaibigan ni sky,nakumpleto nanaman ang the 3 cassanova
Didiretso sana ako sa kusina para ipagluto siya ng makita ako sa isa sa mga kaibigan ni sky
"Hala si Ms.Nobody,nandito"sabi ni ryle tumakbo siya papunta sa akin at hinila niya ako papunta sa kinaroroonan nila
I took a glance to sky but he's glaring at me.Ha?ano namang kasalanan ko?bakit ang sama ng tingin niya sakin?
"Uyy si Ms.Ganda nandito?bakit ka pala nandito Ms.Ganda?at kaano-ano mo ba si sky?"tanong ni vince isa sa mga barkada ni sky,pero na kay sky nakatuon ang tingin niya
"Asa--"di ko na natapos ang sasabihin ko nung sumingit si sky
"Personal Maid ko yan,oh brad anong gusto niyong ipautos sa Personal Maid ko?"tanong ni sky sa mga kaibigan niya
Ouch!ang sakit!dineny niya ako sa mga kaibigan niya,akala ko nung una pag ideny ka okay lang sayo!yung tipong wala ka lang mararamdan,yung tipong normal lang sa pakiramdam ang madeny,pero putspa lang ang sakit pala,na yung taong mahal mo dineny ka sa mga kaibigan niya.Ano pa bang asahan ko?na ipakilala niya ako bilang asawa niya?na ipaglandakan niya sa buong mundo na asawa niya ako at mahal niya ako?tss asa
"Yown oh!Personal Maid mo pala pare,pwede akin na?"tanong nung ryle kay sky at inakbayan ako,hindi ko kayang kumalas kasi ang higpit ng pagkaakbay niya saakin.Sure ako!papayag yan!si sky ba naman hindi papayag na angkinin ako ng kaibigan niya?
"Gagu ka pre!pinatulan mo pati Personal Maid ko"sabi ni sky at hinila si ryle at naging sanhi yun para mapahiwalay sakin si ryle
"Yown oh!jelly,jelly"sabi naman nung vince pero na kay sky parin ang paningin niya
"Gagu!bakit ako magseselos uutusan ko lang siya na mag-grocery kasi wala na kaming stuck na pagkain" hah?nasan pala sila yaya?bakit ako ang inutusan niya?
"Sumunod ka sa akin maid"sabi niya sabay punta sa kusina,sumunod naman ako sa kanya at iniwan ang dalawa sa sala.Ng makarating kami sa kusina bigla niya akong sinamaan ng tingin,bigla ako natakot kaya napayuko nalang ako
"Pumunta ka sa grocery store,bumili ka ng mga grocery ikaw na bahala kung ano pa iyon,ka babaeng tao magpapakbay ng kung sino"sabi niya at tinapon niya ang pera sa mukha ko
"Nasan pala sila yaya?"tanong ko
"Bakit?kasi iasa mo sa kanila ang ipinautos ko sa iyo?,wala,si yaya celia pinauwi ko kasi nagkasakit ang anak niya,hindi niya alam kong kailan siya makakabalik,,si yaya lita pinauwi ko rin kasi namatay ang asawa niya sa susunod na linggo pa siya babalik dito,kaya ikaw muna ang manilbihan dito"sabi niya at tuluyan na ngang umalis
Ano namang bibilhin ko?ahhh.No choice ako kundi bumili ng mga grocery, nagcommute lang ako kasi ano pa bang asahan ko?.Nang makarating ako sa grocery store pumili na ako ng mga de-lata mga pagkain,mga sabon,karne at kung ano-ano pa. Nang matapos akong mag grocery umuwi na ako.Hindi pa pala umuwi ang mga kaibigan ni sky?
"Magluto ka ng dinner namin"utos ni sky sakin wala akong magawa kundi tumango at sundin ang inutos niya
"Ok"eto na ang chance na matikman niya ang luto ko,ginaya ko nalang ang natutunan ko sa pagluluto nung mga panahong tinulungan ako ni yaya na magluto,adobong manok nanaman ang niluto ko,bakit ba?eto lang ang alam ko eh.Habang naghiwa-hiwa ako ng mga sangkap nagulat nalang ako ng nasa tabi ko na si ryle. Nakasandal siya sa sink sa tabi ko habang nakaharap saakin. Aysstt galawang playboy
"Hi"sabi niya hindi ako umimik,nahihiya ako eh
"Tulungan na kita"sabi niya at kinuha ang kutsilyo na hawak-hawak ko
"Ok lang,ako nalang nakakahiya. Ako yung maid dito,tas pinapatrabaho pa kita "sabi ko sa kanya at kinuha ulit ang kutsilyo
"Ang ganda mo pala noh?"sabi niya habang tumingin sa mukha ko,bakit siya nagagandahan pero si sky hindi?
"Nah,di naman"sabi ko,di ko mapigilang ngumiti kasi eto yung first time kung kinocompliment ako ng lalaki,except kay dad
"Ano?tapos na ba yan?o naglalandian kayo sa pamamahay ko?akala ko ba pre magccr ka?"nakakunot noong sabi ni sky habang nakacross-arms
"Joke lang yun pre!dito lang talaga ako pupunta kay Ms.Ganda"sabi ni ryle
"Tss,bilisan mo diyan maid at gutom na ako"sabi ni sky pero hindi pa siya umalis
"Ok"sabi ko at nagsimula ng magluto
"Sige Ms.Ganda wag mong kakalimutan ang sinabi ko ha?babalik lang ako dun,mwah"nagulat ako nung halikan niya ako sa pisnge
"Tinutunganga mo diyan?kinilig ka na niyan?,"tanong niya,pero lumapit siya sakin at hinila ako papunta sa kanya. Naramdaman ko nalang pinahiran niya ng kanyang kamay ang mukha ko
"Ka babaeng tao,nagpapahalik nalang ng kung sino,isipin mo nga may asawa ka na"sa sinabi niya iyon biglang kumulo ang dugo ko. Biglang nabuhay sa sistema ko ang sakit na nararamdaman ko nung ideny niya ako harap-harapan
"Hah,asawa?kung makadeny ka nga sa mga kaibigan mo kung sino ako?parang wala ako sa harap mo?diba wala tayong pakialaman sa isat-isa?diba personal maid mo lang ako?oh?anong pinagsasabi ng butche mo diyan na wag akong magpapahalik dahil may asawa na ako?ano ba talaga sky?"tanong ko.naguguluhan.naghahanap ng sagot sa mga ikinikilos niya ngayon
"Tss,tapusin mo na yan"sabi niya at umalis na sa harap ko
Kung makadeny nga siya kanina parang wala ako sa harap niya, tiningnan ko siyang papalayo saakin
Tao lang din naman ako sky, nasasaktan din. Mahal kita skyler pahalagahan mo naman,hindi niya mo kasi alam ang pakiramdam na ideny. Hindi mo alam kung gaano ka kawalang-kwenta nung harap-harapan kang ideny.
Tinapos ko na yung niluto ko,palagi pa akong napaso dahil lumalabo ang mata ko dahil sa mga luha ko
***
Ang hirap pala pag hindi legal no?kailangan mo pang itago pAra walang makakita,,:(
#april 10,2017
#at exactly 11:58
BINABASA MO ANG
The Desperate Wife (Completed)
HumorAng babaeng nangangarap na makamit ang lalaking mahal niya Ang babaeng handang magpaka-desperada kahit masaktan man siya ng paulit-ulit Magiging masaya nga ba siya pag malaman niyang isang araw abot-kamay na niya ang taong mahal niya? Magiging masay...