chapter 59: time to choose II

2.4K 34 3
                                    

Karryle Pov:

"Saan niyo ba dinala ang anak ko? Please sabihin niyo na sakin,pakawalan niyo na ang anak ko. Kahit ialay ko pa ang sarili ko sainyo, just please wag niyo lang saktan ang anak ko" pagmamakaawa ko sa babaeng nasa likod ko ngayon habang nakalapat parin ang malamig na bagay sa leeg ko. Naramdaman ko ang kanyang paghinga sa batok ko at agad namang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Narinig ko pa muna siyang ngumisi bago nagsalita

"Too late bitch, nasa bingwit na ng kamatayan ang anak mo" kahit di ko siya nakita dahil nakatalikod ako alam kung nakangisi siya nung sabihin niya yun. Nagngitngit ang kalooban ko sa sinabi niya. Na any minute mapapatay ko ng walang kahirap-hirap ang babaeng nasa likod ko ngayon

Agad kung sinipa patalikod yung tuhod niya para mabitiwan niya ako galing sa pagsakal. Agad naman siyang napaatras nung sinipa ko yung tuhod niya

"Bago niyo pa gawin yun, ako muna ang haharapin niyo at sisiguruduhin kong dadaan muna kayo sa butas ng karayom" walang reaksiyon kung sinabi ang katagang yun, kung ang anak ko lang naman ang involve dito? Bakit hindi ko gagamitin yung natutunan kung martial arts para iligtas ang anak ko?

"Hmm matapang ah,okay! kung yan ang gusto mo. Wish granted bitch" nakasmirk niyang sabi at inihanda ang sarili. Hinipan ko pa ang bangs na sagabal sa mukha ko at naghanda na para kalabanin siya

Una siyang sumugod saakin,pero gaya nung lalaki kanina hindi ko na siya hinayaan pang sumugod at ako na ang lumapit sa kanya para sipain ng malakas ang tiyan niya,narinig kung napadaing siya sa lakas ng pagsipa ko sa kanya, kahit nakamask siya alam kung ngumisi siya dahil naniningkit ang mata niya, sumugod nanaman siya sakin at uulitin ko nanaman sana ang pagsipa sa tiyan niya nung hulihin niya ang paa ko at inikot-ikot yun. Fck i can't believe it,she so fast na para bang master na siya sa galawang ito. Muli niyang inikot-ikot yung paa ko kaya muntik na akong madapa kasi isang paa lang ang gamit ko para makatayo. Tinulak niya ang paa ko at naging dahilan yun para tumalsik ako at mapahiga. Ahhhhhh fvk ang sakit ng likod at pwet ko shit!

Hindi pa siya nakuntento at umupo siya sa tiyan ko at paulit-ulit sinuntok ang mukha ko,sinakal niya ako na para bang isang manok lang ang ginulgol niya,nahihirapan akong huminga,lalo na't inupuan niya pa ang tiyan ko,hingal na hingal na ako. Hindi ko na kaya. Napapikit nalang ako dahil sa pagod at kaunting hangin nalang ang pumasok sa ilong ko,nahihirapan na akong huminga lalo na't umatake nanaman ang asthma ko,hindi ko na siya kayang kalabanin pa,tuluyan na ngang nanghihina ang katawan ko. Ito na ba ang huling hininga ko? Di ko na talaga kaya,nanghihina na ako

"I lab mimi,i lab dada hihihi"  sabi ni baby raze at hinalikan ang parehong pisnge namin ni sky. Such a cute baby, yung mabibilog niyang mukha,mapupulang labi niya,mahahabang pilik mata niya,yung intsik niyang mata na kapag ngumiti o tumawa ay nawawala at hindi mawawala ang dalawang pares ng dimples sa magkabila niyang mukha ay nakapangdadag ng kagwapuhan at kacutan ng anak namin

" mimi and dada love our baby too"sabi ko kay baby raze at hinalikan siya sa pisnge ganun din ang ginawa ni sky sa anak namin

"Mimi,dada i want a new baby sister hihi" cute na cute na sabi ni baby raze saamin ni sky habang nagpalipat-lipat ng tingin saaming dalawa,natawa nalang ako sa sinabi ni baby raze at pasimple naman akong tinusok-tusok sa tagiliran ni sky,gagu talaga

"Mimi, baby wants a  new baby sister oh, hahaha pagbigyan na malapit naman ang 1st birthday niya eh,sa sabado na" sabi ng gagu habang tumatawa-tawa pa,nakisabay rin sa pagtawa si baby raze dahil sa pagtawa ng kanyang ama

"Heh! Manahimik ka diyan skyler ha! Ikaw kaya ang umere? Ikaw nga eh nung pinanganak ko si baby,may pa sabi-sabi ka pang 'don't die please' hahaha ang epic mo talaga dun sky" tawa ako ng tawa nung makita ko ang mukha niyang naiinis,hahaha yung kaninang mukha niyang tumatawa ay napalitan ng inis hahaha

"Tsk,pinapaalala pa eh, may mga bagay na di mo na kailangan pang alalahanin pa" naghugot pa ang puta hahaha,napailing nalang ako at muli kong itinuon ang pansin ko kay baby raze, he's so smart kaya kahit hindi pa siya nag one year,may salita na agad siyang nalalaman

"Mimi,dada i lab u always" pahinto hinto pa siya nung sabihin niya yun,ahhhhh how i love this baby,ang sweet niya lang kasi eh. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at agad namang nawala ang mata niya at lumabas ang malalalim niyang dimples

"RAZE" muli akong napamulat nung rumehistro sa isipan ko yung mga alaala naming tatlo,yung mga panahong ang saya-saya naming tatlo,yung panahong wala kaming pinoproblema

Muling bumuhay ang lakas ko nung naalala ko yung mga ngiti ni raze,ibinigay ko ang lahat ng lakas ko para itulak sa akin ang babae nakadagan saakin.

Third Person Pov:

Muling nakabangon si karryle galing sa panghihina nung naalala niya ang anak niya,ang tanging nasa isip niya lang nung mga oras na yun ay 'kukunin niya at ipaghihiganti niya ang anak nila,kahit buhay niya pa ang kapalit nun' muli niyang inalala ang natutunan niyang martial arts nung nag-aaral pa lamang siya ng kolehiyo. Kahit hinang-hina na ang katawan niya at sabog na sabog na ang kanyang mukha, at kahit na hingal na hingal siya dahil umatake nanaman ang asthma niya,

Nakipagpalitan siya ng suntok,sipa,sabunot,sampal,sakal sa babaeng bihasang-bihasa na sa ganito! Na tela ba sanay na siya sa ganitong away. Na para bang trinaining lang nung babaeng kaharap niya si karryle. May isang naisip si karryle para mapatumba na niya ang babaeng kaharap niya.

Umakto siyang suntukin sa mukha ang babae pero bago niya pa nagawa ang nasa isip niya ay may matulis na bagay ang dumaplis sa paa niya,sinundan yun nang sunod-sunod na ingay,na nagmula sa labas at sa loob,mas lalong kinabahan si karryle kasi dalawa lang sila ni skyler ang sumugod sa hideout na binigay nung babae sa kanila. Muling naalala ni karryle ang baril niya na nakaipit sa jeans niya, palihim niyang kinuha ang baril na nakaipit sa jeans niya nung tutok na tutok yung kalaban niya sa mata ni karryle,naghihintay kung ano ba ang sunod na kilos ang gagawin ni karryle,na tila ba binabasa niya ang anuman ang nasa isip ni karryle at kailangan na niyang magawa agad yun ng paraan

Pero gaya kanina bago niya pa gawin ang nasa isip niya ay nagulat nalang siya nung nakaramdam siya ng sakit sa may balikat niya. Hindi niya natuloy ang palihim niyang pagkuha sa baril na nakaipit sa jeans niya nung nagsimulang nangangalay ang balikat niya,kinapa niya ang balikat niya at halos magulat siya nung makitang ang daming dugo na naglalabasan mula sa balikat niya,ramdam na ramdam niyang hinang-hina na siya. Tumingin siya sa kaharap niya at nakangisi lang itong nakatingin kay karryle na nahihirapan at hingal na hingal

Kahit kunti palang ang nagawa niya nakaramdam agad siya ng pagod,hingal na hingal siya at hinabol na niya ang hininga niya, napaupo nalang siya sa sahig at naghanap ng masasandalan man lang na pader,umisog siya ng umisog nung makita niya ang pader malapit lang sa kanya, hindi na niya kinaya ang pagkahingal niya, para na talaga siyang kinapusan ng hininga, umatake nanaman yung asthma niya na tinago-tago niya sa parents niya nung nabubuhay palang sila. Gusto na niyang matulog at magpahinga dahil ramdam na ramdam niya ang pagod. Ipipikit na sana niya ang mata niya nung may humawak sa braso niya. Nanlabo na ang tingin niya,hindi na niya naaaninag kung sino man ang humawak sa braso niyang tinamaan ng baril. Maski paglakad hindi na niya magawa,wala ng lakas ang mga tuhod niya at kahit isang salita walang lumabas sa bibig niya

***
#september 18,2017

Hii dudes😊 nakakainis dudes woiii,,pano kung masira yung phone ko? Hindi ko na maoopen ang wattpad nato? Nakalimutan ko kasi ang password ng wattpad ko, triny ko ding mag-log in sa computer pero,hindi talaga siya maglo-log in,tsk

May nagbabasa pa ba? Sorry kung lame ha? Hahha

The Desperate Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon