Babaeng hindi makaalala sa nakaraan niya,
Babaeng may masayang pamilya
Babaeng mas inuna ang nararamdaman sa mahalagang tao kesa sa kanya
Babaeng handang magpalaya kahit maubos man siya
At isang babaeng may komplikadong sitwasyon
Wala ka nang magagawa pa kung si tadhana ang maglaro ng kapalaran mo
Wala ka nang matatakbuhan pa kung si kahinaan na ang maging sanhi para tumigil ka na
Wala ka nang maasahan pa kung si tiwala ang gigiba sayo sa taong pinagkatiwalaan mo ng husto
Hindi mo na siya kailangang ipaglaban pa,lalo na't may ibang tao na nakikiusap sayo na mapasakanya and dapat sayo naman talaga
At hindi mo na siya kailangang mahalin pa, lalo na't alam mo nung una palang ay iba ang mahal niya
***
"Gihigugma nako siya,ako a nalang siya please?"
"Gihigugma tika pag maayo,labaw pa sa akong kaugalingon. Pero kung dili ka ganahan nako? Ayaw nalang ko paasaha ug pasakiti please?"
***
"Mom,dad? Let's go, my friends are waiting for me,ano ba" sabi ni xylph sa mga magulang niya habang hinila ang magulang papunta sa kotse
"Oo na baby,pupunta na" sabi naman ni ryle sa anak
Pupunta sila sa birthday ni Keanu,sa tagaytay kasi ang venue ng birthday ni Keanu! Sa lugar kung saan sila unang nagkakilala kaya kailangan nilang magmadali lalo na't 2 hours silang magta-travel. It's Keanu Jake Sarmiento's 10th birthday. 5 years na silang magkakilala ni xylph. Lalo pa silang nagkakilala ng husto nung lumipat din ng bahay sina keanu sa tapat pa talaga ng bahay nina Xylph.
Magkakaibigan talaga simula bata sina raze,zaniah,keanu and xylph. Lalo na't magkakapitbahay lang silang apat. Pero hindi itinuring ni raze na kaibigan si xylph! Di niya kasi maintindihan ang sarili niya kung bakit parang galit na galit siya kay xylph eh sa wala naman sanang ginawang masama si xylph para magalit siya dito ng husto! At napipilitin lang siyang makikisama kay xylph dahil yun ang sabi ng mommy niya.
Excited na excited si xylph na pumunta sa birthday ni keanu kaya mas pinabilis niya pa ang daddy niya sa pagmamaneho,nasa kalagitnaan sila sa madilim na lugar nung may bigla-biglang may tumawid na itim na pusa sa dadaraanan nila. Kaya napapreno ng di oras si ryle. Agad naman napasubsob si xylph na nasa likuran
"Dad ano ba? Papatayin mo ba ako?" Sabi ni xylph sa daddy niya,kaya sa kanya at sa karsada ang paningin ni ryle
"I'm sorry baby,may dumaan kasing itim na pu--" di na natapos sa pagsasalita si ryle nung sumigaw si jane
"Ryle, iliko mo mahuhulog tayo" natatarantang sabi ni jane sa asawa.
"Shit,shit nawalan ng preno" sabi ni ryle at di alam kung ano ang gagawin
"Ryle iliko mo" sigaw nanaman ni jane sa sobrang inis ni ryle dahil sigaw ng sigaw ang asawa niya,sinunod niya ang sinabi nito,pero huli na nung malaman nilang
Sa bangin pala sila pupulutin
5 months and 3 weeks na ang nakalipas simula nung nahulog ang kotse nila sa bangin, nawalan ng malay silang tatlo. At buti ay may nakaligtas sa kanila pareho nung gabing yun. Dahil pag wala ay baka yun na ang huling sandali nilang magkakasama
Si ryle ay nakakuha ng maraming galos at tinahi ang ulo nito dahil malakas ang impact sa pag-untog ng ulo niya,laking pasalamat nila na hindi naapektuhan ang utak nito
Samantalang si jane naman ay gaya din ni ryle,nakakuha siya ng maraming galos at malakas din ang impact sa pag-untog ng ulo niya. Yun nga lang ay may buhay pala itong dinadala. Nakunan siya nung nangyari ang aksidenting iyon, doon palang nila nalaman na buntis pala si jane nung sinabi na ng doctor
Habang si xylph naman ay tuluyan ng nawalan ng alaala,nung mahulog kasi ang kanilang kotse sa bangin ay napunta si xylph sa harap nina ryle at nauntog ang ulo niya sa window shield ng kanilang kotse. According to the doctor na maaring naapektuhan ang utak nito nung nauntog siya,lalo na't ang bata-bata niya pa
Di naglaon ay naging okay na si xylph, yun nga lang ay hindi na niya maalala ang mga taong mahal niya, yung mga taong laging nandyan para sa kanya,yung taong mahal niya at mahal din siya. At yung taong nagustuhan niya,pero sinusungitan lang siya
Nagpakalayo-layo ang pamilyang cruz para hindi na mahirapan ang anak nila. Nagpakalayo-layo sila dahil akala nila yun na ang tama para sa anak nila pero.......
Hinding-hindi mo matatakasan ang mga taong kasali sa nakaraan mo lalo na pag si tadhana ang gagawa ng paraan para pagtagpu-tagpuin parin kayo lalo
***
#october 15,2017
BINABASA MO ANG
The Desperate Wife (Completed)
HumorAng babaeng nangangarap na makamit ang lalaking mahal niya Ang babaeng handang magpaka-desperada kahit masaktan man siya ng paulit-ulit Magiging masaya nga ba siya pag malaman niyang isang araw abot-kamay na niya ang taong mahal niya? Magiging masay...