Karryle Pov:
"S-saan m-mo ako d-dadalhin?" Nauutal kung sambit sa taong humila saakin, di ko masyadong makita ang mukha niya kasi nanlalabo ang paningin ko,nahihirapan na din akong maglakad dahil sa matulis na bagay na dumaplis sa paa ko kanina,nangangalay ang balikat ko dahil binaril ako sa hindi ko kakilalang tao,ramdam na ramdam ko ang pagod pero hindi ako basta-bastang sumuko, lalo na't hindi ko pa nakita ang anak ko. Hindi panghihina ang kailangan ko ngayon kundi lakas at tapang. Pero kahit anong pagpalakas ko sa sarili ko hindi ko na kaya,parang gusto kung sabihin sa kanila na hayaan niyo na muna akong 'magpahinga' saka pa natin sisimulan ang hinahanap niyo
"Wag ka nang magtanong pa" baritunong sabi ng lalaki na may hawak saakin ngayon,hindi ko na talaga kaya,hinang-hina na talaga ang katawan ko,maski paglakad ko hindi ko na magawa. Muli akong napahinto sa paglakad nung naramdaman kung pabigat ng pabigat ang katawan ko. Umikot na ang paningin ko at di ko na masyadong nakikita ang daan sa harap ko dahil sa panlalabo nang paningin ko.
"D-d-d-di k-k-ko n-na k-k-kaya" mahina at utal-utal kung sabi sa lalaking may hawak saakin ngayon,unti-unti na talaga akong hinila ng katawan ko pababa. Hindi ko na naririnig ang mga ingay sa paligid ko,nangangalay na talaga ang balikat ko at ramdam na ramdam kung namamanhid ang buong katawan ko
"B-b-b-bitiw----*boooggssshhh*" bago ko pa matapos ang sasabihin ko,hinampas ako nang baril sa ulo ng taong may hawak saakin ngayon,
And everything went black
Third Person Pov:
Dinala nang isang tauhan nila si karryle sa isang abandunang kwarto sa loob nang bahay,walang kaalam-alam si karryle kung ano man ang nangyayari sa paligid niya. Ramdam na ramdam niya talaga ang pagod at ang pamamanhid ng katawan niya. Payapa siyang natutulog sa abandunang kwarto sa loob ng bahay pero patuloy parin sa pag-agos ang dugo sa balikat niya na gawa nung pagbaril sa balikat niya nung pasimple niyang kukunin ang baril sa jeans niya para iputok sa babaeng kaharap niya kanina
Samantalang sa kabilang banda naman ay todo hanap si skyler kay karryle. Wala siyang kaide-ideya kung nasaan na ngayon si karryle,sa bawat may nadadaanan siyang kalaban ay agad naman niya itong patumbahin na walang kahirap-hirap,nung matapos niyang patumbahin ang kalaban ay kinuha niya ang dalawang baril sa kalaban niya,ipinuwesto niya ang baril sa magkabilang kamay niya. Sa bawat may naririnig siyang kaluskos ay agad niya itong babarilin. Habang nilibot ni skyler ang loob nang bahay ay di niya maiwasang kabahan,hindi iyon normal na kaba! Kundi kaba na parang may mangyaring masama sa mag-ina niya. Mas binilisan niya pa ang paglakad para mas mabilis niyang mahanap si karryle nung matamaan nang bala nang baril ang paa niya. Bigla siyang napaupo dahil agad dumadaloy ang pagpangalay sa paa niya,at ang siyang dahilan kung bakit siya napahinto sa paglakad
May biglang lumabas sa madilim na parte,at isang lalaki na nakangisi ang unang bumungad sa kanya nung mapalingon siya sa gawi nito. Isang lalaking may matipuno at malaking katawan,isang lalaking ngisi palang ang ipinakita agad na nangangatog ang tuhod niya, isang lalaki na nakita na niya. At isang lalaking hindi niya inaasahan
'Yung lalaki na kahalikan ni karryle sa enchanted kingdom'
Nung muli niyang naalala ang huling alitan nila ay agad siyang nainis nung mas lalo itong ngumisi kay skyler. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung tatakbo ba siya o kung lalaban ba siya
"Remember me?hmmmmm?" Nakangising tanong ni clark kay skyler na ngayon ay nakatingin sa kanya nang masama. Gustuhin man ni skyler na hablutin ang kwelyo ng lalaking kaharap niya at suntukin niya nang suntukin hanggang sa manghina siya pero naalala niyang tinamaan nang baril ang paa niya kaya hindi siya makakalakad,
"It's payback time jerk" nakangisi paring sabi ni clark kay skyler na mas lalong ikanagagalit ni skyler. Muling bumuhay ang kaba ni skyler nung maalala nanaman niya yung mag-ina niya. He can't afford to loss his wife and son
BINABASA MO ANG
The Desperate Wife (Completed)
HumorAng babaeng nangangarap na makamit ang lalaking mahal niya Ang babaeng handang magpaka-desperada kahit masaktan man siya ng paulit-ulit Magiging masaya nga ba siya pag malaman niyang isang araw abot-kamay na niya ang taong mahal niya? Magiging masay...