chapter 20:selos

4.8K 57 0
                                    

Karryle Pov:

Ang sarap lang talaga ng biniling mangga ni angelo,

Nakaramdam nanaman ako ng pagbaliktad ng sikmura ko kaya dumiretso na ako sa lababo at nagsuka,atsaka  1 week na akong delayed,palagi kasi akong dinadatnan kada buwan,kaya nagtataka ako kung bakit ngayon lang nangyari na delayed ako

Grabe ano bang nangyari sakin?

Nagmugmug na ako kasi maya't maya din dadating na si sky

Beep*beep

Speaking of sky, nandito na siya

Sinalubong ko siya sa pinto,at grabe lang ang inis ko nung may malanding ahas ang kumapit sa braso niya,nagtatawanan sila habang naglalakad papunta dito sa loob

"Hep,hep sino siya husbie?" Tanong ko sa asawa ko,bigla naman niya akong tinapunan ng masamang tingin,pero wala akong paki

"Girlfriend niya bakit?sino ka ba?" Taas kilay na sabi nung mukhang baboy ramo,putcha sarap katayin tung babae niya

"Tss asawa niya lang naman ako,at kalandian ka lang niya,kaya bago pa ako mang-init lumayas ka na sa pamamahay namin kung ayaw mong sa morgue ka makakauwi" sabi ko habang nakataas din ang kilay

"Tss don't mind her babe,she's my personal maid,let's go?" Sabi ni sky sa malanding haliparot na yun,mas lalong nadagdagan ang inis ko,putspa hindi ako makakapagpayag

Bago pa sila makaakyat ng hagdan,hinila ko yung buhok nung babaeng yun kaya napabitiw siya sa braso ni sky

"Letche let me go,you bitch" sabi niya habang hinawakan niya yung buhok na hinila ko

"Ano ba maid?bitiwan mo ang girlfriend ko" awat ni sky at tinulak niya ako kaya nasalampak ako sa sahig

Putcha nang-iinit na ako,hindi ko inintindi yung sakit ng pagbagsak ko

Tumayo ako galing sa pagbagsak ko at sinuntok ng napakalakas-lakas yung makapal na mukha nung babaeng haliparot

"Ouch,babe it's hurt" maarting sabi niya kay sky at mas lalong dumilim ang mukha ni sky habang nakatingin sakin,pero wala akong paki kung ano man ang magiging reaction niya,ang importante mawala na sa paningin tung babaeng higad na ito,

Sa tuwing makita ko kasi yung pagmumukha niya,di ko maiwasang mainis putcha

Dinambahan ko siya at sinampal sa magkabilang pisnge,

Inawat kami ni sky pero hindi ako nagpadala,pinagsasampal ko pa siya

Hinila ko yung buhok niya para tumayo siya,at pinagsampal-sampal ulit siya. Bahagya ko pang inuntog ang ulo niya sa sahig sa tuwing sasabunutan ko siya

Iyak siya ng iyak,i like to see her cry,

"Sa oras na bumalik ka pa dito,hindi lang iyan ang matitikman mo,kaya layas,LAYAS" sigaw ko at dali-dali siyang tumakbo palabas na gulo-gulo pa ang buhok,tsaka punit na din yung damit niya. Nagulat nalang ako nung may dugo na nagkalat sa sahig kung saan ko binugbog ang putanginang babaeng yun. Pero wala doon ang atensyon ko. Kahit maski isang awa. Wala akong naramdaman parang gusto ko nalang siyang patayin sa oras na magkita kami

Tss,serves her right,nakakapeste ang pagmumukha nila

Aakyat na sana ako sa taas ng magsalita si sky

"And what do you think your doing awhile ago?" Cold niyang sabi,hinarap ko siya sabay taas ang kilay

"Pakialam mo ba?bakit ikaw ba pinagsasampal ko?ha?" Nakataas kilay kung sabi sa kanya,bigla naman niya akong sinamaan ng tingin pero ni kunting takot wala akong naramdaman

The Desperate Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon