chapter 19:.morning sick

4.4K 55 2
                                    

Karryle Pov:

Bigla akong nagising dahil nakaramdam akong bumaliktad yung sikmura ko,putspa wala naman akong kinain kagabi ah?

Dali-dali akong pumunta sa cr at nagsuka sa inidoro,bakit ba ako nagkaganito?hindi nga ako nakakain kagabi eh,dahil sa pagkababoy ni sky,di rin ako nanghalian

Pagkatapos kung sumuka naligo na ako,hindi pwedeng hindi ako papasok ngayon,madami na akong namiss na mga subjects kaya dapat bumawi ako ngayon

Nagdahan-dahan pa akong bumaba baka kasi magising si sky,

"At saan ka pupunta?" May biglang nagsalita sa likod ko paglingon ko si sky pala kaya tumakbo ako pababa para di niya ako mahabol,

Kulang nalang kasi ikulong na niya ako sa bahay dahil ayaw akong papalabasin

Tumakbo ako ng tumakbo at nag para agad ng taxi,buti may dumaang taxi kaya nakasakay agad ako

Nang makarating ako sa school nanghihilo ako,umikot ang paningin ko,feeling ko wala ng tao sa paligid

Pero bago pa ako mawalan ng malay may sumalo sakin

And everything went black

Angelo Pov:

"Nurse,kamusta na po siya?ano pong sakit niya?bakit po siya nahimatay?nurse?sagutin mo ako please?" Natatarantang tanong ko

"Easy lang,kulang sa kain tung girlfriend mo kaya nahimatay" sabi nung nurse at ngumiti sakin

Bigla naman akong namula nung sinabi niyang girlfriend ko si karryle,sana nga girlfriend ko nalang siya :(

"Di ko po siya girlfriend" nahihiyang sabi ko

"Okay lang yan ijo,sasagutin ka rin niyan,sige na ijo bantayan mo nalang ang nililigawan mo,baka dahil diyan sagutin ka na agad,bagay pa naman kayo" sabi nung nurse

"Ahh,sige po nurse" sabi ko nalang at ngumiti sa kanya

Nang makalabas na siya tiningnan ko ang natutulog na karryle

Ang amo ng mukha niya habang natutulog,parang sa pagtulog niya wala siyang dinadalang problema pero pag nasa katinuan siya ang dami dami pala niyang dinadalang problema

Sino bang hindi maiinlove sa taong to? Bukod sa maganda na nga,mabait at matulungin pa

"Hmm" ungol niya tsaka dahan dahang dumilat

Pero bago siya makapagsalita inunahan ko na siya

"Nandito ka sa clinic,dinala kita kasi bigla kang nahimatay kanina,sabi ng nurse hindi ka daw kumain,don't skip your meals okay?" Sabi ko sa kanya and i pat her head,ngumiti naman siya tsaka tumango

"Ang cute mo talaga angelo,hihi" nangggigil niyang sabi tsaka kinurot ako sa pisnge ng napakalakas-lakas

"A-aray,ang sakit" daing ko sabay kuha sa kamay niya at binitawan yun

Nagulat naman ako nung bigla siyang umiyak

"Waaahhhh,mommy isusumbong kita kay mommy" bigla naman akong nataranta at pinatahan siya

"Hush na baby,sorry na,oo na pwede mo nang kurutin ang pisnge ko" sabi ko nalang kasi umiyak talaga siya. I hate myself for making cry kaya kahit masakit ang pagkurot niya titiisin ko nalang

"Yihiee,ang cute mo talaga,ang sarap kainin ng ilong mo" sabi niya at kinurot nanaman niya ang ilong ko,dadaing sana ako pero wag nalang baka kasi umiyak pa to,baka akalain nila ako ang nagpaiyak sa kanya

"Angelo gusto ko ng napakaasim na mangga tas isasawsaw sa maasim din na suka,yung galing sa niyog na suka ha?,please angelo bilhan mo ako ng ganun please" nakapout niyang sabi,at halos atakihin ako sa puso sa mga pinagsasabi niya

"Ha?seriously karryle? Makakaya mong kumain ng maasim?dati naman hindi ka kumakain ng maasim ah?" Nagtataka kung tanong sa kanya

"Waahhh mommy ayaw nanaman niya akong papakain ng mangga " umiiyak niyang sabi at pinatahan ko ulit siya

"Hush na baby,oo na kukuha na ako ng ganun" sumusuko kong sabi ,para akong nag-aalaga ng buntis eh noh?

"Yihiee,i love you na talaga angelo" bigla akong napatitig sa kanya sa sinabi niya

Kung yan lang naman ang gusto niya edi susundin ko nalang palagi para mahalin niya din ako

"Ahh hihi" sabi ko nalang and i pat her head again

"Punta na ako sa classroom,basta mamayang tanghali sa rooftop ha?kailangan pagdating mo dun may mangga at suka kang dala" Sabi nya

"Oo na" sabi ko at hinatid ko na siya sa room nila

Buti wala kaming klase kasi nasa mindoro ang teacher namin,kaya madali akong makahanap ng pinakamaasim na mangga

Putcha saan ko ba yun mahahanap?

Ahh alam ko na,

"Ate maasim ba tong mangga na ito?

"Ahh oo ijo,yan lang ang pinakamaasim na mangga dito. Tinawag yan ng manggang carabao"

"Sige po,isang kilo po manang"

"Oh ayan ijo,"

"Ahmm manang,saan po ba pwedeng bumili ng maasim din na suka?yung galing sa niyog?"tanong ko kay manang

" ahh yun ijo oh,yung may suka-an"sabi niya sabay turo sa tapat ng paninda niya

Nagpasalamat muna ako at pumunta na sa tapat ng nagtitinda ng mangga bumili na ako ng suka na galing talaga sa niyog

Atsaka bumalik na ako sa school,ngumingiti-ngiti pa ako habang bitbit ko yung mangga

Nagtext na si karryle saakin na nandun na siya sa rooftop,tumakbo na ako papuntang rooftop

Nang makarating ako dun nakita ko siyang nakakunot ang noo na para ding naiirita,cute niya kahit nakakunot ang noo niya

"Ang tagal mo naman,mahigit isang minuto na akong naghihintay sayo oh,akin na nga" masungit niyang sabi

Haha bipolar pala siya

"Balatin mo nga yan" masungit niya paring sabi,buti may cutter akong dala-dala

Nang matapos kong balatin ang mangga,nilipat ko naman yung suka sa platito na dala-dala niya,wow girl scout

Di ko siya magawang tingnan sa kinakain niya,para kasi siyang nasasarapan at hinigop pa ang suka,pag iisipin ko palang na kainin ko yun magigiba talaga ang mukha ko sa asim

"Tikman mo to,ang sarap" alok niya sakin nung mangga at sinawsaw pa sa suka

"H-hah?ahh ano,hindi na busog ako" sabi ko sabay iwas ng tingin

"Waaaahhhhh,mommy ayaw niyang kumain ng mangga na kinakain ko,waaahhh" iyak niya na parang bata. Ang lakas ng sigaw niya at may namumuong luha nga sa mga mata niya

"Oo na,kakain na ako" suko ko nalang,bahala na

"Yihiiee" parang bata niyang sigaw at sinubuan niya ako

Pagsubo ko,putspa lang ang asim,as in sobrang asim talaga to the point na nagigiba na ang mukha ko,to the point na mapikit-pikit talaga ako sa sobrang asim

"M-masarap" wala sa loob na sabi ko habang nakathumbs-up

"Oh bakit papikit-pikit ka?kinilig ka ba?" Nakangiti niyang sabi

"Hah?haha oo kinilig ako kasi sinubuan mo ako" sabi ko nalang

"Gusto mo pa?" Isang subo nga di ko na kaya,pano na kaya kung dadagdagan pa?

"Hah?ah--" naputol ang sasabihin ko nung magsalita siya

"Huwag na nga lang,kulang pa nga ito sakin eh,"sabi niya at kinain niya ang mangga na wala man lang reaction na parang ang tamis-tamis lang ito sa panlasa niya

Nang matapos niyang kainin lahat ng mangga nakapagdecide na kami na umuwi na,wala na kasi siyang ganang pumasok kaya uuwi nalang daw siya

***

Belated happy birthday to me,di ko akalaing kinse na ako,putspa parang kelan lang katorse pa ako tas ngayon kinse na?no wonder tatanda at tatanda parin ako kahit anong gawing pigil ko

April 26 po birthday ko,wala lang sinabi ko lang

#april 27,2017
#at exactly 8:10 Pm

The Desperate Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon