chapter 34:accident II

5.8K 62 1
                                    

Skyler Pov:

Sinuntok ako ng sinuntok ni angelo pero wala sa kanya ang atensyon ko. Kahit pinaulanan niya ako ng suntok hindi ko naramdaman ang sakit. Parang biglang namanhid ang katawan ko at palaging rumehestro sa isipan ko ang nakangiting mukha ni angela yung duguang katawan niya at yung malamig niyang katawan

"Gago ka,lahat tiniis niya para makasama ka pero binalewala mo lang,tingnan mo ang nangyari sa kanya?tinext mo pa siya na papuntahin dito sa restaurant? Para ano?para ipamukha sa kanya na hindi mo siya magugustuhan?pakyu ka acosta" Sabi nung angelo at sinuntok ako

Sinubukan kaming awatin ng mga tao,

Tinext?hindi ko naman siya tinext ah?wala nga akong number niya eh

Pumunta naman si angelo sa driver at gaya ko,sinuntok niya din iyon

Nang magsawa na siyang suntukin ang driver na yun,lumapit siya kay karryle. Lumapit din ako sa gawi nila

"Hey karryle wake up,karryle don't worry dadalhin kita sa hospital" sabi ni angelo sa walang malay na karryle

"Ahmm kuya-kuya ayun po ang anak niya,tumalsik po kasi ang anak niya nung nabangga sila" sabi nung babae

"What?dinala niya ang anak niya?" Tumango lang ang babae

"Hey you,kunin mo yung bata at isakay sa kotse ko" sabi ni angelo sa lalaking kaage din namin,

"Woii,asawa at anak ko yan kaya ako ang magdadala sa kanila sa hospital" sabi ko kay angelo at pilit inagaw si karryle sa bisig niya

"James,wala ng bisa ang kasal niyo,,kaya hindi muna siya asawa" nang-init ang ulo ko sa sinabi ni veronica

"Wala akong pakialam,anak ko parin yung nabangga at ina parin siya ng anak ko" sigaw ko sa kanya

"I don't need you here skyler,kaya kung pwede ba umalis ka na? Ginusto mo naman na mangyari ito diba?" sabi ni angelo at patakbong tinahak ang kotse niya

Nandun nadin ang lalaking kumuha sa anak ko

Sinundan namin sila sa St.Luke Hospital

Pagdating namin dun may stretcher ng nakaabang

Pumasok kami sa hospital at dinala si karryle at ang anak ko sa Emergency Room

"Hanggang dito lang po tayo sir" sabi nung doctor at pinasok na silang dalawa sa ER

Nakita ko namang papalapit sakin si veronica biglang bumalik ang inis ko sa sinabi ni angelo kanina na tinext ko daw si karryle

"Now tell me Veronica? Ano ba talagang ginawa mo sa phone ko?" Madiing sabi ko at pilit pinigilan ang galit ko

"James,huhuhu james di ko naman sinadya eh,,di ko naman intensyon na ganun pala ang mangyayari" Umiiyak na sabi niya

"Ano nga ang ginawa mo sa cellphone ko" galit na talagang sigaw ko sakanya

"Tinext ko siya na papuntahin sa restaurant, kasi gusto kung ipamukha sa kanya na hindi mo siya mamahalin at ako talaga ang mahal mo" sabi niya at inis naman akong napahilamos sa mukha ko

"Saan mo nakuha ang number niya?" Tanong ko sakanya kasi yan talaga ang nagpapabagabag sa isip ko

"Sa phone mo,nagulat nalang ako nung isearch ko sa contact mo na may karryle labz" sigaw niya sakin

Wala naman akong natatandaang sinave ko ang number niya,,tsk pero di yun sapat para ganyanin niya ang mag-ina ko

"Bakit mo ginawa yun?di pa ba sapat yung pag-file ko ng annulment? Alam mo namang ikaw ang mahal ko diba?" Di ko mapigilan ang sarili kung sigawan siya

The Desperate Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon