chapter 49:death threat

3.2K 39 1
                                    

Karryle Pov:

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa sulat na ipinadala ni anonymousgirl, naguguluhan ako?sino ang tinutukoy niya?.

Di ko namalayan na nandito na pala si sky

"Karryle, hey karryle--" he cut with his own words when he saw the pictures and the kitten

"What the heck?" Gulat na gulat niyang bulalas.Gusto kung ibuka ang bibig ko pero walang salita ang lumabas,para akong nabato sa kinatatayuan ko. Hindi parin ako makapaniwala

"Sino ang nagpapadala sayo nito?" Tanong niya pero hindi ko siya nagawang sagotin,isa-isa din niyang dinampot ang mga pictures na nakalapag sa sahig

"H-hey k-karryle okay ka lang ba?" Tanong niya saakin nung hindi ako nagsalita,naguguluhan parin ako ngayon. Di ko kilala kung sino ang nagpadala saakin nito at mas lalo akong naguguluhan sa nakita ko sa mga pictures na may nakatutok sa akin ng baril,ewan ko pero familiar talaga ang lalaking iyon,ang malaking katanungan na nasa isip ko ngayon ay...

Sino yung taong gustong pumatay saakin?

Di ko na alam kung ano ang gagawin ko,masyado ng nagkasunod-sunod ang mga pangyayari,natatakot ako sa posibleng mangyari, bakit pinapadaan pa nila sa ganitong sitwasyon? Diba pwedeng harapin nalang nila ako? Kung gusto nila akong patayin edi harapin nalang nila ako,ano pa ba ang silbi ko sa mundong ito?kung gayong wala na ang mga taong nagpapasaya saakin?

"K-karryle, o-okay ka lang ba?"sabi ulit ni sky,pero gaya kanina hindi ako umimik

"Don't you worry,hahanapin ko kung sino man ang nagpadala sayo nito,pinapangako ko sayo yan" sabi niya bigla at nilingon ko naman siya,nakatingin lang siya sa kawalan at nakakuyom ang palad

"P-pupunta lang ako sa kwarto" sabi ko at dahan-dahang tumayo,naramdaman ko pang nanginginig ang mga tuhod ko pero sinubukan kong tumayo,ayoko munang makipag-usap kung sino abala pa rin ang isip ko kung sino ang nagpadala sa akin nun,at kung sino ang gustong pumatay saakin,

Pumasok na ako sa kwarto ko,wala paring pinagbago nito. Nandun parin ang picture frame namin nung kinasal kami ni sky,kagaya ng picture frame namin sa baba,nakangiti ako samantalang si sky nakabusangot lang,nandun din yung picture nina mom and dad pareho silang nakangiti sa picture na iyon,

'I miss you mom,dad'

*sighs*

Kinuha ko ang picture nila at niyakap yun,di ko namalayang sunod-sunod nanamang pumatak ang mga luha ko. I really do miss them,di ko akalaing kukunin sila ng maaga saakin,akala ko yun na ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko,may kasunod pa pala. Nung namatay ang mga anak ko,masakit pa sa lahat ng sakit ang nararamdaman ko nun,hindi ko kinaya ang sakit na yun!Yung tipong pinipiraso ang puso ko sa sobrang sakit, para ding pinupunit ang puso ko sa mga sandaling iyon

Ahhhh!! I should be moved on, maram nang taon ang lumilipas pero heto ako ngayon,hindi makalabas-labas sa nakaraang kong gusto ko na sanang takasan,tsk i can't moved on fresh na fresh parin sa memorya ko ang lahat ng nangyari

Nahiga ako sa kama at unti-unti na din akong hinila ng antok,

*tok*tok*tok*

Nagising ako ng may kumatok,dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at ninamnam ang sandaling lamig dahil sa aircon,pagkatapos kong namnamin ang sandaling iyon!binuksan ko na ang pinto,

"Kumain ka na," sabi ni sky habang dala-dala niya ang tray ng pagkain,niluwagan ko ang pagbukas ng pinto at pinapasok ko siya,nilapag niya sa table ang pagkain ko at humarap sa akin

"Jazz,kumain ka na!5 minutes before one o'clock pero wala paring laman ang tiyan mo" sabi niya at makikita mo talaga sa mga mata niya na alalang-alala siya,marahang hinaplos ang puso ko sa paraan ng pag-alaga niya saakin,pero nanatiling galit parin ang naroon para sa kanya at sa kabit niya

"Busog pa ako,mamaya nalang" sabi ko at tinalikuran siya,pumunta ako sa cr para magtoothbrush. Pagkatapos kung magtoothbrush nagulat nalang ako na nandun parin siya sa loob ng kwarto ko

"Jazz,dahil ba ito sa mga nakikita mo kanina?look!pangako ko sayo hahanapin ko kung sino ang nagpadala sayo ng mga litratong  iyon" sabi niya,at makikita mo talaga sa mga mata niya na desidido talaga siyang gawin yun kahit anong mangyari,

"Wag ka nalang mangako,kung yan lang pala ay mapapako" sabi ko at kumuha ng damit sa cabinet,muli akong pumunta sa cr para magbihis,pupunta akong mall ngayon,magpapalamig ako ng ulo,at wala ako sa mood makipag-usap nino man,

Nang makapagbihis na ako,lumabas ulit ako sa cr. Nakita ko naman siyang nakakunot ang noo at naroon sa mga mata niya ang pagtataka kong saan ako pupunta at kung bakit ako nagbibihis,bago pa siya magtanong inunahan ko na siya

"Pupunta akong mall,I need to be alone,wether you like it or not,pupunta ako kung saan ako pupunta at wala ka ng pakialam dun" sabi ko at tinalikuran siya. I'm wearing a simple violet shirt and a jeans,hindi naman party ang pupuntahan ko para mag-gown o magara ang isusuot ko

"Okay!papayagan kita sa ngayon,pero next time kasama mo na ako ha?natatakot ako sa posibleng mangyari jazz,ayokong mapahamak ka,lalo na't ikaw ang--tsk basta,ingatan mo ang sarili mo ha?tawagan mo ako pag may naramdaman kang kakaiba,sinave ko na ang number ko sa phone mo nung nasa cr ka,basta jazz ha tawagan mo ako,promise dadating ako,mahal na mahal na mahal kita jazz,mag-ingat ka ha?akin ka lang" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit,ito nanaman ang familiar na hindi magkandaugaga na puso ko, sa simpleng sinabing niyang yun nagawa pang tumibok ng puso ko sa likod ng nangyari noon. Ako na ang kumalas sa napakahigpit niyang pagyakap sakin. Nagpaalam na ako at pinayagan naman niya akong dalhin ang kotse niya

Nang makarating ako sa mall,sumalubong sa akin ang napakalamig na klima,sari-saring amoy galing sa mga tao,nilibot ko ang paningin ko sa kabuohan ng mall na ito. Balak ko lang kasing magwindow shopping,wala naman akong bibilhin

Sumakay ako sa escalator habang nilibot ko ang paningin ko,naramdaman kung may nagmamasid sa akin,ewan ko napapraning nalang ba talaga ako?or talagang may nagmamasid sa bawat galaw ko?posible ba yun?sa dinami-daming tao dito sa mall?tsk kung ano-ano na ang iniisip ko!nababaliw na talaga ako

Pumunta ako sa national bookstore,para tuloy gusto kung magbasa,naghahanap ako ng librong mabasa ng may naramdaman nanaman akong nakamasid sa akin,malakas talaga ang pakiramdam ko lalo na sa mga taong nagmamasid sa akin,tumingin ako sa kaliwa pero wala naman akong nakita,sunod ko namang tinignan ang kanan pero gaya kanina wala din akong nakita!siguro naprapraning lang talaga ako!kung ano-ano na kasi ang iniisip ko

Pilit kong iwinaklis sa isip ko ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin at pagtuloy parin ako sa paghahanap ng librong pwedeng mabasa,eto nanaman ang presensiya na may nakatingin sa akin!it gives me goosebumps,habang patuloy parin ako sa paghanap ng libro, nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nakahood at nakashades sa tapat ko,bale nasa kabila siya at nakaharap siya sakin,tanging mukha niya lang ang makikita niya dahil natatakpan ang katawan niya ng shielf kaya di ko tuloy makita yung buong mukha at katawan niya,tanging yung ilong hanggang paibaba lang ang tanging nakikita ko pero alam kung babae siya kasi nakalipstick siya,biglang siyang nagsmirk at pinikit ko pa ang mga mata ko baka namamalikmata lang ako. Kasi para ding familiar saakin ang pag ngisi niya,pero pagdilat ko wala na akong nakita,nagsisitayuan ang mga balahibo ko,

Ipinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy parin sa paghahanap ng libro,sa di kalayuan may nakita akong libro

Kukunin ko na sana ng.....

***
Sa wakas nakapag-UD din,tagal ko ng hindi nakapag-UD

Kapagod ang araw na ito,may lagnat na nga ako't lahat-lahat pinapractice kami ng volleyball para ilaban sa bawat baranggay,amff kaya pahinga muna si okz at UD-UD din pag may time

#august 13,2017
#at exactly 4:06 pm

The Desperate Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon