Karryle Pov:
Bumaba na sila habang naghahawak kamay,nakaramdam nanaman ako ng pagtusok-tusok sa puso ko,ang sakit lang kasi tignan na yung mahal mo may mahal ng iba
Inihanda ko na yung pagkain at tinawag na sila
"Ma'am, Sir ready na po yung hapunan niyo" nakayuko kung sabi,sa bawat bigkas ko sa mga katagang iyon kumikirot ang puso ko
Nakayukong bumalik ako sa kitchen,hindi parin tumitigil ang luha ko sa pagpatak,sinubukan kung pigilan ang mga hikbi ko para hindi nila marinig,tinakpan ko pa yung bibig ko kasi once na hindi ko yun takpan maaring marinig nilang umiiyak ako
Tiningnan ko silang masayang kumain habang nagsusubuan,naalala ko nung mga nakaraang linggo ganyan na ganyan din kami ni sky,
Ang sakit lang,kasi akala ko mahal na niya ako,
Makikita mo talaga sa mga mata nila na masaya sila sa isa't-isa, Makikita mo din na mahal na mahal nila ang isa't-isa,
Hinawakan ko yung tiyan ko,medyo umumbok na
'Sorry baby,napakaduwag ni mommy,ni hindi ka man lang niya magawang ipakilala sa daddy mo,sorry din baby kasi ang gulo-gulo ng pamilya na mapapasukan mo'
Hindi ko mapigilan ang sarili kung mapahikbi,,kahit anong pigil ko para hindi humikbi hindi sapat yun sa nararamdaman ko ngayon
Biglang napatingin sa gawi ko sina sky at crisel,
"Oh my god karryle, what's happening to you?"
Nakikita ko sa mga mata ni crisel ang pag-alala at pagtataranta
Binalingan ko naman si sky,at mas lalo akong napaiyak sa reaksiyon niya
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit,nangangailiti,inis at poot
Nanlilisik na mata din ang ipinukol niya sakin kaya lalo akong napaiyak
'Sorry baby,napaiyakin talaga ni mommy'
Pumunta silang dalawa sa gawi ko at kahit anong pigil ko sa mga luha ko,hindi parin ito tumitigil sa pag-agos kahit i-angat ko man ang paningin ko,para silang gripo agos lang ng agos
"Anong nangyari sayo?karryle ha?" Nag-alalang tanong ni crisel
"W-wala p-po m-ma'am,tapos na ba kayong kumain?" Tanong ko at hindi ko na sila hinintay makapagsalita at pumunta ako sa dining area,tapos na pala sila
Dali-dali ko yung niligpit at nilagay yun sa sink
Nagsimula na din akong maghugas,at nasa sala lang sila habang nanonood ng movie
Tiningnan ko pa sila,at eto nanaman ang luha kung hindi tumigil sa pag-agos
Ang sweet lang nila sa posisyon nila,
Nakaakbay si sky kay crisel at inihilig naman ni crisel ang ulo niya sa balikat ni sky
Ang sakit-sakit sa dibdib ng nakikita ko,pareho silang nakangiti habang nanonood ng movie
Minadali ko nalang ang pag-hugas at ng matapos akong maghugas,nanghilamos pa ako para hindi mahalatang namumugto na ang mga mata ko
Pumunta ako sa gawi nila
"Ma'am,Sir?may iuutos pa po ba kayo?" Nakayukong tanong ko,hanggat maari ayaw kong makita nilang namumugto ang mga mata ko
"Wala na,karryle" nakangiting sabi ni crisel
"Ahh sige po,tawagin niyo lang ako kung may iuto---" di ko na natapos ang sasabihin ko nung sumabat si sky,nanlilisik nanaman ang mga mata niyang nakatingin sakin,
BINABASA MO ANG
The Desperate Wife (Completed)
ЮморAng babaeng nangangarap na makamit ang lalaking mahal niya Ang babaeng handang magpaka-desperada kahit masaktan man siya ng paulit-ulit Magiging masaya nga ba siya pag malaman niyang isang araw abot-kamay na niya ang taong mahal niya? Magiging masay...