Narinig ko ang ingay ng telepono sa gilid ng table ko. Nakadukduk ang mukha ko sa desk habang nag iisip ng paraan paano ko mababayaran lahat ng utang ko.
By the way, I'm Sam short for Samuella Vigor. 24 years old. Ang pangit ng name ko no? Minana ko pa yan sa Lolo ko na ang pangalan ay Samuel. At si Papa na ang pangalan din ay Samuel. Only kid ako sa pamilya namin. Ulila ako sa nanay ko. Ang kwento ni Papa, iniwan kami ni Mama noong 2 years old palang ako. Nangibang bahay daw, kaya si Papa ayun naging bulakbol, sugalero, lasenggero. Über kasi magmahal si Papa kaya yun nang iwan sya ni Mama gumuho ang mundo nya pero swerte pa din ako lumaki ako sa piling ni Papa. Never nya ako pinagbuhatan ng kamay eventhough lasenggero sya at sinikap nya makapagtapos ako. 21 years old ako nang makagraduated ako ng nurse pero hindi ako nakapag board exam kaya ayun hindi ko naituloy ang pag nunurse ko. Nagpunta ako ng Manila para magbakasakali at eto na nga nakapagpatayo ako ng maliit kong laundryshop.
Pero now, problemado ako. Medyo naparami ang pagkakautang ko, inatake kasi si Papa at matumal ang business so need ko mangutang.
Back to reality.
Narinig ko ang katok mula sa pintuan ng office ko. Inangat ko ang ulo ko sa pagkakayuko at inayos ang magulo kong buhok. Hindi na nga ako nakapag ayos bago ako pumunta ng shop. Jeans at shirt lang ang suot ko at hagard na hagard ako.
"Sam. Are you okay?" narinig kong sinabi ng babae na nagbukas ng pinto. It's Lisa. My bestie since highschool. Sya ang partner ko sa business na to' at kadalasan nakikinig sa walang katapusan hinaing ko ng sama ng loob sa mundo.
Pumasok sa loob si Lisa dala ang isang baso ng juice. Nilapitan nya ako at inalapag ang malamig na juice sa table ko. Napahawak ako sa ulo ko habang kinakapa ang magulo kong buhok.
"Salamat.
Ngumiti ako. At inabot ang orange juice na dala nya. Halos maubos ko ang juice. Wala pa ata akong kain eh.
"Sam. Kung kailangan mo humiram. Pahihiramin kita for Tatay Samuel. I know you really need the money immediately.
Ngumiti ako. Hihingi nanaman ako ng tulong kay Lisa. Ang dami ko na utang sa kanya hindi ko na alam kung paano pa ako makakabayad.
"Wag na best. Ako ng bahala. I'm selling my condo unit. Yun nalang naiisip kong paraan para makabayad sa mga inutangan ko.
Nagulat si Lisa sa sinabi ko. Medyo napahawak sya sa pisngi nya at sumama ang tingin sa akin na parang sasabihin nyang, baliw na ba ako?
"Baliw ka na ba talaga Sam!
I know right? Yan ang sasabihin nya.
"Wala na ako maisip eh. Kaysa humiram nanaman ako sayo. Madadagdagan lang utang ko sayo. Tsaka makakahanap din ako ng matitirhan ko. Soon."sabay ngiti ng maibsan ang pag aalala nya.
Halata sa mukha ni Lisa ang lungkot. Ilan beses na nya ako inofferan na tumira sa kanya pero mataas ang pride ko at hindi ako pumayag. Hinawakan ko sya sa kamay.
"Dont worry. I'll be fine. Promise ko sayo. Bago ko ibenta yun condo ko. Maghahanap muna ako ng matitirhan.
Bahagya syang tumango pero nag iisip pa din. Nasasabi ko yun sa reaksyon nya. Kabisado ko kaya ito mag isip.
"Well. If you dont want me to lend you some money? Then let me help you na maghanap ng matitirhan. Please.." ask Lisa with pouty lips pa, halata ito na nagmamakaawa na tulungan ako.
Napasandal ako sa kinauupuan ko. Napaisip."Okay. Salamat best. Basta wag yun mahal. Okay na yun isang bedroom kahit bedspacer. Okay na ako..
Tumango si Lisa, excited si Bruha. Tumayo sya sa pagkakaupo at niyakap ako. Napangiti naman ako. Medyo nabawasan ang pag iisip ko about sa mga problema ko. Thank god.
BINABASA MO ANG
That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE ✔️
Romance[Published under Materica Bookstore] HR #11 in Twist --- My room mate, My landlord.. And possibly my lover too.. Who is he? That Mr.Sungit Next Door. But twist of fate, were connected by our past. Start: June 29 2017 End: May 5 2018 --- iamnyl...