Chapter 37

3.5K 85 2
                                    






Buong gabi akong gising matapos nyang umalis. Hawak ko sa mga kamay ko ang singsing na binigay nya. Ang singsing na hindi ko tinanggap. Pati ang proposal nya na nireject ko.




Hindi maitago ng mga luha ko ang nararamdaman ko. Sobrang sakit. Hindi ako makahinga sa pag iyak. Alam ko na sa ginawa ko na yun malaki ang posibilidad na baka hindi nya na ako balikan at bumalik sya dati sa pagiging matigas.





Pero kailangan ko panindigan ang desisyon ko.







---



2 weeks ang lumipas.



TOK! TOK!


Nagulat ako sa kumatok. Kakauwi ko lang galing school kung saan ako nag board exam. Awa ng Diyos nakapasa ako. Unang kong babalitaan si Papa. Panigurado matutuwa yun.


TOK!TOK!

Ang kulit. Sino ba yun kumakatok na yun! Binuksan ko ang pinto.



"CONGRATS!!!



Nagulat ako sa bumungad sa pintuan. Sina Jasper, Alexa, Sir Jirou at Ivan. Hindi agad ako nakapagreact sa ginawa nila.


"Congrats Ate!!" said Alexa saka niyakap ako. May dala naman bouquet si Ivan. Pinapasok ko sila. May mga dala silang pagkain.


"Ano ba yan! Fiesta ba?" natatawang sinabi ko. Nilapag nila ang mga pagkain sa lamesa.


"Nakapasa ka sa board. At hindi lang nakapasa. Kasama ka sa top 10 board passer." said Jasper. Ngumiti ako.


"Hindi ko pa nga binabalita sa nyo. Alam mo na agad." sagot ko habang naghahanda ng mga plato.


"Oo naman. Ako pa ba? Napag usapan na namin ni Jirou to." he said sabay tingin kay Sir Jirou.


Natawa ako.



Niyaya ko sila sa hapagkainan matapos ko mag ayos. Binuksan namin ang dala nilang pancit, spaghetti, cakes at wine na dala ni Ivan.


"Saan mo balak magtrabaho nyan?" tanong agad ni Ivan sa akin. Nahinto ako sa ginagawa ko.



"Oo nga ate. Top 10 board passer ka, for sure madami mag aalok sayo ng trabaho or madaming tatanggap sayo." said Alexa.


"Pinag iisipan ko pa yan." sagot ko nalang kahit na hindi pa ako nakakapagdecide. Ilan hakbang nalang papunta sa pangarap ko. Mag hohold back pa ba ako.



"May alam ako." biglang sinabi ni Jasper.



"Ospital?" tanong ko. Tumango sya.



"Oo. Hindi pa sya malaking ospital. Bagay sayo yun kasi starting ka palang naman. Kailangan mo ng working experience diba." said Jasper. Napaisip ako. Tama sya. Mahirap makipagsabayan sa malalaking ospital sa ngayon.



"Sa Divine Heart Hospital and Foundation ba yan?" biglang tanong ni Jirou. Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yun? Ang alam ko na pinaka kilalang ospital yun ospital kung saan nagtatrabaho sina Jasper at kung saan head doctor si Zander.


That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE  ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon