Chapter 28

3.4K 108 4
                                    







Nasa office kami ng head nurse. Katabi ko sina Patrick at Kiara. Nasa kabilang side naman sina Marie at Natalie. Alam ko na may mali ako. Pero mali din naman sya.

Nakita kong pumasok si Nurse Hilda na may kasamang lalake. Hindi ako makatingin.

"We have a new doctor Dr. Avellana. Kayong tatlo ang mag aassist kay Dr. Avellana." nagulat kaming tatlo sa sinabi ni Nurse Hilda.

"Bakit sila po Nurse Hilda? Pwede naman kami nalang?" said Natalie na parang ayaw pa.

"I highly recommend this three to Dr. Avellana. But they still need to monitor the rooms na inassigned nyo sa kanila." said Nurse Hilda. Tumango kaming tatlo. Mas okay na sa akin yun kaysa sila ang humawak sa amin. Kung maisusumbong ko lang sila kay Zander for sure tanggal na sila agad.

"Kayong tatlo. Proceed to Dr. Avellana's office." utos sa amin ng head nurse at agad kaming sumunod. Iniwan na namin ang dalawang nurse. Kumapit sa akin si Kiara.

"May bagong doctor daw?" bulong nya sa akin.

"Oo eh. Wala din nabanggit sa akin si Zander." bulong ko sa kanya.

Huminto kami sa isang kwarto. Nakalagay sa pinto. Pediatrician. Dr. Jiro Avellana.

"Hello Hilda.." bati ng lalaki kay Nurse Hilda. Nakangiti sya ganun din sa amin. Napaka cheerful naman ng doktor na to.

"Nandito po yun mga trainees namin. Sila ang mag aassist sa nyo Doc." said ng head nurse. Tumango ang doktor. Pagkatapos nya kami ipakilala, umalis na sya. Naiwan kaming tatlo sa loob.

"Okay guys. Sana maayos ang pakikitungo natin sa isat isa. At I'm happy na kayo ang assistants ko today. Nirequest ko yun." he said. Nagulat kami.

"Kami po?" napatingin ako kay Dr. Jiro. Sya yun lalakeng nakita namin sa elevator!! Ang gwapo nya..

"Oo. Ikaw yun nabangga ko, sa elevator. Napansin kong mga baguhan kayo like me so I've requested Nurse Hilda to assigned some newbies with me." nagkatinginan kami nila Kiara. Mas okay na din ito kaysa magstay kami kina Natalie.

"Sige po Doc." sagot ko. Tinulungan namin sya mag ayos ng office nya. At dahil pediatrician sya. Sa bata sya nakafocus. Kaya siguro ganito ang personality nya. Medyo cheerful sya at palangiti. Para nga naman hindi matakot ang bata sa kanya. Bakit kaya hindi ito ang kinuha ni Zander? Nako! Baka matakot lang mga bata sa kanya.

Nag start ang duty namin kay Dr. Jiro. Mabait naman sya at hindi naman kami sinisigawan. Nagbibigay pa nga sya ng trivia sa mga ginagawa nya. 1PM ang duty ko sa room 251. Sinabi ko din kay Dr. Jiro na may batang pasyente dun na kailangan ng atensyon. Hindi kasi sya gumagaling. Hindi rin naman sya sinasuggest ng ibang nurse na ipacheck ulit sa pedia.

"Iniinom mo ba ang mga gamot mo?" kalmadong tanong ni Dr. Jiro kay Alliyah. Kinakausap nya ito habang ginagawa ang skin test para hindi sya matakot.

"Aray!!" sigaw ni Alliyah. Pinakalma naman sya agad ni Doc.

"Kagat lang ng langgam diba? Here. Eat this. Para mag gain ka ng energy." he said at binigyan nya ito ng cupcake. Kinuha yun ng bata at kinain.

"Doc.. Ano pong lagay nung bata?" tanong ko ng matapos nyang icheck up ito.

Hinila nya ako sa kabilang side ng kwarto.

"She has a cancer. Stage 2." nagulat ako. Napatingin ako sa bata. May cancer sya at hindi man lang sya tinututukan ng ospital na to.

"Bakit hindi man lang sya binibigyan ng attention dito? Hindi ba nila alam na may cancer sya?" tanong ko.

"I don't know.. Bago lang ako dito.. Nagulat na nga lang ako dahil may cancer sya at nandito lang sya sa kwarto na to? What I mean is dapat ilagay sya sa facility A para mamonitor sya ng mga oncologist."

That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE  ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon