Chapter 2

6.3K 191 5
                                    



Nakatayo ako sa harap ng building ng Alejo Condominium. Nakatingala ako at tulala sa taas ng building na yun. Wala na akong pwedeng puntahan. Bitbit ko na din ang mga gamit ko. Dala ko ang 2 luggage bag ko at isang bagpack habang nakasabit sa kanang braso ko ang isang shoulder bag na madalas ko paglagyan ng importanteng gamit ko. Nakapark na ang kotse ko at iniwan ko muna dun ang ibang gamit ko.

Nagsimula na ako humakbang papasok sa building. Binigay ni Alexa ang floor, unit number at unit key sa akin.
Bilib talaga ako kay Alexa ang daming connections. Pati ba naman sa mayaman pamilya ng Alejo? Pano nya nagagawa yun?

"Good evening Mam." nahinto ako sa paglalakad at sa paghatak ng mga bag ko ng marinig ko ang boses ng isang babae na sumalubong sa akin, katabi nya ang isang lalake na mukhang bellboy.

"Saan unit po Mam?" nagulat ako. At nilabas ko kaagad ang phone ko saka pinakita ang message ni Alexa.

"Ohh.."nagtaka ako sa reaction ng babae. Weird.

"Ahm.. Mam. Ihahatid nalang po namin kayo dun." sabi nya ng alukin nya ako na sumunod sa kanya. Kinuha naman ng lalake ang mga gamit ko at sya na ang nagdala. Nakasunod lang ako sa babae na weird pa din ang reaction sa nabasa nya sa text sa akin ni Alexa. Sumakay kami ng elevator at nakita kong pumindot sya sa 35th floor. Tahimik lang kaming lahat sa loob habang hinihintay ko na makarating kami ng 35th floor.
Gusto ko na din mamahinga at buong araw akong pagod sa pag iisip, halos buong week na din akong problemado. At least now nasolusyunan ko na yun. Isa nalang problema ko. Ang titirhan ko.

"Nandito na po tayo Mam." bumalik ang atensyon ko sa babaeng katabi ko ng magbukas ang elevator.
Sinundan ko sya sa paglalakad.
Nakarating kami sa dulo. Nun ko lang nalaman na halos tuktok na pala ng building ang condo unit na titirhan ko.

"Here, Mam." sabi ng babae at ngumiti lang. Nakatayo kami pareho sa harap ng pinto ng unit. Inayos na din ng lalake ang mga gamit ko at sabay sila na iniwan ako. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makasakay sila ng elevator.

Bumaling ang atensyon ko sa pintong nasa harapan ko. Nasa kamay ko na ang susi. Huminga ako ng malalim at dahan dahan hinawakan ang door knob saka ginamit ang susi na binigay ni Alexa.

Nakalock ang pinto at mukhang walang tao. It means wala ang may ari. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko pa makikilala ang landlord ko. It means sarili ko muna ang unit na yun.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at humakbang papasok sa loob. Madilim at hindi ko pa kabisado kaya kinakapa kapa ko muna ang bawat gilid para sa switch ng ilaw.

Click!

Nagulat ako ng makapa ko ang switch at nagbukas ang mga ilaw. Halos lumuwa ang mata ko sa lawak ng unit.

"Wow." nasabi ko nalang habang namamangha ako na parang 1st time ko sa isang highclass condominium.
Binitawan ko ang mga bag ko at umikot ikot sa may sala. Ang laki ng flatscreen tv na nakakabit sa dingding, mga nasa 45 inches ata yun. Sa magkabilang gilid may home theater naman. May round table sa gitna at carpet na pabilog din. May couch sa magkabilaan. Mataas ang ceiling na may maliit na chandelier sa gitna.

Sa bandang kanan ko nakita ko ang maliit na kitchen. May maliit na 4seater dining table. May wine bar. May malaking ref. At silver sink. Wow!

Tumingala ako at natanaw ko ang 2nd floor ng unit. Tama ang sinabi ni Alexa. Malaki nga ang unit na to. Sana lang hindi mahal ang singil sa akin ng may ari ng condo.

May cr sa baba at may cr sa taas. Same may bath tub at bowl. May shower room din. May book shelves sa paligid ng living room. May mga hanging plants sa labas ng mga malalaking bintana.
Tanaw na tanaw ko ang buong Quezon City sa may terrace.

That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE  ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon