Nasa room 253 A ako.. Sampu lang kami sa loob ng room.Lahat kami kumukuha ng board exam.
After 30 minutes na paghihintay sa proctor. Nagsimula na kami. May 2 hours lang kami para magsagot. No exceeding time..Habang ngsasagot ako. Naiisip ko si Papa. Kapag nakapasa ako, for sure iiyak sa tuwa yun. Alam nya kasi ganu kami naghirap na dalawa sa pagpapaaral sa akin nung college ako.
Yun wala ako maibaon at halos ipangutang nya makapasok lang ako. Nagsasaka sya araw araw. Halos ayaw nya na bumili ng gamot nya para ibaon ko nalang at ipambayad ng mga kailangan ko sa school.At isa pa, kung magkita kami ni Mama.. Gusto ko patunayan sa kanya na nakapagtapos ako kahit wala sya at hindi naging pariwara ang buhay ko kahit broken family kami. Madami na nagsabi na wala daw patutunguhan ang buhay ko dahil wala naman akong kinalakihan ina. At maaga din ako mag aasawa at iiwanan ko din ang tatay ko tulad ng ginawa ng Mama ko pero mali sila. Maling mali.
Natapos ako magsagot bago matapos ang 2 hours namin.
Pinalabas ako ng proctor namin. Naitext ko na din si Zander na sunduin ako. After 2 months pa malalaman kung nakapasa ako.
"Sorry Mahal.. Hindi kita masusundo. May pasyente ako.."
Nabasa ko ang text ni Zander. Paraan ko lang na itext sya para di sya makahalata na wala naman akong balak magpasundo. Balak ko makipagkita kay Jasper. Gagawa na kami ng mga banner para sa birthday ni Zander.. Then mga iinvite namin na malalapit nyang kaibigan. Kinontak ko din si Sir Andro. Balak ko na imbitahin sya sa birthday ni Zander.. Baka naman magkaroon sila ng oras ng anak nyang mag usap.. Magandang pagkakataon yun..
"Hop in!!" sigaw sa akin ni Jasper. Dala nya ang kotse nya. Nasa loob si Doc Jiro. Sumakay ako.
"Paano kayo nakalusot kay Zander? Tanong ko sa dalawa. Natawa si Doc Jiro.
"Sabi ko kay Zander. Nagllbm ako. Mukhang kumbinsido naman sya dahil umarte talaga akong masakit tyan ko at sabi ko hindi ako makapagdrive. Muntik na syang sumama sa akin dahil ipagdadrive nya ako pauwi.. Mabuti nalang sumingit si Jiro nailigtas ako sa kalokohan ko.."
Natawa ako sa kanilang dalawa. Talagang maloko talaga sila. Napaniwala nila si Zander.. Iba din..
"Saan tayo pupunta?" sila kasi may idea kung saan kami kukuha ng venue.
"May naisip ako.. Tutal surprise ito.. Mas maganda nang masurprise talaga sya." said Jasper habang nagdadrive.
"Kasi yan si Zander hindi na nagcelebrate ng birthday nya yan after mamatay ang Mama nya. Kasi ang alam ko ang Mama nya ang naghahanda sa birthday nya.. Then sa pupuntahan natin venue..yun ang venue kung saan madalas sya pinagcecelebrate ng Mama nya." nagulat ako sa sinabi ni Jasper.
"Alam mo kung saan?" tanong ko. Tinanguan nya ako.
"Existing pa din yun.. Kaya lang madami nagbago.." nagtaka ako sa sinabi nya.
"Bakit?
"Venue kasi yun para sa mga nag chichildrens party." nagulat ako sa sagot ni Doc Jiro.
---
Nakarating kami sa sinasabi nilang venue.
"Roxetta's Children.." napahawak ako sa noo ko ng mabasa ko ang name ng place.
"Wag nga kayong ganyan.. May trivia ako sa lugar na to ayon sa sources ko about kay Zander.." said Jasper.
BINABASA MO ANG
That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE ✔️
Romance[Published under Materica Bookstore] HR #11 in Twist --- My room mate, My landlord.. And possibly my lover too.. Who is he? That Mr.Sungit Next Door. But twist of fate, were connected by our past. Start: June 29 2017 End: May 5 2018 --- iamnyl...