Chapter 10

4.4K 126 3
                                    



"Hey!" narinig ko'ng tawag sa akin ni Ivan. Napakaway agad ako sa loob ng coffeeshop ng makita ko sya. Sinalubong nya ako bago pa man ako makapasok. Naka shorts lang ako na above the knee at black shirt. Nakapusod ang buhok ko at medyo halata pa sa mukha ko ang hang over.

"You really need coffee." sabi nya pagkaupo namin. Nahampas ko sya sa balikat at nang aasar ang tono nya. Natawa lang sya.

"Ikaw? Kamusta kana naman? I mean? Sorry about last night." sabi ko ng magkaharap na kami. Nahihiya talaga ako sa nangyari.

Natawa sya.

"Wag mo na isipin yun. Parang hindi natin nagagawa yun, noon. Naalala mo sa Lyka nagwawala pa dati nung sobra nalasing. Halos di tayo magkanda uga uga sa paghahatid sa kanya." kwento nya habang nakatawa.

"Oo nga. Kamusta na ba yun?" tanong ko.

"Nagkita kami last month. Nag asawa na sya. Dapat nga imbitado tayo. Kaya lang hindi nya ako makontak or ikaw." he said pagkahawak nya sa maliit na tasa at humigop ng mainit init na kape.

"Sayang nu. Wala ba tayong reunion.?" naisip kong itanung.

"I don't know. Pero sana meron this year."

"Sana nga. Namimiss ko na yun barkadahan.

Natawa sya.

"Uhh- Sam?" napatingin ako sa kanya. Nagtama ang mga tingin namin.

"About last night, about my confession.."

Nagulat ako. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Pero hinawakan nya ang mga kamay ko. Bigla nalang nagpanic ang isip ko. Chill ka lang Sam!

"Ah, Ivan. Ano- K-Kasi..

"I want to court you Sam. Just give me a chance to prove you.

Nagulat ako. Nakita ko ang sincerity sa mga mata nya. Naisip ko, bakit di nga ako magpaligaw? Kilala ko naman si Ivan. Mabait sya, matalino at gwapo. Why not?

"I-Ivan..

"Please Sam.." naramdaman kong pinisil nya ang kamay ko.

"Ah- Ivan. May tiwala naman ako sayo eh. Alam mo yun.. Kaya..

"Kaya ano?

Napahawak ako sa ulo ko. At dahan dahan tumango. Namuo naman sa mukha nya ang isang ngiti na parang kinilabutan ako. Kasabay kasi nun ang mariin nyang pagpisil sa mga kamay ko.

"S-Sam.." he said habang nakatitig sa akin. Ramdam ko pa ang hang over. Pero aside from it, ramdam ko din ang kakaibang pakiramdam. They called it kilig.

After namin mag usap ni Ivan. Bumalik ako sa unit. Sabi ko masakit pa ulo ko, dinalhan din nya pala ako ng gamot. Kaya inuwi ko nalang yun sa unit. Natawa naman ako dahil pakiramdam ko wala naman magbabago sa relasyon namin ni Ivan as a friend yun panliligaw nya sa akin. At most of all, ang swerte ko talaga dahil si Ivan na ang lumapit sa akin. May crush kasi ako kay Ivan dati pa. Kahit di pa sya kagwapuhan that time, crush ko na talaga sya lalo pa ngayon, maglalaway na ako sa kanya.

Natawa ako bigla sa mga iniisip ko. Maglalaway talaga.
Daig ko pa ang highschool sa pag iisip. Bumabalik tuloy ako sa pagiging teenager.

"Hey. Where have you been?" Nagulat ako sa narinig ko. Nasa pinto na kasi ako ng unit. Yun boses na yun. Kay Zander yun!!

Paglingon ko. Nakita ko si Zander sa likuran ko. Nakatayo lang. Parang magkasunod lang kami umakyat ng unit.

"Kanina ka pa?" Gulat ko'ng tanong. Ang alam ko nagpunta sya ng hospital.

That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE  ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon