Mismong gabi ng araw na yun. Nag empake ako ng gamit ko sa kwarto pagkauwi ko. Binigay sa akin ni Zander ang address at susi ng unit na binili nya.
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na sya na mismo ang nagtutulak sa akin umalis dun.
Hindi ko maiwasan malungkot."I'll miss this place." I said sa sarili ko habang inaayos ang mga gamit sa maleta ko. Inayos ko ang kama at mga unan bago pa man ako lumabas ng kwarto. Binaba ko ang maleta at bag ko sa sala.
"Paano na si Zander kung mag isa lang sya dito?" nakita ko ang sticky note sa ibabaw ng table. Kinuha ko yun. Nakaisip ako ng idea bago ako umalis.
"DDDDIIIIIIINNNGGG!
Nagulat ako. Hindi ko kaagad binuksan ang pinto at baka si Leila ang makita ko.
"Its me Jasper! I know your in there Sammy! Sasamahan sana kita!
Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Jasper kaya pinagbuksan ko sya ng pinto. He suddenly hug me.
"I heard from Zander. Lilipat kana?" tanong nya agad sa akin. Tumango ako. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko.
"Hey. Don't be upset. Its for your own sake. Alam mo naman na tanging gusto lang ni Zander eh maging okay ka at kayo. Para makaiwas na din sa eskandalo." he said while tapping my shoulder.
"Alam ko naman yun. Nabigla lang kasi ako kanina. Hindi ko akalain didirektahin nya ako ng ganun."
"I know Zander. May mas malalim pa syang dahilan. Trust him." nalungkot ako. Kinuha ko ang bag ko at si Jasper naman nagbitbit ng maleta ko. Lumabas kami ng unit. Sinulyapan ko muna ulit yun bago ko tuluyan sinara ang pintuan.
"Lagi mong ichecheck si Zander ha. Medyo may pagkapraning yun kapag mag isa lang." paalala ko kay Jasper ng nakasakay na kami ng elevator.
"Of course. Alam ko naman kung "gaano ka nagaalala sa kanya"."Napatingin ako sa kanya. And he grins at me. Siniko ko sya.
"Hindi ganun yun!" sigaw ko at tinawanan nya ako.
"Okay okay. Nang aasar lang ako." ngumiti ako. Pagkalabas namin ng elevator. Dumiretso kami ng parking lot. Tinulungan nya ako ipasok sa kotse ang mga bag ko. Sumakay na din sya at sya na din magdadrive. Hindi ako makapagsalita habang papaalis na kami.
Ilan minuto lang nagdrive si Jasper. Lumiko kami sa isang subdivision. Then ilan streets ang dinaanan namin. Nagtataka ako. Nasa loob kami ng subdivision?
"Akala ko unit lang ang nirentahan ni Zander?" tanong ko kay Jasper na palingon lingon sa drive way. Hinahanap namin pareho ang address.
"I dont know. Wala naman syang sinabi kung condo o apartment o bahay yun binili nya?" Nagtaka ako.
Nakita ko ang isang street sign. Nakalagay Camachile St.
"Ayun yung street. Lumiko tayo dun!" sigaw ko pagkaturo ko sa street. Lumiko agad si Jasper. Pagliko ng sasakyan, medyo maliwanag pa dahil sa mga ilaw sa poste. May mga hilera ng bahay. Magkakamukha na parang iisang disensyo lang ang pagkakatayo.
"I think that one!" said Jasper ng sumilip at nakita ang isang maliit na bungalow sa dulo. Napansin nya agad dahil wala naman ilaw yun at halatang walang nakatira dun. Dumiretso na kami. Pinarada nya ang sasakyan at bumaba agad ako.
"Bahay? Bumili sya ng bahay?" tanong ko ng makita ko ang gate ng isang bahay. Bungalow style sya. Average size lang. Hindi sobrang laki o sobrang liit. May garahe sa loob at maliit na garden sa labas.
"Wow. That is cute." said Jasper. Kinuha ko ang susi na binigay ni Zander at binuksan ang gate. Pumasok kami ni Jasper.
"Ipaparada ko lang yun kotse mo dito sa loob. Mauna kana." said Jasper pagkalabas ng gate. Nauna na akong lumakad sa loob. Binuksan ko ang ilaw sa may maliit na veranda bago ko pumasok ng pintuan. Binuksan ko ang maindoor. Dala ko ang isang bag ko.
BINABASA MO ANG
That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE ✔️
Romance[Published under Materica Bookstore] HR #11 in Twist --- My room mate, My landlord.. And possibly my lover too.. Who is he? That Mr.Sungit Next Door. But twist of fate, were connected by our past. Start: June 29 2017 End: May 5 2018 --- iamnyl...