Chapter 30

3.7K 108 5
                                    









Zander's POV




Bumaba agad ako kotse pagkahinto ko. Tinext ako ni Jasper na sa ospital namin dinala lahat ang mga sugatan sa nangyaring karambola ng bus.

Tumatakbo ako sa emergency room. Una kong hinahanap si Sam.

"Doc.. Kailangan po namin ng stretcher!!" sigaw ng isang nurse. Nagkakagulo sa emergency room. Napakaraming nagdadatingan pamilya at hinahanap ang mga kaanak nilang nadamay sa aksidente. May mga nag iiyakan.. At nag iikot at hinahanap ang mga pasyenteng hindi pa maidentify ang mga pangalan. Napakaraming tao..

"Zander!!" nagulat ako sa humawak sa akin. Akala ko si Sam.

"Jiro?" nakita ko si Jiro. May dala syang gamit nya pinatawag sya dahil may mga batang kasama sa aksidente.

"Were you with Sam?" tanong nya sa akin. Nalungkot ako. Hindi ko pa din sya nakikita. Umiling ako.

"Ang alam ko nakauwi na sya after nya manggaling sa akin.. I thought na nakauwi na sya." he said. Nagulat ako.

"Thanks.. Hahanapin ko sya!!" sagot ko sa kanya. Nag ikot ikot ako sa paligid. Ang daming dugo. Ang daming nagsisigawan nagmamadali na maiayos ang mga pasyente.

"Sam!!" sigaw ko. Pero hindi ko sya makita. Pinipilit kong idial ang number nya and still out of coverage area na sya. Natatakot ako. What if kasama sya sa aksidente! What if kung mawala na syang tuluyan sa akin. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya kung gaanu ko sya kamahal.

"Zander?" nagulat ako sa narinig ko. Napalingon ako sa mga nagkakagulong nurse at pasyente.

Narinig ko ang boses na yun na tinawag ang pangalan ko.

"Anong!!" nagulat ako ng makita ko si Sam sa gitna. Duguan sya. Nangangatog ang mga tuhod ko habang papalapit ako sa kanya.

"Sam!!" hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya. At nagsimulang tumulo ang luha ko. I thought she was with the accident.. Baka kung ano ang magawa ko kung maabutan ko sya na malamig na bangkay nalang..

"I love you!!" sigaw ko sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit. Hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid namin. Halos maluha ako ng makita ko syang nakatayo sa harapan ko at buhay.

"Zander.." paulit ulit nyang binabanggit ang pangalan ko. Ang sarap sa pakiramdam na marinig ko ang boses nya na akala ko hindi ko na ulit maririnig.

"Zander! Ano ka ba!" nagulat ako sa sigaw nya sa akin. Bumitaw sya sa yakap ko.

"I thought you were dead!! I was worried sick!!" sigaw ko. Napailing sya. Nagtataka ako. Parang may mali?

"Bakit?" agad kong tanong.

"Alam ko iniisip mo. Pero hindi. Hindi ako kasama dyan." nagulat ako sa sinabi nya.

Bigla kong pinunasan ang luha ko. Nakakahiya.

"Eh bakit ka? Puro dugo?" tanong ko. Puro dugo kasi ang puti nyang damit.

"I tried to save them.." nagulat ako sa sinabi ni Sam.

"Ganito kasi yun. Tumawag ka diba?

Tumango ako.





---



Sam's POV

Nag end call na ang tawag ni Zander. Balak ko habulin yun bus. Tumakbo ako ng marinig ko ang konduktor na nagtatawag na ng pasahero.

"Wait po! Sasakay ako.!" sigaw ko. Pero hindi na ako narinig ng konduktor at umalis na. Hingal na hingal ako.

"Nako. Maglalakad nalang ako sa susunod na station." I said pagkapunas ng pawis ko. Napagod ako habulin ang bus na yun.

That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE  ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon