Special Chapter 13

4.1K 116 4
                                    




Year 1995

8 years old si Zander. Isang taon ng patay ang Mama nya na si Rosette.

TOK!TOK!TOK!

Malakas ang kalabog sa pintuan ng kwarto ni Zander. Pilit syang kinakatok ng Papa nya, para pumasok sya sa school.

"ZANDER! Lumabas ka dyan! Kapag hindi ka pa lumabas dyan. Malilintikan ka sa akin!" sigaw ni Mr. Andro.

"Hindi ako lalabas ng pinto na to hanggat di mo pinapalayas yan babae mo!" sigaw ni Zander.

Nagulat si Mr Andro. Simula kasi ng patirahin ni Andro si Kristina sa bahay nila. Mas lalong naging mailap si Zander sa kanya. Lalo ng malaman nyang buntis ito.

"Hindi kita pinalaki at pinag aral para bastus bastusin mo ang mga tao dito sa bahay.

"Bakit? Hindi ikaw ang nagpalaki sa akin! Si Mama!

Mas lalong nainis ang tatay ni Zander at halos masipa ang pinto.

"Andro!" nagulat si Andro ng makita si Kristina.

"Pabayaan mo na ang anak mo kung ayaw nyang pumasok.

"Pero! Mamimihasa yan!

"Hayaan mo na. Mapapagod ka lang." inakay nya si Andro palayo sa kwarto ni Zander.

Sa loob ng kwarto ni Zander.

Nagsimula syang mag empake ng gamit nya.

"Aalis ako dito!! Ayoko na dito!!" he said habang nilalagay sa bag ang mga damit nya. Ilan papeles na galing sa abogado ng Mama nya at pera na naipon nya.

Nakita nya ang litrato nila ng Papa nya.

"Wala na ako'ng ama!" binato nya ang picture frame at nabasag yun.

Binuksan nya ang bintana. At niladlad ang taling kinuha nya sa garage nila. Ginamit nya yun para makababa sa bakuran nila.

"Sir Zander!!" nagulat si Zander ng makita sya ng body guard nila. Hahabulin sya nito kaya't nagtatakbo sya agad. Lumabas sya sa likuran gate. Hindi sya tumigil sa pagtakbo hanggang sa hindi na sya naabutan ng guard nila.

"Huh!" huminto sya at hingal na hingal. Pumara sya ng jeep at sumakay.

Nagpahatid sya sa dating bahay ng Mama nya. Abandonado na ang lugar na yun simula ng mamatay si Rosette pero nakalagay sa last will na sa kanya pinamana lahat ng ari arian naiwan ng Mama nya.

"Zander? Ikaw ba yan?" nagulat si Zander sa matandang bumati sa kanya pagkababa nya ng tricycle sa tapat ng gate ng bahay ng Mama nya.

"Mang Jun! Kayo po pala?" nag mano sya sa matanda.

"Anong ginagawa mo dito bata ka! Diba dapat andun ka sa tatay mo." sabi ng matanda ng pagbuksan nya ng gate si Zander.

"Ayoko na po dun." sagot ng nakasimangot na si Zander.

"Paano ang pag aaral mo?"

"Kaya ko po magsikap mag isa. Ayoko na po bumalik sa bahay na yun. Kung si Mama nga po binalak nyang iwanan. Ako pa kaya?

Nalungkot ang matanda sa sinabi ni Zander. Hindi nya masisi ang bata sa mga sinabi nito. Matalino si Zander. Bata palang ito alam nya na at ramdam nya ng may mali sa pamilya nila. At hindi naglihim si Rosette sa kanya pero ganunpaman laging pinapaalala ni Rosette na mabuting ama si Andro. At lahat gagawin ni Andro para sa nag iisa nyang tagapagmana.

That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE  ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon