Chapter 38

3.4K 92 7
                                    

Nagpunta kami sa pinakamalapit na coffeeshop. Kinakabahan ako sa pwede namin pag usapan. Simula kasi nung nag away kami at naghiwalay ni Zander nung araw ng birthday nya. Hindi na kami nagkausap.

"Have a seat?" alok sa akin ni Sir Andro. Naupo ako. Hindi ako nagsasalita. Kinakabahan kasi ako.

May lumapit sa amin waitress at binigyan kami ng menu. Umorder lang sya ng maiinum namin. Saka naupo sa harapan ko.

"Kamusta kana?" tanong nya sa akin. Nagulat ako.

"Okay naman po. Naghahanap po ng trabaho." sagot ko. Ngumiti sya. Nawala ang kaba ko. Sa twing kausap ko si Sir Andro naalala ko kung gaanu kasungit at strikto si Zander noon bago naging kami.

"I'm sorry about what happened to your family." nagulat ako.

"Po?

"Sa mga maling desisyong namin ni Cristina. Hindi ko alam na may ibang pamilya syang iniwan para sa akin. At may ibang tao na nagdusa dahil sa akin." nalungkot ako sa sinabi nya. Sa totoo lang hindi naman sya ang dapat magpakumbaba. Nagmahal lang sya. Pero maling tao ang minahal nya.

"Okay na po yun. Wala naman pong may gusto ng nangyari. At tanggap ko na po na ayaw na sa amin ni Mama." sagot ko kahit labag sa loob ko na sabihin yun. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na ang sarili kong magulang ayaw kaming balikan.

"Paano kayo ni Zander?" nalungkot ako sa tinanong nya. Sabi na papasok ang tungkol sa amin ng anak nya.

"Okay lang po ako. Kailangan ko pong panindigan yun desisyon ko na tapusin na kung anong meron sa amin ni Zander. Para din po sa ikakabuti namin. At para sa nyo ni Mama."

"Handa kang isugal kung anong meron sa nyo ni Zander?" tumango ako kahit labag sa loob ko.

"Para kang anak ko.. Ganyan din sya noon. Kaya nya isuko ang kahit ano basta para sa kanya. Pero.. Nagbago sya. Ngayon mas gusto nyang ipaglaban ang kung anong meron sya. At yun ay ang meron kayo." hindi ako makasagot sa sinabi nya.

"Kaya mo din ba syang ipaglaban?"

Alam ko na yun din ang punto ni Papa nung magkausap kami. Sapat na ba na mahal ko lang sya? Dapat ipaglaban ko din sya. Dahil yun naman talaga ang dapat. Kinain lang ako ng takot ko.

"Sam.. May natitira ka pang oras.. Gamitin mo yun para itama ang maling ginawa ni Cristina. Wag mong hayaan maapektuhan kayo ng nakaraan namin. "

"Paano po kayo ni Mama? Ikakasal na po kayo?"

Umiling sya.

"Mas gusto kong makitang masaya ang anak ko. Matanda na ako. Ang tanging hangad ko na lang ay ang kaligayahan na mga anak ko. Handa kong isuko ang kahit ano at ipaglaban ang kung anong natitira sa akin para sa kanila." Ngumiti ako sa sinabi nya. Narealize ko na tama si Sir Andro. Ipaglaban ko kung anong natitira sa akin at yun ay si Zander.

Pero paano ko gagawin yun. Nireject ko na sya. Tingin ko pag nakipagbalikan ako sa kanya itaboy nya ako tulad ng pagtaboy nya sa akin noon.

Matapos namin mag usap ni Sir Andro. Pinahatid nya ako sa bahay. Sinabi nya na puntahan ko si Zander bukas para kausapin. At sigurado na din syang iaatras nya ang kasal nila ni Cristina. Yun din ang hiling sa kanya ni Alexa.

Hindi na ako magsasayang ng oras.

---

Kinabukasan.

Maaga ako gumising. Pinagluto ko muna si Papa bago ako umalis. Balak ko kasi puntahan si Zander.

Nasa kusina ako at naghuhugas ng pinggan.

That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE  ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon