Nasa parking lot ako at hinihintay ko si Zander. Sabi nya kasi susunduin nya ako. Nagtext na din ako. Pero wala pa syang reply.Nasa may waiting shed ako. Medyo mainit kasi kaya sumilong muna ako.
Napatingin ako sa relo ko. 12:19 na.. Wala pa din sya.---
Zander's POV
Paalis na sana ako ng bahay. Para sunduin si Sam. Medyo late na din ako.
"TOK! TOK!
Nagulat ako sa kumatok. Sino naman kaya yun? Ganitong oras? Binuksan ko ang pinto. Nagulat ako.
"A-anong ginagawa mo dito!" sigaw ko. Hindi ko alam kung anong hangin ang nagdala sa babaeng to dito.
"Kristina.." nasambit ko ang pangalan nya. Sya ang nanay ni Alexa at pangalawang asawa ni Papa.
"Zander.. Gusto kitang makausap please.." nagsalubong ang kilay ko. Ayoko talaga syang kinakausap. At anong karapatan nyang tumapak sa pamamahay ko.
"Wala tayong dapat pag usapan." sagot ko at lumakad ako papunta sa pinto pero hinarang nya ako. Anong oras na susunduin ko pa si Sam!
"Its about my daughter.." she said. Kumunot noo ako.
"Alexa?!"
"No.. Its about Sam.." lalo kumunot ang noo ko. Naalala nya pa pala ang batang iniwan nya para sirain ang pamilya namin.
"Hindi ba iniwan mo ang anak mo? Tapos ngayon pag uusapan natin sya."
"Alam ko may relasyon kayo ni Sam!"
Nagulat ako sa sinabi nya. Anong gusto nyang palabasin?
"Anong pakealam mo sa relasyon ko kay Sam? Matagal na panahon mo syang pinabayaan! Tapos ano babalikan mo sya!" sigaw ko. Medyo nag init ang dugo ko sa sinabi nya.
"Alam mong hindi pupwede ang relasyon nyo!
"Anong alam mo kay Sam!!" nagulat sya sa sinabi ko. Natigilan sya.
"Nawala ka bilang ina nya na dapat gumagabay sa kanya! Iniwan mo sya para ano sa mas magandang buhay!!"
"Wala kang alam sa mga naging desisyon ko Zander.."
"Walang alam? Ikaw ang walang alam sa dinanas ko simula ng mawala si Mama!"
Nagulat sya.
"Kung may natitira ka pang pagmamalasakit kay Sam. Harapin mo sya! Hindi yun ako ang kinakausap mo!" sigaw ko. Dire diretso ako sa paglabas ng pintuan kahit na nakaharang sya.
"Makakaalis kana.." I said pagkabukas ng gate. Nasa labas na din ang kotse ko.
"Zander.. Makinig ka please.." pagpupumilit nya sa akin.
"Makinig! Pakinggan mo nga ang sarili mo! Minsan naman isipin mo ang kaligayahan ng anak mo at hindi yun pansarili mo lang! Hindi ko iiwan si Sam tulad ng ginawa mo sa kanya!!" sigaw ko ng masundan nya ako sa kotse. Sinaraduhan ko sya ng pinto. Hindi ko na sya pinansin at sinimulan ko ng paandarin ang kotse.
BINABASA MO ANG
That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE ✔️
Romance[Published under Materica Bookstore] HR #11 in Twist --- My room mate, My landlord.. And possibly my lover too.. Who is he? That Mr.Sungit Next Door. But twist of fate, were connected by our past. Start: June 29 2017 End: May 5 2018 --- iamnyl...