Chapter 7

4.6K 145 7
                                    



"Long time no see!" said Lisa na halatang nasurprised at biglang niyakap si Zander. Ako, nga nga lang.
Dinikitan naman ako ni Dr Jas. Sabay siniko ako at ngumuso nakaturo kay Lisa. Napailing ako, na wala akong alam. I mean wala akong alam bakit sila magkakilala.

"You've grown!" said Lisa at hinawak hawakan nya si Zander sa pisngi. Nagulat ako at tumawa si Zander. Noon ko lang sya nakitang tumawa. Eversince nakita ko sya. Lagi kasi syang galit eh.

"I've grown of course. Its been a while. Ano ka ba!" sagot nya kay Lisa. Naisip ko baka magkakilala sila dahil sa mga pamilya nila. Mayaman sina Lisa, mayaman din ang pamilya ni Zander.

"Uhh. Guys. Ano'ng meron?" singit ni Dr Jas.

"Sorry. Jas this is Lisa a friend of mine. Actually were childhood friends. Til' today. Right? Matagal kaming hindi nagkita since we left elementary. And nagkita kami college. Then now? What a coincidence." sabi nya habang napapangiti.

"Okay, so magkababata kayo?" linaw ni Dr Jas na nalilito pa din.

Tumango nakatawa sina Zander at Lisa.

"Oh, this is Sam my friend. And my business partner here too." sabi nya sabay hatak sa akin saka hinarap kay Zander. Kitang kita sa mukha nya ang shocked.

"You and Sam are friends?" tanong nya halatang nagtataka. Tumango si Lisa sabay inakbayan ako. Ngumingiwi nalang ako.

"Wow. Thats a surprised! Were all connected."sabi nya na kinagulat ko.

"Connected?" curious na tanong ni Lisa. Lumakad ako sa likod ni Lisa saka sinenyasan si Zander. Pailing iling ako na wag sasabihin kay Lisa na sa kanya ako nakatira.

"Uh-- I mean connected. Were all gonna be friends." said Zander. Napahinga ako ng malalim. Phew! Muntikan na!

"Tama ka dyan Zander. We need to celebrate! Nagkita tayo!" kumapit sya sa braso ni Zander. Umiwas ako ng tingin. Hinatak nya ito palabas ng shop.

"Oh what about Jas?" tanong nya ng nasa pinto na sila at hatak hatak sya ni Lisa.

"I'm okay here. Sasamahan ko si Sam magbukas ng shop nya!" sagot ni Dr Jas at napatingin ako sa kanya sabay kinindatan ako.

"Sam, gusto mo ba sumama?"Yaya ni Lisa. Umiling agad ako. Saka ko binuhat ang basket na nabagsak ko kanina.

Kinawayan lang ni Dr Jas si Zander. Naiwan kaming dalawa sa loob ng shop. Binangga ako ni Dr. Jas.

"Okay lang sayo na hindi ka sumama?" tanong nya sa akin. Napataas ang isang kilay ko.

"Bakit naman ako sasama?" tanong ko pabalik. "Hindi ko alam na mgkaibigan sila.

"Hmmm.. Sa bagay. Ako din eh, hindi ko alam na may kaibigan syang ganun. At kaibigan mo pa? What a small world!

Napahinga ako ng malalim. Kinuha ko ang basket na nakapatong sa washing machine.

"Let me do that for you." said Dr Jas at kinuha sa akin ang basket.

"Bakit nga pala kayo nandito?"tanong ko.

"Ehh- yayain ka sana namin kumain ng breakfast eh akalain ko ba na magkikita sila ng long lost friend nya dito? Sa shop mo.

Nagulat ako. Yayain ako magbreakfast?

"Talaga?" ulit ko na nasurprised sa sinabi nya.

"Oo. Sabi nya kasi hindi ka daw nakapagbreakfast nung umalis kami. Tamang tama wala naman ganu pasyente sa ospital. Lumabas muna kami. Sira ang plano dahil sa kaibigan mo.

That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE  ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon