Chapter 29

3.3K 97 3
                                    










Natahimik kaming lahat na nasa loob ng canteen. Narinig ko ng sumigaw si Zander kaya for sure galit sya. Nakita ko sa gilid nya si Nurse Hilda. Nakakahiya..

"Anong nangyayari dito!!" sigaw nya. Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Natalie.

"Kasi po Dr. Alejo. Si Sam po ang nagsimula.. Kinausap ko lang po sya pero sinigawan na po nya ako.." she said habang kunwari umiiyak pa. Nagulat ako. Hindi maganda ang tingin sa akin ni Zander. Ako ba ang lumalabas na masama? Pinagtanggol ko lang yun sarili ko!!

"Zan- Ah Dr. Alejo.. Hindi ko naman po.." pilit kong pagpapaliwanag. Alam ko naman mali ako dahil pinatulan ko sya pero di ko ugali mag paapi ng paulit ulit.

"STOP IT!! Nagulat ako ng sumigaw sya.

"Sam!! Come to my office now!! And Natalie!!" sigaw nya sa amin. Alam ko pagagalitan nya ako.

Sinamahan ako nina Kiara at Patrick sa itaas. Kasunod ko si Natalie at Nurse Hilda. Naiinis ako sa sarili ko. Nangako pa naman ako na hindi ako gagawa ng gulo na ikakagalit ni Zander. Pero nakagawa pa din ako.

Nasa loob kami ng office ni Zander. Pero ako pinapasok nya sa meeting room.

Nakaupo lang ako dun habang hinihintay ko syang bumalik.

"Sam..

Narinig ko ang boses nya pagkapasok nya sa kwarto. Nanatili akong tahimik.

"Bakit mo naman ginawa yun.. Bakit kailangan mo magsimula ng away?" tanong nya. Nagulat ako. Ako pa talaga!

"Hindi ako ang nag umpisa Zander! Ang babaeng yun!" pangangatwiran ko. Napailing si Zander.

"Sam.. Ang sabi sa akin ng nurse.. Sinabunutan mo sya. And Nurse Hilda told me na hindi na talaga kayo magkasundo ng nurse na yun.."

"Mas paniniwalaan mo ba sila kaysa sa akin. Bakit ganyan ka magalit sa akin!"

"Just stop it SAM! Nakakahiya sa mga tao dito. I let you here because alam ko makakatulong sa pagrereview mo. Pero hindi ang makipag away ka!"

"Hindi mo ba ako kayang intindihin! Bakit yun tungkol sa nyo ni Leila!"

"My god!! Sam!! Magkaiba ito sa problema natin kay Leila."

"But still!! Pareho lang!! Kung ikaw pinipilit kita intindihin bakit ako hindi mo magawang pakinggan man lang!!"

"Sam!! Nakita ko ang nangyari.. I told you to hold your temper.."

"So ibabase mo lang sa nakita mo!! Ganun ba yun!! How dare you to tell me that!! Hindi ko hiniling na ipasok mo ako dito!! Kaya ko mag aral sa sarili kong pagsisikap!!" sigaw ko sa kanya at tumayo ako. Lumakad ako palabas ng pintuan.

"Wag ka mag alala.. Hindi na ako magiging problema sayo." I said bago lumabas. Gusto kong umiyak that time. Bakit napaka unfair nya pagdating sa akin! Ako na nga itong nagtitiis, ng hindi nya alam wag lang sya mamoblema at mag alala. Pero ako pa din yun masama. Ako pa yun hindi nya paniniwalaan.
Nakakainis sya..

Nakakainis!!

Bumalik ako sa duty ko. Pinatawag ako sa office ni Nurse Hilda. Pinalipat nila ako sa Emergency Room. Nahiwalay tuloy ako kina Patrick at Kiara. Pero magduduty pa din ako kay Dr. Avellana. Hindi nga lang kami madalas na magkakasama.

Habang naglalakad ako sa hallway. Naririnig ko ang mga bulungan nila. Mas lalo tuloy akong nanliliit.





---




Gabi na nakauwi si Zander. Hindi pa din ako makatulog. Naramdaman ko ang pag akyat nya sa kama. Hindi ko sya hinaharap at nakatalikod lang ako sa kanya. Ayoko sya kausapin. Ni ayoko syang tignan. Yumakap sya sa akin. Pero pinilit kong umiwas.

That Mr.Sungit Next Door - PUBLISHED UNDER MATERICA BOOKSTORE  ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon