Chapter 7 Pagkilala

2.9K 124 14
                                    

Haine POV.


Recess time na gusto ko sanang pumunta sa canteen pero sabi ni ashley may sasabihin siya magkikita lang daw kami sa garden. Kanina bago kami pumasok sa first subject ng libot libot muna kami dito sa FU. Hindi maitatanggi na may kalakihan itong paaralan.


Ng simula akong umupo sa isang sulok ng garden at nakisilong sa ilalim ng punoan, Mg sisimula na sana akong mgbasa ng may biglang...

"Beeeesshhwee..." hindi naman masyadong malakas yung sigaw na halos lahat ng tao dito sa garden ay napapatingin sa kanya na para bang may sunog. Nakita ko naman na ng peace sign siya sa lahat at ibinalik ang atensyon sakin.

"Oh besh, ang talino mo ata first day pa ngayon may pa basa basa ka na naman... Oo nga naman palagi ka naman nagbabasa." Sabi ni ashley ng makaupo sa tabi ko.

"May quiz kami bukas sa third subject." Simple kong sagot sakanya tsaka sinara ang libro kong binabasa.

"Grabe naman yan! Quiz agad?.. Buti nga hindi tayo mag kaklase sa first,second at third subject." Aniya na parang natutuwa. "Pero bes mag kaklase na tayo sa fourth at last subject."

Tumango ako bilang sagot sa sinasabi niya "May nambully ba sayo bes?...Bakit ang tahimik mo ngayon?." Seryosong sabi niya tsaka tumitingin sakin ng diritso.

"Ahhh. Mer--.." Pagputol ko ng bigla siyang ng salita. "Ano???. Malalagot talaga sila sakin kapag nagpakita sila.. Subukan lang nilang magpakita isusmbong ko talaga sila ni Dean." Pagmamayabang ni Ashley.. Hindi na naman ako pinatapos sarap batukan.

The Three Gangsters In Love With Nobody (OnGoing/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon