Haine POV.
2 days na akung absent dahil sa karamdaman ko,Hindi parin nawawala ang sakit na natamo ko sa ulo.. Kailangan ko pang mag pahinga,pero gustong gusto ko na talagang mag aral dahil na la-late na ako sa ibang mga subjects.. Si ashley pina pasok ko kasi hindi naman niya kailangan na alagaan ako kahit wala si aunti..
Hindi parin alam ni aunti ang nangyari sakin dahil kung sinabi ko ay mag aalala lang yun at hindi siya maka pag-focus sa ginagawa nila.. Kaya napag isipan kong sa pag uwi nalang niya sasabihin, ayaw ko rin naman ilihim nang matagal ito.
Nandito ako ngayon sa bahay nag iisa, puno nang mga bulaklak yung bahay,dahil sa dinadala ni Ian at ni Sam kahapon.. Hindi ko naman sila pinapunta rito pero buong araw silang andito sa bahay, hindi sila pumasok nang dahil sakin, medyo weird lang kasi palagi silang nag bubulungan at kung ano anong galaw lang ang ginagawa nila sakin.
Nanonood ako nang television ngayon at naka higa sa sofa, hindi pa ako naliligo hanggang ngayon kasi hindi pa raw pwede sabi nang doctor. Na ang alam kong ama ni Ian yung doctor.. Sa kalagitnaan nang panonood ko ay may biglang kumatok sa aming pinto.
Hindi naman ito si ashley kasi maaga pa naman mamayang hapon pa ang uwian,hindi rin ito si aunti kasi mag e-extend pa raw yung siminar nila sa cebu..at mas lalong hindi ito si kuya kasi sa susunod pa ang uwi non.
Taka kung tignan ang pinto tsaka dahan dahang binuksan,.
"Are you alright now?." Bungad nang isang lalaking may dalang mga silofane sa kanyang kamay..na diritso lang ang tingin sakin.
Tinitigan ko lang siya, ang gwapo niya sa kanyang T-shirt na white at blue jeans na sout niya ang sexy nang katawan niyang tignan,hindi naman siya masyadong payat sakto lang ang kanyang katawan na kitang kita na may ipag mamalaki siyang abs.. Yung buhok niyang magulo na parang hindi nagsusuklay na bumagay talaga sa aura niya.
"Ang hot ko ba?." Natigilan ako sa pagtutok sa kanya nang binigkas niya yung salitang iyon. Binuksan ko naman nang bahagya ang pinto tsaka inalok na pumasok.
"Pasok ka." Pag alok ko sakanya tsaka siya pumasok nang naka ngiti.
"Ahm-.anong ginagawa mo rito?.. I mean,bakit ka nandito?." Sambit ko na parang wala lang sakanya,nilagay niya pa ang dala dala niya at inilibot ang paningin sa bahay.
Nahihiya man ako saking bahay dahil hindi ito kasing ganda nang ibang mayayaman na katulad niya,Falcon siya kilala silang mayayaman rito sa pilipinas at sa iba pang bansa. Hindi tulad namin na simpling pamumuhay lang ang meron kami.
"Magloloto ako,gusto ko sanang bilhan ka nang makakain pero dahil baka may lason o dumi ang pagkain nila..Mas gugustohin ko pang ako ang mag loloto nang kinakain mo para mas mapapanatag ako." Diri-diritso niyang sabi na nakatingin sakin,kung sasang ayon ba ako.
BINABASA MO ANG
The Three Gangsters In Love With Nobody (OnGoing/Editing)
Teen FictionTatlong lalaking humahabol sa isang hamak na Nobody.. Isang nerd kong tignan, pero pano niya napa ibig ang tatlong leader ng.. The Blood Gang, Kony Mike Falcon, Silver Stone Gang, Ian Alonzo, at Black Sand Gang, Sam Smith... The Mr.Smirk, Mr.Maanga...