Chapter 44 Takot

236 15 8
                                    


Kony POV.


 Si lance mismo naapektuhan sa lahat ng pangyayari nong umalis si alexandra ang kauna unahang crush at minahal nya hanggang ngayon. Ako yung palagi niyang tina target kasi alam nyang matagal na kaming tinadhanang ikasal. 




  Si Ian naman itong madali lang magalit at mainis at si sam naman itong tahimik pero may nililihim ding galit samin. 



  ---------- 



 "Totoo ba? Na umalis si alexandra para mag aral sa ibang bansa?." Tanong sakin ni lance bigla sa kalagitnaan ng kalungkutan namin.


 Si lance kasi yung nahuhuli sa balita dahil mas matanda sya samin ng dawalang taon kaya mas marami syang ginagawa dahil high school na sya. 



 "Oo lance hindi na nya nasabi sayo kasi ala--." Hindi ko natapos yung sasabihin ko ng sinuntok nya ko bigla.



"Okay lang ba sayo na umalis sya? Bakit? Kasi fiancé mo sya? Kasi gusto mo rin sya na panatag syang babalik sya para sayo?!!."  Galit nyang sabi sakin.


 "Hindi ko ginusto ang lahat lance! Wala akong gusto ky alex isang kaibigan lang ang turi ko sa kanya at alam nyo yun." Sagot ko pero hindi parin sya nakikinig at sinuntok ako uli.

 "Can you just stop? Bakit ba kailangan awayan yan magkaibigan tayong lahat." Lakas loob na sabi ni ian samin.


 "Ikaw ba Ian ni minsan ba wala kang ginawang mali?.. Diba ikaw lang naman yung salot at puro pag mamayabang lang naidulot mo satin!!." Sabi ni lance at tinulak si Ian.


 Ang ayaw na ayaw ni Ian ay yung sasaktan sya sa mismong mga mahal nya. Isa si lance na naging paborito ni Ian samin.

 "Teka lang naman bro, ibang usapan nayung pag memersonal mo ha." Sarkastikong sabi ni Ian at sinuntok naman si lance. 




 Sila na naman dalawa yung inawat namin ni sam. Kasi si Ian ayaw na ayaw nyang magpapatalo.



  Pinatayo ni sam si lance. "Do you ever think na ikakabuti mo yang pag susuntok mo." Awat ni sam kay lance kasi alam naman natin na inunahan kaming lahat ni lance.



  "ah kasi mga perfect yung pamilya nyo hindi lang mayaman komplito pa. Ang yayabang niyo na ha." Sarkastikong tawa nya.

The Three Gangsters In Love With Nobody (OnGoing/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon