Chapter 23 Understand

2.1K 74 0
                                    

Haine POV.

"Bakit ka parating natatagalan nang uwi, haine." Sabi ni aunti. "May ginawa pa ba kayong project na hindi parin natatapos kaya natatagalan ka." Mahinahong sabi ni aunti habang humihiwa nang sangkap.

Lumipas ang isang linggo at parati parin akong umuuwi nang late dahil sa part time-job ko kila Sam. Tudo pag sisinungaling ko kay aunti na palaging may projects at assignments na dapat tapusin bago umuwi, ayaw ko talagang mag sinungaling kay aunti kaso ginagamit ko naman nang tama ang pag sisinungaling ko. Mag aantay nalang ako sa tamang oras na mabubuking ako, wla din akong magawa kung malaman na ni aunti.

Malapit nang matapos ang isang buwan, at malapit narin ang first quarter exam namin. Sabay parin ang trabaho at pag aaral ko, nakakaya ko nga noon, ngayon pa kaya. Tinutulungan naman ako ni ashley sa pag sisinungaling ko kay aunti, minsan sasama si ashley sakin pauwi para hindi naman masyadong maka halata si aunti.

"Tsaka aunti, nalalapit na ang first quarter exam namin kaya medyo matatagalan pa talaga ako." Pag sisinungaling ko, tumayo naman ako nang matapos kong magawa ang assignments para tulungan si aunti.

"Haine huwag na tapusin mo nalang yung ginagawa mo."

Ngumiti naman ako tsaka niyakap nang patalikod si aunti. "Aunti, hayaan mo akong tumulong ganito naman ginagawa ko tuwing nag luluto ka diba.. Tsaka gusto ko ring matuto nang masasarap na pagkain na niluluto mo." Malambing kong sabi.

Ngumiti naman siya at tumango, tinulungan ko siyang mag luto, maaga uwi ko ngayon dahil rest day ko kaya na abutan ko pa si aunti na nagluluto tsaka bago pa ako tumulong gumawa muna ako nang assignments na pina pagawa ni Ms kanina.

Pagkatapos naming mag luto ay naghanda na kami para kumain, marami pa kaming kwento tungkol kay kuya at yung magagandang view sa cebu. Pag katapos kumain ay nang hugas naman ako nang pinggan tsaka inayos na ang aking gamit para doon nalang sa kwarto ko tatapusin.

Matagal tagal akong natulog ngayon kasi hindi pa matapos tapos yung assignments ko, 12 na nang gabi pero gising parin ako, kailangan ko talaga matapos to bukas pa naman ng umaga gagawin to. Inikot ikot ko ang aking ulo dahil sa pananakit nito, nakatulog na si aunti at hindi niya alam na gising pa ako.

The Three Gangsters In Love With Nobody (OnGoing/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon