Chapter 8

6.9K 221 13
                                    



Raymond's pov


Ang weird, ang weird, ang weird. Bakit bumait yung lalaking yon??? Dati lang kung makapanakit sakin wagas at halos mapatay nako. Iba talaga ngayon, IBANG-IBA. Matutuwa na ba ako kasi nagbago siya ngayon? Oobserbahan ko muna para makasigurado.



"Ray, tara at baka lumamig itong pagkain" nakangiti nitong sabi sakin.

"Ahhh oo nandiyan na"

"He he so ang inorder ko lang naman na pagkain ay galing sa Mcdo. " hindi ba siya nangangalay ngumiti?

"Ah ganon ba? Sarap naman" at tumingin sa mga pagkain.

Naghanda kami ng plato,baso at kutsara tinidor. At kumain na.

"So kailan kayo nagkakilala ni Steven" biglang tanong sakin ni Marcus.


"Huh? Ammmm nitong week lang" medyo ilang na sagot ko.


"Ah ganon ba? Okay"

Hindi ba siya magagalit?? Dati nga lumabas lang ako ng bahay eh, halos sumabog na utak niya sa sobrang galit at Akala na niloloko ko siya.


Mga ilang minuto, natapos na kami kumain at nagliligpit nako ng pinagkainan sa lamesa. Nang nagsalita si Marcus.......


"Ammmmm Raymond??" Medyo kabado nitong sabi.

"Bakit?" Nagliligpit parin ng pinagkainan sa lamesa.

"Sorry"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Huh? Tama ba pagkarinig ko?? Sorry??

"Ano? Anong sabi mo?" This time humarap ako sa asawa ko at tinignan siya ng mabuti.

"Ang sabi ko sorry" nakayukong sabi nito.

"Bakit ka naman nagsosorry?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Eh diba? Yung kanina??" Luh? Nangyari dito? Bakit siya ganyan magsalita?








...... Wait??..... Kanina??

Huh?

Huuuuhhh?


Huuuuuuuuhhhhhh?


Waaaahhhhh! Natandaan ko na. Yung muntikan na niya kong pilitin sa..... Sa...... S... A....... Haaaayyy basta hindi ko kayang sabihin.


"Ah yon ba?" Okay bumalik nanaman takot ko, nawala na nga kanina eh.


"Oo yun nga, sorry. Hindi ko din alam kung anong pumasok sa utak ko non, hindi ko yon sadya. Maniwala ka." Sincere nitong sabi.


"Basta wag mo nang uulitin yun. Nakakatakot kasi. Oo nga pala, bumait ka ata ngayon? Okay ka lang ba?" Sabay hawak sa noo niya. Syempre, alam niyo na baka may sakit. Hihihihi .



Nagulat ako nang hawakan niya kamay ko at inilapit niya ko sa kanya.


"Okay lang ako." Sabay ngiting matamis sakin na nagpapula ng mukha ko to the highest level. My gossshhhhh!!! Nakakahimatay yung ngiti niya, kahit kailan talaga ang gwapo ng lalaking to TSK!.


"Ah okay" sabay tanggal ng kamay na nakahawak sakin para makawala ako kasi hindi ko na kakayanin talaga ^_^.


"Bakit ang pula ng mukha mo?? Alam ko naman na gwapo ako eh, sorry kung ningitian kita" sabay ngisi nito sakin at nagtaas baba ng kilay.


Namula todo yung mukha kong parang kamatis na sa pula. Hindi ko akalain na mapapansin niya kung bakit ako namumula ng ganito. Ganon ba ka obvious ??.


"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan? Panget mo nga eh! Tse!" Nilagay ko na yung mga pinagkainan namin sa lababo at nagstart ng manghugas.



Napatigil ako nang may yumakap sakin sa likod at may naramdaman akong malambot na bagay malapit sa tenga ko.


"Ako na ang maghuhugas, A.... S.... A.... W.... A.... Ko" bulong nito sakin. Hinipan pa niya ko sa tenga!!! Ano ba!! Tama na!! Please! Pulang pula na po ako.



Iniwan ko nalang yung mga hugasin sa lababo dahil sabi nga ni Marcus na siya na ang maghuhugas at tumakbo nako paakyat sa kwarto. Syempre habang paakyat ako, naririnig ko na tumatawa siya.


Seriously? Baka naman nagpapanggap lang yon na mabait?
Pero dahil sa sinabi niya kanina nung nagsorry siya. Ang seryoso niya non.


Kailangan ko na bang magpakampante dahil sa mabait siya ngayon??? Pano bukas? Sa susunod na araw? Sa susunod na linggo? Sa susunod na buwan? Sa susunod na taon?. Kailangan alerto ako, baka kasi may balak siya sakin.




Pero hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko yung ugaling pinakita niya ngayon sakin. Minsanan lang to mangyayari kaya susulitin ko na hangga't maaari. Medyo awkward pa ngayon kasi naninibago ako pero masasanay rin ako pag nag tagal.



Please sana tumagal yung kabaitan niya sakin. Kahit mapa isang linggo lang. Para maramdaman ko ang asawa ko kahit sa Sandaling panahon. Note lang po, hindi po ako mamatay hahahah, gusto ko lang talagang sabihin ito kasi kung alam niyo lang kung anong dinanas ko diyan kay Marcus.



Sana ganyan nalang ugali mo Marcus at wag ka na magbago pa kahit kailan para hindi nako mahirapan.



Sana........




-----*******--------******-----------********

Pasensya na Kung maikli hihihihi. Sorry Kung natatagalan Ako sa pagpublish Ng story, hirap Kasi gumawa.

No negative comments Po. Enjoy reading 😇😇😇😇

My Handsome Abusive Husband (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon