Chapter 1

10K 307 13
                                    



Raymond's pov :

Tok! Tok! Tok!

Tinignan ko Yung orasan namin. 5:00 a.m palang pala

Tok! Tok! Tok!

Ay! Si Marcus!
Tumayo agad ako mula sa higaan at pumunta agad ako sa baba para pagbuksan ko siya ng pinto.

"Marcus, pasensya ka na --"

BAM!! ( Sound of a hard hit )

"Aaaahhhh!" Ang sakit ng pisngi ko. Hindi ko nahalata na natulo na pala luha ko. Napaupo pa ako sa lakas ng suntok niya.

"Ang tagal mong buksan Yung pintuan! HOY! Para sabihin ko sayo! Nakikitira ka lang dito sa pamamahay ko!! Alam mo bang isang ORAS na akong naghihintay dito sa labas??!! Ha?!!"

"Marcus, sorry. Hindi ko kasi naririnig yung katok mo" patuloy lang ang pagbuhos ng luha ko. Natatakot na ako sa kanya, baka kasi mabugbog na naman niya ko.

"Lumayas ka na sa harapan ko at baka Hindi ako makapagtimpi. LAYAS NA!"

Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko at naglock ng pinto. Humiga nalang ulit ako sa kama. 5:00 o'clock din naman ng umaga, kaya Hindi na ako matutulog. Napapaisip tuloy ako na bakit kailangan niya pa akong saktan? Sana maisip niya na Hindi ko naman din ito ginusto . Mahal ko siya, OO. Pero kahit kailan, Hindi ko siya pipilitin na mahalin ako dahil may sarili siyang buhay.

Habang nag-iisip ako, napatingin ako sa orasan. Hindi ko namalayan na 6:00 a.m na pala. Hhaaaayyy!! Ito nanaman , gagawa ng breakfast at maglilinis ng buong bahay. Oo nga pala, Hindi ko pa nasasabi sa inyo na bawal ako lumabas ng bahay dahil sabi ng asawa ko na nanglalandi lang daw ako ng lalaki . Diba, ako pa yung masama? Siya nga kahit minsan, Hindi ko siya pinagsalitaan ng ganon. Partida pa, kasi sa bahay pa namin niya dinadala Yung mga babae niya.

Ginagawa na nga akong katulong dito sa bahay. Lahat kasi pinapagawa niya sakin, ni Hindi na siya naawa sakin. Pasalamat siya, dahil Hindi ko sinasabi sa mga magulang ko kung ano Yung mga ginagawa niya. Huhuhu. Nakakainis siya. Gagawa na nga ako ng breakfast namin para mamaya maglilinis na lang ako ng bahay.

Tignan natin kung nasa baba pa yung asawa ko, baka kasi pag nakita ako, bugbugin pako non. Tingin sa Kanan. Tingin sa kaliwa. Sa harap. Okay, Clear! Wala siya. Salamat naman kung ganon. Hhhhhmmmm? Ano kaya pwede Kong lutuin ? . Ah! 👆 Bacon and egg tapos pancake.

(Luto, luto)
3 mins. later

Tapos na ako magluto ^_^ . Maglilinis na ako ng bahay.

"May makakain na ba diyan? Gutom na ko"

Nagulat ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya napansin na pababa na pala siya.

"Ah, oo. Nagluto ako ng bacon and egg tapos pancake" medyo kabado Kong sagot sa kaniya.

"Sige, maglinis ka na diyan. At pag Hindi mo yon ginawa, alam mo na siguro mangyayari sayo diba?" Taas kilay niyang sabi.

" Oo naman. Sige linis nako" nagmadali na ako umalis para Hindi na uminit ulo niya. Palagi kasi yun high blood.

(Linis,linis,linis)
1 hr late

Sa wakas! Natapos din ^_^ . Pumunta ulit ako ng kusina. Mukhang umalis na Si Marcus, grabe sana naman iligpit nya Yung pinagkainan niya.

"Hahaha!"

Wait lang? Tawa yun ah?

Tinignan ko kung sino yon. At nakita ko, Si Marcus MAY KASAMANG BABAE. Saglit lang, diba may trabaho siya? Bakit Hindi siya pumasok? Mukhang may bago nanaman siyang babae.

Sa sobrang pag-iisip ko. Hindi ko napansin na Nakatingin na pala sakin yung dalawa.

"Oh babe, sino siya?" sabay turo sakin nung kaharutan ni Marcus.

"Ah yan? Wala, katulong ko yan dito. Tara, punta na tayo sa kwarto ko."

"Naku! Ikaw talaga. Wag kang mag-alala, paliligayahin kita" sabi ng babae na medyo seductive.

"Halika na, wag na natin patagalin to." Sabay Hila niya don sa malandi .

Naiiyak nanaman ako, bakit ba niya ako ginaganito? Nasasaktan ako sa pinaggagagawa niya sakin. Hindi niya ba napapansin na mahal ko siya ? Palagi nalang ganito. Nakakapagod na minsan, pero ano magagawa ko? Mahal ko siya at Hindi ko siya kayang Iwan. Tanga na kung tanga. Talagang ganon naman diba? Pag mahal mo, kahit magpakatanga ka pa. Gagawin mo para sa kaniya pero hanggang kailan? Hanggang kailan ako magtitiis para sa kaniya? Para sa asawa ko?

Umiiyak lang ako dito ng umiiyak kasi Hindi ko nakakayanan Yung sakit. Hanggang sa nagring Yung phone ko.

Ringgg! Ringgg! Ringgg!

"Hello?"

" Oh bakit parang umiiyak ka? Siguro yung asawa mo nanaman Yung may pakana no? Pinaiyak ka nanaman ba niya? "

"May babae nanaman kasi siya" tuluyan nakong humagulgol ng iyak.

"Haiisst! Ikaw talaga Ray. Bakit ayaw mo pa kasi sabihin sa magulang mo ha? Nakakaawa ka na kaya? Alam mo ba iyon?"

"Anong magagawa ko? Mahal ko siya Leo"

Si Leo nga pala, best friend ko simula pa nung elementary. Katulad ko, Bakla rin siya.

"Ewan ko sayo bestfriend. Dati mo pa sinasabi sakin yan. Hindi ka ba nagsasawa na ganyan trato sayo nung lalaking yon?" Sabi ni Leo na nagagalit na.

" Bigyan pa natin siya ng isa pang chance, alam Kong magbabago rin yon balang araw" medyo nanghihina na sabi ko.

"Bahala ka, buhay mo yan. Kaya desisyon mo parin ang masusunod. Btw, pasyal naman tayo, tagal na natin Hindi nakakapagbonding magkaibigan. Namiss kaya kita. Ano? Tara?"

"Ummm" medyo nagdadalawang isip ako baka kasi magalit Si Marcus pag umalis ako ng bahay.

"Sige na please? Ngayon lang promise. Sige na, sige na" medyo nagmamakaawa na sabi ni Leo

"Oh sige na nga, basta ngayon lang ah?" Pagbigyan ko nalang siguro. Tutal minsan lang kami magkasama ng kaibigan ko.

"Yehey! Thank you bestfriend. Pinasaya mo talaga ako ngayon. Love you"

"Love you too besty, sunduin mo ko dito"

"Sige, bye"

"Bye" at binaba ko na yung tawag. Sana walang mangyaring masama pagkauwi ko mamaya. Medyo kinakabahan pa ko sa desisyon ko. Ngayon lang naman eh, wala naman sigurong masama kung aalis ako ng isang beses sa bahay diba?

-----*******--------

Sana magustuhan niyo Yung kwento ko. First time ko lang kasi gumawa he he 👍👍👍👍

My Handsome Abusive Husband (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon