Chapter 17

3.6K 137 39
                                    


Raymond pov:





"Aray! Marcus! Bitawan mo ko, nasasaktan nako!" pero parang bingi lang ito at nagpa tuloy sa paghila sakin at pumasok sa loob ng bahay namin




Slam!!!!!!!




Napaatras ako sa kinatatayuan ko dahil sa lakas ng pagkakasara ng pinto. Kulang nalang masira yung pintuan namin.





Pagkatapos nitong isara at nilock ang pintuan, humarap ito sakin na may masamang tingin at pumunta sa kinatatayuan ko ngayon at hinablot ang kamay ko para ilapit ako sa kanya.





"Anong gusto mong mangyari?" Mahinahong sabi nito




"Huh?" Takang tanong ko





"Anong huh?! Ano yung nakita ko kanina?!! Sumagot ka!!" Sigaw ni Marcus.





"Kung makasigaw ka sakin, parang sobrang laki ng kasalanan ko sayo! Muntik lang naman ako mahulog kanina at sinalo niya ko. Nagkataon na pagkadating mo, nakita mo kami sa ganong posisyon!" Tumawa ito na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.




"Talaga ba? Kaya pala sobrang lapit ng mga mukha niyo. Ano? may balak ka bang halikan yung lalaking yon? Ang landi mo naman" sabay ngisi nito sakin.




Maiyak iyak ako sa mga pinagsasabi niya sakin. Mas malala pa nga ginagawa niya. Ni hindi naman niya alam ang buong nangyari.




Sa sobrang inis ko, hinablot ko ang kamay ko sa mahigpit na pagkahawak niya at sinampal siya





"Wag mo kong itutulad sayo! Hindi ako ganong tao. Hindi ako malandi! Eh Ikaw? Diba nung niyakap ka ni Trisha, wala ka namang ginawang pagtanggi man lang?! Diba!, kaya wag mo kong pagsabihan ng ganyan" bilang nanlambot ang ekspresyon ni Marcus




"Hindi mo nakita......" Pabulong na sabi nito




"Ano!?"



"Sabi ko hindi mo nakita ang buong pangyayari. Umalis ka kasi agad"



"Wow! Ano? Papanoorin ko pa kayo sa ginagawa niyo?"asar na sabi ko



"Sorry..... Hindi ko sadyang masabihan ka ng masasakit na salita, nagselos lang ako non. Kilala mo naman ako eh. At isa pa nung yumakap si Trisha non sakin, nung pagkaalis mo, bigla akong kumawala sa kaniya. Kinausap ko siya, sabi ko hindi ko na siya mahal at Ikaw na mahal ko Raymond. Please sana maintindihan mo ko" sabi nito sakin at kinuha ang dalawa kong kamay at inilagay sa mukha niya habang nakatingin siya sakin










"Pero Marcus, mali parin ang ginagawa mo, nanghinala ka agad"



"Bakit Ikaw din naman ah?" Sabay ngiti niya



Inirapan ko nalang ito at tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa mukha niya at papunta na dapat sa kwarto namin para makapaghinga nang pigilan ako nito at iniharap sa kaniya at biglang nanghalik sa labi ko.




"Namumula ka ba Raymond? Hihihihi. Mahal na mahal kita, sorry na po, please? Bati na tayo" pinulupot niya kamay niya sa bewang ko at inilapit ako sa kaniya upang yakapin.




Hindi ko siya pinapansin pero sa totoo lang kinikilig nako sa ginagawa niya. Ayoko lang ipahalata hahahaha!



Nang napansin ni Marcus ang hindi ko pagpansin sa kaniya ay binigyan niya ko ng nakakalokong ngiti.



"Ah ayaw mong mamansin"




Nagulat ako nang buhatin ako nito pa bridal style at pumunta sa kwarto namin. Inihiga niya ko sa kama at dumagan sakin sabay halik sa buong mukha ko.




"Hahahahahaha Marcus! Tama na, okay na. Bati na tayo" hinawakan ko mukha niya para matigil siya sa ginagawa niya








"Ikaw na nagsabi ah hihihihi. Pero Bakit kasama mo si James kanina?"
Bigla namang kumunot noo ni Marcus sa tanong niya sakin




"Teka teka. Pano mo nalaman pangalan niya, hindi ko naman sinasabi pangalan niya?" Takang tanong ko sa kaniya.




"Panong hindi ko siya makikilala. Siya ang boyfriend ni Trisha" Nagulat ako sa sinabi ni Marcus sakin. So ibig sabihin lahat ng nakuwento ni James ay tungkol sa kanilang tatlo????




............*******---------,,,,,,,,,,,

Hi!! Ngayon nalang ulit nakapag update, sorry masyadong natagalan.
















My Handsome Abusive Husband (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon