Chapter 16

4.3K 143 16
                                    

Raymond's POV:

"James!!! Anong flavor ba yang ice cream na yan?" Habang nakatingin sa ice cream

"Cheese to!! Anak mayaman ka ba para hindi mo malaman yung ganitong klaseng ice cream" sabi ni James na nakakunot ang noo.

"Wag ka naman magalit, ice cream lang eh" at napa pout nalang ako dahil sa tono ng pananalita niya.

"Tsk" hindi niya nalang ako pinansin at nagbayad na kay manong.

"Upo tayo don sa bench!!!" Sabi ko.

Umupo na kami ni James at kumain ng ice cream. Dahil sa kalmado at mahinahon na ako, naalala ko na naka patay pala yung phone kaya naisipan ko itong buksan baka kasi NAG-AALALA na yung Marcus na yon eh.

Pagkabukas na pagkabukas ng phone ko, nagulat ako na maraming miss call at unread messages sakin si Marcus.

Ring!! Ring!! Ring!!

Ay!

"Hello Marc--" hindi pa ko tapos magsalita nang magsalita siya na may pag-aalalang boses.

"Nasan ka ??!! Pupuntahan kita diyan!!!!" Sabi nito.

"Nandito lang naman ako sa luneta Park---"

"Wag kang aalis diyan, papunta nako" at binabaan na niya ko ng tawag. Sira talaga yung lalaki yon, hindi ba naman ako pinapatapos magsalita. Haaaaayyy.

Tinago ko na yung phone sa bulsa ko at pinagpatuloy sa pagkain ng ice cream. Paubos narin naman.

"Sino yon?" Biglang tanong ni James sakin.

"Asawa ko yon he he" .

"Mukhang nag-aalala sayo ah" habang kinakain na nito yung cone .

"Mukha nga. Haaaaayyy, hindi ko alam dun, ang gulo niya". Hindi na ulit siya nagsalita at natapos na din niyang kainin yung ice cream pati narin ako.

.....

30 mins later......

"Kailangan ko nang umuwi sa bahay." Sabi nito


"Huh??? Bakit? Pagkatapos mong umiyak iyak diyan, sinamahan kita, kumain pa tayo ng ice cream tapos aalis ka na agad. Wag MUNA" sabi ko sa kaniya habang naglalakad lakad kami


"Wag ka dito humarap sakin baka madapa ka kasi paatras ka kung maglakad"


"Wag kang mag-alala, hindi yan" pero may naganap na hindi ko inaasahan. Natapilok ako ......

"Ahhhhhh!"



"Raymond!"




Pumikit ako at naghihintay na matumba at masaktan sa pagkabagsak.

.......

.......

.....

....

...

..

.

"Huh?"

"Anong huh? Ang kulit kulit mo kasi, pinagsabihan kita na wag maglakad paatras" pagkasabi niya non, agad kong binuksan ang Aking mga mata at nakakagulat dahil ANG LAPIT NG MUKHA NIYA. Dahil sa pagkailang ko, agad akong humingi ng tawad sa kanya.



"Sorry.... Pwede mo nakong bitawan" sabi ko at hinawakan ang kamay niya na nasa bewang ko.

(Siya): hindi gumalaw o kumilos sa kinatatayuan niya sa halip, hinigpitan pa nito ang pag hawak sakin.

....

BAKIT AYAW NIYA KONG PAKAWALAN????!!!!

"Ah James? Pwede mo nakong bitawan he he" pag kami nabautan ni Marcus sa ganitong posisyon.....








....

....

"Ray....... MOND????!!!!"


Napatingin kaming dalawa ni James sa nagsalita at laking gulat ko na si ....


"Marcus??"




















.......----------********----------........

Hi GUYS. Thanks sa mga support niyo.



My Handsome Abusive Husband (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon