Raymond's pov:
Aba! Nagpakita pa talaga sa mismong harap ng bahay namin. Pangiti-ngiti pa siyang na parang kala mo nakakuha ng isang milyon. Bakit ba kasi nagpakita pa tong babaeng to, kung kailan maayos na lahat, na mahal nako ng asawa ko? Na magiging happy ending na ang storya namin ni Marcus. Kailangan ba talaga na merong eeksena??? GOODNESS!!!!!
Bumalik ako sa katinuan ko nang biglang tumakbo papalapit samin si Trisha. Nagulat nalang ako dahil sa paghila niya sakin papalayo kay Marcus at yumakap siya dito.
"Sobrang namiss kita" tuwang tuwa na sabi ni Trisha. Napatingin sakin si Marcus na mukhang naguguluhan.
Bakit ayaw pumiglas ng yakap tong lalaking to? Gusto niya ba? BAHALA SIYA SA BUHAY NIYA!!!! MAGSAMA SILA!!
Para hindi ako masaktan, umalis nalang ako papunta sa kwarto ko para magbihis. Maglalakwatya nalang ako kahit saan para maituon ko ang atensyon ko sa iba. Ang sakit kasi sabi ni Marcus na mahal niya ko kani-kanina lang pero yung nagpa kita lang yung dating mahal niya, naiba agad.
********..........................
Okay so nandito ako ngayon sa Luneta Park, nakaupo lang ako at tinitignan ang nasa paligid ko. Kanina pa kasi ako lakad ng lakad para malibang ako.
Napaisip ulit tuloy ako tungkol kanina. Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Baka nagkabalikan sila at naisip isip ni Marcus na babae ang dapat para sa kanya at hindi ako na bakla lang tapos lalaki pa. Haaaayyy buhay! Kailan ba tatahimik ang kaluluwa ko?.
"Kala ko mahal mo ko pero hindi pala"
.
.
.
.
.
.
.
Huh?"Ang sakit naman ng ginawa mo sakin".
Napatingin ako sa likod ko at tinignan kung sino ang nagsasalita. Isang lalaki pero nakatalikod ito sakin kaya tinignan ko kung sino kausap niya. Wala naman, baliw na ba to?
"Huhuhuhuhuhu" iyak nito.
Umiiyak siya. Bakit kaya?
"Huhuhuhuhuhu" nakita ko na tumungo ito sa kaniyang inuupuan at patuloy na umiyak.
Nagulat ako sa aksyon niya kaya minabuti ko na lapitan ito at makausap, mukhang problemado siya eh. Wala naman sigurong masama kung kakausapin ko siya diba? Ito na lalapit nako. Umupo muna ako sa tabi niya at.....
"Ehem" nakita kong napahinto siya sa pag-iyak at tinignan ako mula sa pagtungo nito.
"Bakit?" Tanong nito....
"Ahhmmm pwede ba makiupo sa tabi mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Nakaupo ka na nga eh" aba! Syempre kailangan ko parin sabihin diba? Pero maganda narin to para maumpisahan yung komunikasyon namin.
"Okay. Hindi naman sa nangingielam ako sa personal na buhay mo pero ano ba problema mo? Alam kong hindi mo ko kilala pero pwede mo ko masabihan ng problema. Nakita kasi kita na umiiyak kaya naisipan kong kausapin ka".
Umayos siya sa pagkakaupo at humarap sakin.
"Ano ba pake mo?!" Medyo pagalit nitong sagot sakin.
"Syempre may pake ako, dapat kasi hindi ka na nagdadrama diyan". Taas kilay na sabi ko sa kaniya.
"Pwede ba? Wala akong panahon para makipag away ngayon." Bumuntong hininga na lamang ang nagawa niya.
"Pwede mo naman kasi sabihin sakin kung anong problema eh. Promise satin lang to. Pakikinggan kita at Malay mo mapayuhan pa kita" pagkatapos kong sabihin yon ay binigyan ko siya ng isang sincere na ngiti na nagsasabi na seryoso ako.
BINABASA MO ANG
My Handsome Abusive Husband (Boyxboy)
RomanceLagi kang sinasaktan at lagi ka niyang binubugbog, na halos TATLONG TAON na mahigit. Mahal mo!! kaya hinahayaan mo siyang gawin yan sayo, pero pano kung nagsawa ka na at sumuko nalang kasi araw-araw nalang Ikaw ang sinisi sa pagpapakasal niyo...