Chapter 2

7.3K 275 9
                                    


Raymond's pov:

Beep! Beep! Beep!
Si Leo na yun. Hindi na siguro ako magpapaalam sa kanya, baka nga siguro busy pa siya sa ginagawa niya sa babaeng yun.

(Binuksan ko ang pinto at lumabas ng bahay)

Aaminin ko, tatakas ako para makasama kaibigan ko. Hindi ko nadin kasi matiis sa loob ng bahay, nakakabagot kaya. Akalain mo yun? Palagi ka nasa bahay, parang akong NASA preso. Haaaiissstt !! Isang beses lang naman at uuwi rin agad ako.

Tumakbo nako papunta sa sasakyan ni Leo at sumakay sa loob.

"Himala at Hindi ka pinaga---- Anong nangyari sa pisngi mo?" Gulat na tanong ni Leo sakin.

"Nasuntok ako ni Marcus kaninang umaga" Napansin Kong biglang lumisik ang mga mata ni Leo at kumunot ang noo nito.

"Bakit naman?" Nagsimula na siyang paandarin ang kotse.

"Hindi ko kasi agad napagbuksan ng pinto" nakatungo Kong sagot.

"Yun lang? YUN LANG? Friend!! Seriously?!! Hindi mo lang napagbuksan ng pinto, susuntukin ka na? Pano pa kaya pag umalis ka ng bahay? Nagpaalam ka ba?"

Nagsisimula na akong kabahan dahil nag-iisip ako kung anong pwedeng posibilidad na gawin sakin ni Marcus pag-uwi ko sa bahay.

"Hindi, tumakas lang ako"medyo kabado Kong sagot.

"Tsk! Yan tayo eh. Anong plano mo ngayon? Gusto mo ba muna magstay sa bahay ko? Don ka muna Matulog mamayang Gabi kung gusto mo?"

"Hindi pwede, Kilala mo naman yun diba?" Nagsisimula na akong maluha dahil sa Kaba.

"Wag nalang kaya natin ituloy to baka mapahamak ka pa, nag-aalala ako sayo"

"Hayaan mo na, nandito naman din tayo. Ituloy na natin" binigyan ko siya ng ngiti para ipakita na okay lang ang lahat.


............

"Best friend Gabi na, uwi na tayo. Hindi pa ako nakakapagluto ng hapunan. 9:00 p.m na oh!" Naiirita na talaga ako, isabay mo pa yung asawa Kong MAPANAKIT! Tiyak na yari ako dun pag-uwi ko. Ayaw pa naman nun ng walang makakain.

"Ito naman Si best friend kill joy!! Sige na nga, uwi na tayo" nag pout pa talaga siya ah. Hindi bagay sa kanya hahahha!

Iling nalang ang naging reaksiyon ko at ngumiti.

...........
(Sa sasakyan)

"Ano friend, ang saya ba?" Papauwi na kami ngayon at syempre ihahatid muna ako. Ano siya? Nag-imbita tapos iiwan nalang ako? No way!

"Oo pero dahil ginabi tayo, HINDI NA" sana tulog na Si Marcus, kumain na kasi kami ni Leo. Para Hindi narin ako magluto.

"Ito naman he he."

"Best friend, diba Si Marcus yon?" Napatingin ako kung saan siya Nakatingin at yon Si Marcus nakatayo sa harap ng gate namin at mukhang galit na galit. Patay tayo diyan.

"Hala, anong gagawin ko?" Huminto na yung kotse at tumingin sakin Si Leo na nag-aalala .

"Baba ka na, titignan kita mula dito" tumango nalang ako at lumabas ng kotse.

Huuuhh! Kaya mo yan Raymond! Fighting
Dahan-dahan ako pumunta sa harap ni Marcus.

"Marcus, ano kasi -----" nagulat nalang ako ng bigla akong sinampal ng pagkalakas na halos tumagilig ulo ko.

"Hindi ba sinabi ko sayo na BAWAL KA LUMABAS NG BAHAY?!! ANO BA ANG HINDI MO MAINTINDIHAN SA MGA SINABI KO??" Sigaw sakin ni Marcus.

"Marcus, wag mo namang saktan Si Raymond" Hindi ko napansin Si Leo na nasa tabi ko na pala.

"Wala kang pakielam!" Galit na galit na sabi ni Marcus.

"May paki ako kasi best friend ko ang sinasaktan mo at sorry kung napalabas ko siya sa bahay na yan. Gusto ko lang naman na minsan sumaya kaibigan ko!" Tumaas nadin ang boses ni Leo. Grabe! Tahimik lang ako dito at umiiyak na po ako ngayon .

"Pumasok na tayo ng bahay! Bilis" biglang hinablot ni Marcus ang kamay ko. Nagpupumiglas nako kasi pag nakapasok kami ng bahay, alam ko puro nanaman ako pasa kinabukasan .

"Please Marcus, maawa ka. Nasasaktan ako" pinipilit ko ng Alisin Yung kamay niya sa kamay ko.

"Marcus, maawa ka sa kaibigan ko please" nagpapakiusap na sabi ni Leo.

"Asawa ko siya kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko, kaya umalis ka na dito! Nangingielam ka pa sa problema namin" at tuluyan nakong napasok ni Marcus. Nilock niya muna yung pinto at humarap sakin.

Umiiyak na talaga ako ngayon at takot na takot sa kanya.

"Ngayon, umpisahan na natin ang punishment mo!!"

"MARCUS!!!!"

..........______*""""""*****

Hala! Kawawa naman Si Raymond tsk! Tsk!

Ano kaya ang gagawin ni Marcus sa kaniyang asawa?

Abangan.....

My Handsome Abusive Husband (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon