Chapter 18

3.1K 116 16
                                    

Raymond's pov:

"HAHAHAHAHA!" nanonood kami ngayon ni Marcus ng showtime at talaga namang todo tawa ito dahil sa mga joke na sinasabi ni Vice.

Nang biglang may pumasok sa isip ko.

"Marcus? May tanong ako" at hinarap siya para kausapin. Nakaupo kasi kami ngayon sa sofa 😁😁😁😁😁😁😁.

"Ano yon?" Tanong ni Marcus habang patuloy na nakangiting nanonood sa TV.

"Pwede mo ba ikuwento tungkol kay James? Nasabi mo kasi sakin na boyfriend siya ni Trisha" bigla napatingin sakin si Marcus dahil sa sinabi ko sa kaniya sabay kumunot ang noo nito.

"Oh ano naman ngayon? Bakit kailangan ko pa ikuwento? Interesado ka ba sa lalaking yon?" Inis na sabi nito. At nagpatuloy parin sa panonood pero nakasimangot na mukha niya.

"Hindi naman sa interesado. Nagta-------" nagsalita agad si Marcus kahit hindi pako tapos sa sasabihin ko sa kanya.

"Eh ano nga?" Pagkasabi nito, pinatay na nito ang TV at tinignan ako.

"Kasi may sinabi sakin si James na---"

Ding dong Ding dong

"Raymond!! Raymond!!"

Naku naman !! Bakit ba ayaw nila ako patapusin sa mga dapat na sasabihin ko??!!!

"Raymond, ano sinabi ni James sayo?" Tanong sakin ni Marcus at hindi pinansin kung sino man ang sumisigaw sa labas ng bahay

"Ah eh sabi niya na---" pinutol niya nanaman ako magsalita.

"ANO?" Sigaw nito at halatang inip na inip na sa sasabihin ko dapat tungkol Kay James

"WAG MO KONG SINISIGAWAN! HA!" Sigaw Kong pabalik dito. Nakakainis naman kasi 😒

"RAYMOND! MAY TAO BA?!" Patuloy na pagtawag sakin.


"Sh*t" padabog na tumayo si Marcus mula sa sofa at pumunta sa pintuan para pagbuksan yung taong kanina pa sumisigaw sa pangalan ko. Duh bakit kasi ngayon pa may tumatawag sakin?




Bahala na, nood na nga lang ulit ako. Pinatay pa kasi ni Marcus yung TV. Sinabi ko lang pangalan ni James. Halos hindi na maipinta mukha niya. Nagseselos ba siya? Hihihihi Hindi naman sa nagrereklamo ako pero ganda ko talaga ay este gwapo. Gangwapo? Nalang? Hahahahaha baliw nako sa naiisip ko. Oh by the way nood nalang tayo guys

Makaraan any ilang minuto.....

Blagggg!!!!

"Ay! Anak ng tipaklong!" Gulat Kong sigaw. Ba naman isasarado na nga lang yung pinto, padabog pa. Sana hindi nalang nagpagawa ng pinto. Masisira lang .

Nakita ko si Marcus na papunta sa inuupuan ko at mukhang galit na galit siya sakin, kitang kita ko kung pano kumunot noo niya at panlilisik na mata na nakatingin sakin.


"Nyare sayo?" Kabado Kong tanong sa kaniya.

Ngumiti muna siya ng pilit at diretsong umupo sa tabi ko. Tsaka siya nagsalita

"Mula ngayon, ayoko na lumalapit ka sa Steven na yon. Nagkakaintindihan ba tayo" nanggagalaiti nitong sabi.

"Huh? Bakit naman? Siya ba yung tumatawag sakin sa labas?" Takang tanong ko

"Pwede ba sumunod ka nalang sakin?! Ang dami mo pang sinasabi."sabay alis nito sa sofa at umalis.

Saan pumunta guys? Umakyat lang. Pumuntang kuwarto. Galit eh. Ano ba kasi pinag-usapan ng dalawang yon at galit galit si Marcus? Dati lang parang magkasundo sila. Tumatawa at masaya pa ngang nakikipagkuwentuhan sa kaniya si Steven pero ngayon ibang iba yung awra ni Marcus. Ano kaya nangyari?





........--------........

Marcus' pov:

"Kainis!" Humiga ako sa kama at iniisip yung mga sinabi ni Steven ngayon lang. Tsk! Bwisit siya at ito naman si Marcus nakakaasar din.

Flashback...

"Sh*t" padabog akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan dahil kanina pa sigaw ng sigaw kung sino man tong taong to. Sagabal at nakakaabala na siya.


Pagbukas ko ng pinto....

"Raymon-- Marcus? Oh hello nandiyan ba si Raymond? Iimbitahan ko kasi sana siyang sumama sakin. Manonood lang kami sa bahay ng movie" ngiti nitong sabi.


"Sorry Steven, Hindi siya available ngayon at of course nandito siya. Asawa ko siya" diniinan ko talaga tong salita na Asawa. Totoo naman kasi.


"Sa papel..." Bulong nito

"Anong sabi mo?" Tama ba pagkakarinig ko? Wag siyang magkakamali sa mga sinasabi niya.

"Huh? Hahahaha wala. Masyado kang SERYOSO. Baka IWAN ka ni Raymond niyan." Napangisi pa tong lalaking to. Kala mo gwapo. Tsk!



"Ako? Iiwan ni Raymond. Imposible yon dahil mahal na mahal niya ko. At alam ko namang hindi niya ko ipagpapalit sa katulad MO" isasarado ko na sana yung pinta ng pigilan niya ito gamit ng paa niya.



"Hindi mo naman talaga mahal si Raymond diba?" Naasar talaga ako sa ngiti na pinapakita niya sakin. Sarap sapakin, pasalamat siya nagtitimpi lang ako.



"Well,  since ayaw mong palabasin si Raymond, sa susunod nalang ulit ako babalik para ayain siya at sumama sakin." Sabi ni Steven.



"Kung makakausap mo pa siya" galit Kong tugon dito


"Hahahaha Good luck bro, bantayan mo asawa mo. Malay mo hindi na sayo puso at atensyon niya. Mag-iingat ka " sabay alis nito sa harapan ko na may malawak na ngiti na nakapaskil sa mukha niya.




"Tignan natin" sabay padabog Kong sarado sa pintuan. Para atleast mawala wala galit ko kahit onti.



Flashback ends...

"Hindi ako papayag na makuha ka sakin ng iba Raymond. Hinding hindi ako papayag dahil akin ka lang" oo, tama Marcus. Wag mo ng hayaan na makawala Sayo ang dapat SAYO.


My Handsome Abusive Husband (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon