Chapter 13

6.1K 179 9
                                    





Raymond's pov:




Grabe ang kasweetan na ipinapakita sakin ni Marcus. Nilalanggam na ata ako hihihihihihi. Ba naman kasi panay sabi ng "MAHAL NA MAHAL KITA" tapos "IKAW LANG AT WALA NANG IBA" sakin sabay kiss sa labi ko. Sino ba hindi kikiligin don diba? Oh! I forgot, nandito kami ngayon sa sofa. Nanonood ng "the assault" at talaga namang kawawa yung babaeng nabiktima ng rape. WAIT LANG !!!! RAPE??? Nangyari sakin yon ah.




Mukhang napansin ni Marcus ang panginginig ng katawan ko at pinause niya muna yung movie at tinanong ako.




"Nilalamig ka ba? Bakit ka nanginginig?" pag-aalalang tanong ni Marcus sakin. Gabi na kasi kaya natanong niya kung nilalamig ba ako.




"Wala lang" sabay play ulit ng movie  pero pinause ulit yon ni Marcus.




"Anong wala lang? Ano ba problema? Pwede mo naman sabihin sakin eh" sabay hawak sa kamay ko.




"Yung pagrape lang sa babae don sa palabas" yuko kong sagot at nanginginig na boses.




Nagulat ako nang biglang yumakap sakin si Marcus ng mahigpit pero gentle lang, yung parang hug na sinasabing "patawad at hindi na yon mauulit pa".



"Raymond sorry ulit sa nagawa ko. Alam kong, hindi mo pa yon nakakalimutan at bumabalik-balik pa sa isipan mo pero sa maniwala ka o sa hindi, hindi ko na yon uulitin dahil ayoko nang saktan ka gaya ng ginawa ko sayo dati" malungkot na sabi ni Marcus




"Alam ko yon. Sorry kung pinaalala ko pa"




Kumalas ng yakap sakin si Marcus nung sinabi ko yon at sinabi sakin na




"Wag kang humingi ng sorry sakin, ako ang gumawa ng kasalanan sayo. Sana pala hindi na natin pinanood ang "The assault" nayan edi sana hindi mo na yon naalala, sorry talaga Raymond." sabay halik sa noo ko na nagpapula ng buong mukha ko.




Hindi ko naman kasi expect yon, kala ko sa lips eh HAHAHAHAHAHA!!!! Pasensya na guys ah, hindi parin kasi ako sanay sa paghalik niya sakin hanggang ngayon.

My Handsome Abusive Husband (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon