Chapter 21

2.4K 75 2
                                    



Raymond's Pov:


"Raymond kain na, hindi mo mababago isip ko kahit starve to death pa yang ginagawa mo" sabay lapag nito ng pagkain sa harap ko.


Ang sarap barahin nitong lalaking to, parang walang isip. Sige nga, pano ako makakakain ng nakatali ang mga kamay ko sa kama? Pssssshhhhhh kaya tinarayan ko nalang siya sa sinabi niya.




"Haaaayyyssttt" sabay gulo nito sa buhok niya at huminga ng malalim. Kaya imbis na magalit siya ay kumuha siya ng upuan at tumabi sa tabi ko. Nasa kama kasi ako ngayon, para akong hayop na nakatali dito.





"Raymond, susubuan kita kasi pag tinanggal ko tali mo sa kamay, alam kong hindi ka magdadalawang isip na tumakas." Nakasimangot nitong sabi.





Aba! Syempre! Sino ba naman ang matutuwa na kaibigan pa nila ang gumagawa ng karumal dumal na gawain? (Ay karumal dumal talaga? Hahahaha!). Hindi ko talaga expect magagawa niya sakin to, ngayon nagsisisi nako na nakilala ko siya. Nakakapang hinayang yung mga oras na nagamit ko para lang makasama ko siya tapos kidnap at pagkukulong sa kuwarto ang matatanggap ko? Wag na!






"Tatakas talaga ako dito. Ano sa tingin mo gagawin ko pag tinanggal mo tali ko? Yayakapin pa kita tapos manonood pa ng Love Movies? Baliw ka ba?!" Asar kong sagot sa kaniya at pagsipa ko sa ere sa galit.






Hindi nako pinansin ni Steven at kinuha niya ang plato na nilapag kanina sa kama at nag attempt na siya na subuan ako. Ayoko talaga!!!! Malay ko na marami na siyang nabiktima sa kamay niya. Mahawaan pako edi damay nako?




Iniaalis ko sa direksyon ang ulo ko para hindi na makalapit sakin yung kamay niya na may hawak na kutsara na may lamang kanin, ulam, sabaw (full description lang? Wew) basta ganon yung nakalagay don. Bakit ba? Inilayo niya muna ang kutsara sakin at nagsalita.






"Raymond, kumain ka na. Alam kong gutom na yang sikmura mo." Pagpipilit pa nito sakin. Sabay lapit ulit ng kamay niya.






Dahil nga sa ayoko ay nagpumiglas ako at hindi sadyang natapon ko ang isusubo niya saking pagkain. Nakakunot ko siyang tinignan at hindi pinansin ang natapong pagkain. Halata sa mukha ni Steven ang pagkagulat sa nangyari pero nakaramdam ako ng kaba ng biglang nagdilim ang mukha nito sa galit at tinignan ako na nanglilisik ang mata.





"Talagang ginagalit mo ko ah?" Inis nitong sabi. Inilapag niya muna ang plato sa tabi kong lamesa tsaka niya ako sinampal ng pagkalakas na halos mabali na leeg ko.






Kumuha siya ng gunting sa drawer at pumatong sakin tsaka niya tinutok ang matalim na parte nito.





"Pag hindi ka pa sumunod sakin, nakikita mo tong matalas na gunting na to?. Susugatan ko buong katawan mo at hindi ako titigil hangga't hindi ka nagmamakaawa sakin. Naiintindihan mo ba?! " Sigaw nito sakin.





Sa takot ko ay tumungo tungo ako sa mga sinasabi niya sakin bilang pag sang-ayon. Baka kasi matuloy niya pa ang balak niya pag nag matigas ako at maranasan ko pa ang matinding sakit sa hawak niyang gunting. Yari tayo diyan.







Riinnngggg Riiiiinnnggg Riiiinnnnggggg!












Napahinto si Steven sa ginagawa niyang pag threat sakin at kinuha sa bulsa niya ang cellphone. Tinignan niya muna kung sino ang tumatawag at napamura siya ng mahina na nagpacurious sakin kung sino ang tumatawag sa kaniya.






Umalis sa pagkapatong sakin si Steven at lumabas ng kuwarto para kausapin ang kung sino man ang tumawag sa kaniya. Nanginginig akong huminga sa kaba nung umalis siya sa ibabaw ko. Wala kasi akong kalaban laban sa sitwasyon ko ngayon at mukhang wala rin akong mahihingian ng tulong.






.....


.....


.....



...



...



Teka? SI MARCUS?!!!!! Hala?! Nakalimutan ko, kamusta na kaya siya? Alam kong matagal nakong nawawala samin. Hinahanap niya kaya ako? Kainis to, bakit pa kasi nangyayari sakin to eh!!.







Napapikit ako sa inis dahil wala akong magawa at maisip kung pano makatakas sa lugar nato. Ang kulob kasi sa loob at lahat ng bintana may cover na halos tagong tago kami mula sa labas..





Napadilat nalang ako ulit ng bumukas ulit ang pinto at pumasok mula doon si Steven na nakakunot ng noo habang nakatingin sakin.





"Aalis muna ako, kalma ka lang diyan at babalik ako agad" sabay talikod nito sakin pero napahinto siya sa pagsara ng pintuan at ngumiti siya ng nakakakilabot sakin na nagpataas ng balahibo ko.






"Pagbalik ko, tuturuan kita kung pano maging mabait sa taong nagmamahal sayo" pagkasabi niya nito ay tuluyan na siyang umalis. Natakot ako sa sinabi niya at naalarma ang buo kong katawan sa maaari niyang gawin sakin mamaya pagkauwi niya.







"Kailangan hindi nako magmukmok dito, kailangan makatakas nako bago pa siya makabalik. Kailangan makaisip nako ng paraan" sabi ko sa sarili ko habang tumitingin sa paligid ko kung anong pwedeng gamitin para matanggal na ang tali sa kamay ko.







Marcus........ Hintay ka lang, makakaalis din ako dito at babalik sayo...









-----******"""""""------------


Yooowwwnnn natapos ko din sa wakas ang chapter 21. Hahaha sorry sa matagal na paghihintay. Enjoy reading poooo..

My Handsome Abusive Husband (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon