Chapter 10

7K 208 10
                                    






Raymond's pov:




So one week na pala kami ni Marcus na magkabati. Ang saya saya ko kasi hindi niya ko sinasaktan pero hindi ako sure kung mahal niya nako dahil lang sa pinapakita niyang kasweetan sakin.








Mahal na mahal ko si Marcus hanggang ngayon. Kung iniisip niyo si Steven?? Siguro nagkacrush lang ako sa kanya nung panahon na nananakit ang asawa ko sakin, isama mo narin ang pagiging mabait sakin ni Steven.







Actually, nandito ako ngayon ulit sa playground kasama si Steven. Ano pa ba ginagawa namin dito?? Edi nag-uusap at nagkuwekuwentuhan tungkol sa buhay-buhay. At nagkukuwento siya tungkol sa lola niya ngayon.





"So yun yung bilin sakin ng lola ko bago siya mamatay" sabi ni Steven.





"Ay grabe, may nahanap ka na ba?"





" Sa tingin mo ganon kadali makahanap ng forever mo?" Sabay taas ng kanang kilay niya.




"Syempre mahirap makahanap no!! Bakit ba kasi yun pa ang bilin ng lola mo sayo???" Pagkasabi ko non, biglang lumungkot mukha ni Steven.





Naguilty Tuloy ako sa tanong ko sa kanya.






"S-sorry Steven, sana hindi ko nalang tinanong yon" tinignan niya ko at ningitian kahit malungkot parin ekspresyon niya.






"Okay lang yon, total kalapit narin naman kita. Sabihin ko narin sayo"nag nod nalang ako at nakinig sa kwento niya.






"May naging girlfriend ako dati. Her name is Anna. Mabait siya, maganda, matalino, sexy. Halos lahat na sa kanya na. Magiging 2 years na sana kami sa relationship, hanggang sa may makita akong kasuklam-suklam na bagay na halos gusto ko nang mamatay sa sobrang sakit ng ginawa niya sakin." Pagkasabi niya non, biglang niyukom ni Steve yung kamao niya. Nag-alala tuloy ako kasi mukhang malaki ang galit niya sa girlfriend niya dati. Bumuntong hininga si Steven at nagpatuloy sa pagsasalita.







"Alam mo ba kung anong nakita ko?"





"Ano?" Medyo alanganin kong sagot kay Steven.





"Nakita ko lang naman siya na may katalik na ibang lalaki sa mismong condo na tinitirhan namin para saming dalawa! And you know what's worse???? Mismong best friend ko pa ang nakikipagtalik sa girlfriend ko nung araw na yon!" At tuluyan ng humagulgol ng iyak si Steven.





Nilapitan ko si Steven mula sa swing na inuupuan ko para patahanin siya sa pag-iyak.






FLASHBACK........





Steven's pov:



Mag 2 years na kami ng babe ko. Ang saya-saya ko ngayon dahil kahit papano nakatagal kami ng 2 years. Excited ako ngayon kasi may surprise ako kay Anna.




My Handsome Abusive Husband (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon