Chapter 42: "SPADES" | Month of December

436 17 1
                                    

CHAPTER 42

THE BADDEST DELINQUENTS

“SPADES”

WRITTEN BY: VASILISA ROSEMARIE SABINA

“Alexander, where’s Alxl?” tanong ko sa kanya ng hindi ko makita si Alxl na pakalat-kalat sa bahay, wala naman siya sa kwarto nilang magkakapatid. Hindi ko siya makita.

“Baka nasa kwarto lang natin.” Tumayo si Alexander sa kinatatayuan niya at naglakad papuntang kwarto namin habang ako sumunod naman sa kanya.

Putanginang—‘Yung dinatnan namin si Alxl nasa labas ng bintana, lumalakad-lakad. Ilang segundo akong nawalan ng hininga sa nakita ko. Nakadungaw pa siya at konting galaw niya lang, wasak na ‘yung katawan niya. Tahimik at mabilis kaming tumakbo ni Alexander sa bintana at kinuha siya.

Tumingin ako sa bintana pababa at tinignan kung may tao. Tao nga ba o kaluluwa ‘yug nakita ko kasi mukha ni A ‘yung nakita ko. Mukha niya, hindi ako nagkamali do’n.

“Alexander, did they really kill A?”

“Who’s A?” tanong ni Alexander sabay taas ng kilay niya. Seriously? Wala akong oras sa pag seselos niya sa pag tawag kung A kay Four. I rolled my eyes at him.

“Four. Did they really kill him?”

“Bakit mo ba laging tinatanong sa ‘kin si Four?” naiiritang tanong niya.

“Pwede ba sagutin mo na lang ako,” singhal ko sa kanya. Binitawan niya si Alxl atsaka naman naglakad na paalis si Alxl.

“Pakealam mo ba kay Four.”

“Sasagutin mo ba ako o hindi?!” Ba’t ba ang dami niyang tanong. Oo o hindi lang naman ‘yung sagot sa tanong ko.

“Alexandra.”

“Ano?! Pinatay nga ba nila si Four? Kung oo, ba’t nakita ko siya d’yan kanina?! ‘Wag mong sabihing nakakakita ako ng multo, Alexander. Nag sisinungaling ka ba sa ‘kin ah?” Natigilan siya sa sinabi ko at nanlaki ‘yung mga mata.

“You’re just hallucinating. He’s dead.”

“Hindi ka pa aamin?!”

“He’s f[u]cking dead, Alexandra! Nakita ko, nakita ko sa dalawang mata ko!” banas na niyang sigaw.

“F[u]ck you,” naiiyak kung sabi sa kanya.

Nag tatanong lang ako, kailangan pa ‘kong sigawan. Ayoko pa naman ng nagtatalo kami lalo na bukas ‘yung birthday naming pamilya. Anong petsa na ba hindi pa ‘ko nanganganak. Nakakainip na. Due date ko na nyan. December na. 9 months na ‘yung tyan ko.

About sa magazine, balita ko bumenta talaga kaya halos makita mo sa mga babae ngayon black at maigsi na 'yung buhok. Binayaran na rin kami kaya wapakels na kami do'n ni Alexander.

Pinuntahan ko na lang ‘yung mga bata sa sala na busy’ng-busy na nag lalaro. Kinuha ko na sila at dinala sa kwarto nila. ‘Yung isa nakatulog na sa sahig. 11 na kasi ng gabi. Ang tindi talaga nung apat na ‘yun. Si Aljean kasi siya na lang ‘yung medyo nakakapag salita at nakakalakad, mag tu-twelve months na pa naman sila bukas. Late bloomer ata.

Pora spat’.” Sabi ko sa kanilang apat nang malagay ko sila sa kanya-kanyang crib nila.

Nyet,” Sagot naman ni Alen.  Aba, ayaw pang matulog?

“Anong “no” ka dyan? It’s time to sleep,” sabi ko sa kanila kahit hindi nila ako maintindhan sa tagalog. Loko-loko, sinasagot ako. Doc R. said one language na lang muna hanggang sa mag eight sila at baka malito sila, since kagagawan ni Claryne kung ba’t Russian ‘yung language nila, we’ll stick to that. Pinatay ko ‘yung ilaw nila at lumabas na papuntang sala.

[♤]: THE ANARCHIC DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon