Chapter 26: "WANTED" | Month of February

573 21 0
                                    

CHAPTER 26

THE BADDEST DELINQUENTS

“WANTED”

WRITTEN BY: VASILISA ROSEMARIE SABINA

Nilagay ko sa hita ko ‘yung thigh holster na may calibre 45 ACP na kakabigay lang sa ‘kin ni Limochin. Ready na ang lahat. Ako na lang ang kulang, ako na lang ang hinihintay sa simbahan, ako na lang ang hinihintay lumabas ng kotse. Inayos ko muna ‘yung wedding gown ko bago ako lumabas ng kotse dahil nagulo ko ‘yun sa pagkabit nung sa hita ko. Since hindi ako pinayagan ni Alexander na mag set ng bridal shower mas napadali ‘yung kasal namin.

This is it . . . February 13, Friday the 13th, our wedding.

Umuwi pa pabalik si Anastasia para dito. Kung dati naglalakad akong mag isa papunta sa harap ng altar, ngayon kasama ko sina Limochin at Anastasia.

Naglahad ng kamay si Alexander nang maka abot na kami sa harapan niya. Nandito lahat ng pamilya namin na galing Russia pa. Makikita mo talagang mixed dahil iba-iba ‘yung mga kulay ng mga buhok nila; may pula, brown, ginger, blonde, at light. ‘Yung iba naka bleached na iba-ibang kulay lalo na ‘yung mga babae. Inabot ni Limochin ang kamay ko kay Alexander at sabay na kaming nag lakad papunta sa harap ng pari. Feeling ko sa pangalawang pagkakataon, matutunaw ako. Simbahan ang pinag uusapan dito.

“Pangit mo. Dapat ng pants ka na lang e,” pang asar ni Alexander sa ‘kin.

“So feeling mo gwapo ka dyan sa tuxedo mo? For your information, ang pangit mo rin. Dapat nag black v-neck shirt ka na lang.”

“’To naman, biro lang. Ganda-ganda ng asawa ko. Tsk,” nakangising sabi niya sa ‘kin.

“Pangit ka pa rin,” sagot ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

Sinimulan ng pari ‘yung wedding ceremony. Even though, we’re orthodox, we choose to follow the Filipino wedding tradition since Russian wedding tradition lasts for at least two days and feeling ko, hindi talaga mag la-lasts ng two days ‘yung wedding.

Matapos lahat ng iba’t-iba uri ng vow na kailangan pang sabihin, we proceeded on blessing our wedding rings and exchange of our wedding rings.

To be honest, words can’t describe how happy I am today. I feel like, the heaven’s door let me in even though I’m a baddest sinner.

‘Yung dating pinapangarap ko lang (define “pinapangarap”) eto nasa harapan ko na, kasama ko dito sa harap ng altar habang itinatali namin ‘yung isa’t isa sa isa’t isa. Can you believe it? After all what happened, we finally got married; the threats, my pregnancy, our very complicated relationship, our babies, jealousies, the acts, the pretend(s), the lies, agony, pain, our best friends, Mirabella, our stupid parents and the rapists. All after one year, we finally did it even though there’s so much epal around us.

But this isn’t the end yet, I think it isn’t. Everything ends only when you die. Madami pang mangyayari after the wedding at sigurado akong mas komplikado pa sa mga nangyari sa ‘min no’n. Mahirap mag predict pero madali lang para kay Yevalynna. I saw her smiling at us while she shakes her head back and forth. I know what she meant, she likes what’s happening but may mangyayaring masama, na mas grabe, na papatay sa kaluluwa naming parehas ni Alexander. Oa ‘man pakinggan pero ‘yun ang gusto niyang sabihin. Kilala ko si Yevalynna, bruha ‘yan. Who knows?

[♤]: THE ANARCHIC DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon