Chapter 44: "CURE"

446 16 0
                                    

CHAPTER 44

THE BADDEST DELINQUENTS

“CURE”

WRITTEN BY: VASILISA ROSEMARIE SABINA

“Love hurts whether it’s right or wrong, Alexander! Masasaktan at masasaktan ka lalo na kapag nag mamahal ka at hindi ‘yun maiiwas kahit umilag ka pa ng ilang beses, bull’s eye ka pa din. Ngayon ka pa ba susuko? Anak puta naman, ikaw pa ngayon ‘yung may karapatang sumuko? Tingin mo ba, Alexander, hindi ako masasaktan kapag nawala ka? Hanggang kamatayan ‘yun at hindi lang ako ang masasaktan kapag nawala ka pati ‘yung mga anak mo. Nag iisip ka ba ah, Alexander?! God! Think about your children! You’re such a shallow person!” Tahimik lang si Alexander na naka upo sa gilid ng kama habang naka tingin sa sahig. Kagigising lang naming, eto na naman kami, nag aaway. “Alexander, ‘wag puro ako na lang ‘yung iniisip mo. ‘Wag puro ‘yung nararamdaman ko, isipin mo naman ‘yung mga bata, ayokong lumaki ng broken family ‘yung mga bata, ayokong magaya sila sa ‘tin. Mag papa-tingin ka, ngayon na, at kung ano pang kaputahang makakapatay sa cancer cell na ‘yan. ‘Di ka kasi nakikinig sa ‘kin e, kung tinigilan mo na ‘yang paninigarilyo mo . . . Mag bihis ka na lang!” nafru-frustrate kung sabi ‘saka lumabas ng kwarto at padabog na sinara ‘yung pinto. Do’n ko naabutan si Alazne na umiiyak habang nakaharap at nakatayo sa harapan ng pintuan ng kwarto namin ni Alexander.

I flinched nang makita ko siya. Lumuhod ako sa harap niya at pinatahan siya. Dinala ko siya sa sala at kinandong ‘saka ko siya tinanong kung bakit nandito pa siya.

“My friend called me, she said, they suspended the class because of the hot weather,” sagot niya habang sumisingot pa, tumango lang ako sa kanya. “Why are yelling at father? Did he do something wrong?” tanong niya since hindi niya naintindihan ‘yung mga sinabi ko kay Alexander kanina.

“It’s nothing. What about modelling? I thought you have gig today?”

“I do have but they postponed it, maybe tomorrow.”

“Okay, change your clothes. We’re going to the hospital.”

“Why mother?”

“I told you last night, right? We’re going to the hospital today.” Tumango na lang siya at nag pumasok na sa kwarto niya para mag palit ng damit.

Bumuntong hininga ako at pumasok na ulit sa kwarto nang madatnan kung nahihirapang huminga si Alexander. Nag papanic ko siyang nilapitan at inabot sa kanya ‘yung inhaler. Agad na rin akong tumawag ng ambulance kasi parang walang kwenta, hindi lalagpas ng dalawang minuto dumating na sila.

Kinabitan siya ng oxygen mask at sinakay na sa ambulance, sumakay na rin ako kasama si Alazne na walang ka-alam alam sa nangyari.

“Mother, what’s happening to father? Is he sick? I can cure him,” bulong niya sa ‘kin sabay ngiti. Do’n na biglang tumulo ‘yung mga luha ko. Lumapit siya kay Alexander at ilang saglit na tignan siya.

Papochka? Don’t move but don’t sleep, okay? Just follow me. Can you please smile?” malambing na request ni Alazne. Ngumiti naman ‘yung tatay niya sa sinabi niya. “You’re cured, father!” she cheered ‘tas humarap siya sa isa sa mga nurse. “My father is cured, can we go back now? He’s okay. He’ll be fine now. I can take care of him,” aniya  sa isang nurse ‘saka ngumiti pero nginitian lang siya pabalik nung nurse at binaling ‘yung tingin niya sa ginagawa nito.

[♤]: THE ANARCHIC DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon