Chapter 01: "PREGNANT" | Month of June

1.6K 34 3
                                    

CHAPTER 1

THE BADDEST DELINQUENTS

“PREGNANT”

WRITTEN BY: VASILISA ROSEMARIE SABINA

“Hey, Alexandra. Nakikinig ka ba? Ang sabi ko ‘yung fiancée mo, ayun nakikipaglandian na naman sa girlfriend niya,” pag uulit pa ni Alexia, a friend of mine, sa sinabi niya nang makita niya si Alexander na kasama ‘yung girlfriend niyang hindi niya maiiwan-iwan kahit may fiancée na siya. Hindi big deal sa 'kin 'yung dalawahin niya kami at the same time dahil sa 'kin pa rin ang bagsak niya at hindi do'n sa babae niya. Actually, ako 'yung kabit dito since siya 'yung na-una but duh, they arranged us.

“I know birdbrain.” Pagkasagot na pagkasagot ko sa sinabi niya agad akong tumakbo papunta comfort room para dumuwal. Nasuka na naman ako. Mag iilang araw na ‘kong ganito, puke-all-my-guts-out na parang buntis ako.

It’s been 3 months since Alexander and I had s[e]x and got engaged after Anastasia sell me to her d[a]mn best friend, Alyona.

Eto namang si Alexia kanina pa salita ng salita na puro wala naman kakwenta-kwenta ang mga pinagsasabi niya.

“Pwede ba, Alexia. Manahimik ka nga muna? Nakakairita ka,” iritang sabi ko kay Alexia, ang kaisa-isang babaeng may lakas ng loob para pa-iritahin ako.

“Huh? Ano?”

“Umalis ka na nga muna. Ayokong nakikita ‘yung pagmumukha mo,” naiiritang sabi ko pa sa kanya. Sumimangot siya sabay padabog na lumabas ng comfort room.

Ilang segundo rin ang lumipas bago ako lumabas ng comfort room ‘saka na biglaang parang gusto kong makita na naman si Pocholo.

Pocholo is Alexia’s brother. She said, hindi sila magkaparehas ng nanay kaya halos same age sila. Well, I don’t think I believe her though.

Mag iilang araw ko na rin siyang gusto laging nakikita kahit hindi naman kami masyadong close. I feel like just want to see his face or just want to pinch his cheek then pagdating naman kay Alexia, naiirita at naiinis ako sa kanya kahit na sanay na sanay na ‘ko sa kaingayan niya. I don’t know. I feel weird these past few days and weeks.

Pabagsak kung binuksan ‘yung pinto ng classroom nina Pocholo na ikinagulat naman nilang lahat. Oh, the great fiancée of mine is here with his lovely girlfriend. Actually, in this school, the girls and the boys are separated. Magkaiba ang building ng boys sa girls at bawal ang mga girls na pumunta sa mga building ng mga boys, and vice versa kapag may klase na.

“Hey, can I borrow Pocholo Loyzaga?” tanong ko do’n sa teacher nila na kalagitnaang nanenermon sa kanila.

He was about to open his mouth to protest but inunahan ko na siya.

“Why, thank you, Sir,” I sarcastically said habang papunta ako sa harapan ni Pocholo.

“Pocholo,” I called quietly.

“You heard her right?” sabi niya sa teacher niya sabay ngisi.

“Girls are not allowed here.” 

“Oh shut up. Kelan pa naging lalaki ‘yang babaeng ‘yan? Tell me,” pag hahamon ko sa teacher nila habang duro-duro ‘yung so-called girlfriend ni Alexander.

Masyadong masipag mag mahal ang isang Alexander Liamzon dahil meron na ngang fiancée, meron pang girlfriend. Extra rice kumbaga.

 I’m pretty sure na dinala siya ni Alexander dito at walang nagawa ang teacher nila do’n, no doubt.

“Sa’n ang date natin?” pa-sarkastikong tanong ni Pocholo sa ‘kin habang sinasakbit niya sa shoulder niya ‘yung bag niya.

“Bili mo ‘kong potchi,” bulong ko sa kanya na ikinatawa naman niya ng malakas. Sh[i]t. Why am I doing this? Napailing na lang siya sa sinabi ko at inakbayan ako.

Palabas na sana kami nang biglang mag salita si Alexander. Napatigil kami ni Pocholo do’n at hinarap siya.

“Ano?” iritang tanong ni Pocholo kay Alexander.

Ilang segundong natahimik ang classroom nila. Hindi siya makapagsalita, hindi niya mabawal si Pocholo sa kaganapan ngayon dahil nandyan ang magaling niyang manang na girlfriend na hanggang ngayon inaakala niyang santo ang gwapo niyang boyfriend.

“Well, honey, you see you can’t have me if you already have her. Care to break her heart first? ‘Cause I think she deserves it,” I confidently yet sarcastically and smirked.

Again, palabas na sana kami ng classroom nina Pocholo kaso may biglang sumigaw. Nakakaiirita. Nakakabwiset. Gusto ko na talaga ng potchi.

“Mr. Loygaza and Ms. Limochin!” sigaw no’ng panot nilang teacher.

“Dude, it is soon-to-be Mrs. Liamzon,” iritado at inip kung pagtatama sa teacher nila.

“To the detention room now!” singhal niya.

“Your face, b[i]tch,” sagot ko naman ‘saka na kami lumabas ng room at ng campus.

Pinara ko ‘yung taxi (since hindi ko dinadala sa school ‘yung kotse ko) pero ‘yung lalaking naka motor ‘yung huminto sa harapan ko. Hindi ko alam kung tanga siya o talagang nabighani lang siya sa kagandahan ko e. D[a]mn.

Pagkahinto ng motor sa harapan ko. Tinanggal niya ‘yung helmet niya ‘saka tumingin sa ‘kin at ngumiti ng hiram sa asong ulol.

“Hi, Miss beutipol,” aniya sabay taas baba ng kilay niya habang nakangiting pang aso.

Ngumiti lang ako ng pa-sarkastiko sa kanya ‘saka ko siya sinuntok sa mukha, tama lang para ma-knock out ko siya. Sinapo ko ‘yung motor habang siya, pa-landing sa daan. Para sa kamanyakan niya ‘yung suntok ko. Kung maka “miss beutipol”, e, parang may mukhang ihaharap, napaka pangit naman.

“What the heck, Alexandra. You just knocked the [a]ss out," amazed niyang sabi.

“Well. That's what the baddest delinquent can do. Sasakay ka o tutunganga ka na lang dyan?" inip na inip kung tanong sa kanya.

Umiling mo na siya bago sumakay sa likod ko. Ang daming arte at satsat, sasakay din pala.

Nag stop ako sa isang grocery store at nag pabili ng limang balot ng potchi ‘saka kami dumiretso sa restaurant. Grabe lang, ngayon ko lang napansin na ang baho pala ni Pocholo. Hindi ko alam kung naligo ba siya or what pero amoy na amoy ko talaga o talagang ayaw ko lang sa amoy niya,

“Pocholo, maligo ka nga. Ang baho mo talaga,” sabi ko sa kanya habang nakatitig sabay kain pa ng potchi.

“Naligo na ‘ko ng pabango para sa ‘yo, Alexandra,” seryosong sabi niya na para bang nag papatawa rin at the same time.

“Pocholo, seryoso ako. Ang baho pa ng hininga mo.” Pati ‘yung hininga niya, amoy ko din kahit medyo malayo pa siya. Ang baho talaga. Kahit ang layo na niya. Amoy na amoy ko pa rin.

“Hindi ka nakakatawa, nilaklak ko na nga ‘yung buong mouthwash. Kahapon ka pa ah.” E, hindi naman ako nagpapatawa. Seryoso ako.

“Pocholo, ang gwapo mo lalo ngayon.”

“Syempre, araw-araw naman e,” sabi niya sabay ikot ng dalawang mga mata niya pero tumingin ulit siya sa ‘kin ng seryoso.

“Pocholo, potchi pa.”

Naubos ko na kasi ‘yung limang balot ng potchi kaso gusto ko pa. Ang sarap e. Ang tamis ‘tas ang lambot pa ‘saka strawberry flavour.

“Alexandra, buntis ka ba?” deretsahang tanong niya na walang ka-preno-preno at hindi man lang inisip kung masusuntok ko siya o hindi.

“Paano mo naman nasabing buntis ako? Tanga ka ba?”  inis kung tanong sa kanya.

“You act weird these past few weeks. Seriously, dati hindi naman tayo nag uusap. In fact, ayaw mo sa ‘kin. But look at you now. And sapagkakasabi ni Alexia, you don’t eat sweet stuffs like that at pansin ko lagi kang naduduwal at mas lumala pa ngayon. Seems like pinaglilihian mo ‘ko, Alexandra.”

Napatulala ako sa sinabi niya. Is that what they call infanticipation when you’re pregnant? Me? Pregnant? No way. That’s impossible.

[♤]: THE ANARCHIC DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon