Chapter 38: "UNFAITHFUL"

475 18 0
                                    

CHAPTER 38

THE BADDEST DELINQUENTS

“UNFAITHFUL”

WRITTEN BY: VASILISA ROSEMARIE SABINA

Naalimpungatan ako sa sigawan sa loob ng hospital room ko. Sigaw ni Alexander na parang tino-torture siya. 2 days na ‘kong tulog, for no reason every time naaalimpungatan ako, bumabalik ulit ako sa pag tulog. I think I can’t face Alexander for now, not yet. But I think nalaman nina Anastasia ‘yung nangyari sa ‘min at biglang sumugod sa Moscow galing Novosibirsk.

Si Alexander nakahandusay sa sahig binubugbog ni Lev, ‘yung asawa ni Stasya, habang sinisigawan siya ni Stasya. Sigurado akong inutusan lang siya ni Stasya dahil hindi kayang manakit ng ibang tao katulad ko, katulad namin ni Limochin, katulad namin Xander.

“If you can’t be faithful to her, just leave! Leave her alone! She doesn’t deserve you. You heartless! Hindi mo alam kung ga’no na ‘ko nagtitimpi sa ‘yo katulad ng pag titimpi sa ‘yo ng kapatid ko. Respetuhin mo naman ‘yung asawa at mga anak mo, Alexander!” sigaw pa ni Stasya at nanginginig na sa galit na parang gusto na niyang saktan si Alexander pero hindi niya magawa. Ni-hindi nga niya magawang mag mura sa ibang tao kahit galit na galit na siya.

Gano’n siya katino, gano’n siya ka-responable, gano’n siya marunong mag control sa sarili niya,  ganyan siya nagiging hysterical kapag may nangyayari sa ‘kin ng masama at gano’n niya ‘ko kamahal para sigaw-sigawan si Alexander dahil sa simula’t sapul siya ang nag alaga sa ‘kin hanggang sa lumaki na ‘ko, hanggang sa kuhanin na ‘ko ni Limochin para mag aral kung paano mag combat, hanggang sa maging gan’to na ‘ko. To be honest, sinayang ko lang ‘yung pagod niya sa ‘kin.

Susuntukin pa sana siya ni Lev pero agad akong tumakbo papunta kay Alexander at niyakap siya kahit na parang nabalat pa ‘yung kamay ko dahil sa nakakasaksak na dextrose. Tiniis ko ‘yung hapdi.

“Enough. It’s enough. Stop hurting him now. Okay na ‘ko.”

“Alexandra, he cheated on you! ‘Wag ka namang mag tanga-tangahan dyan. You’re not acting yourself anymore,” sabi sa ‘kin ni Stasya.

“He did not! Atsaka gano’n naman talaga kapag nag mamahal,” pagtatanggol ko kay Alexander.

“Hindi? Hindi mo ba alam kung anong nakita ko nung pinapunta mo ‘ko sa Underground? They kissed nung pag alis ko. Akala ba ng asawa mo, basta-basta akong aalis do’n ng walang iniiwang spy? Sabihin mo Alexandra, hindi ba pag chi-cheat ang asawang may kahalikang ibang babae? Don’t be a fool! At Alexandra, katangahan na lang ‘yan.” Hindi ako makasagot sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa paligid. Si Anastasia at Alyona na umiiyak ng tahimik. Si Limochin na naka halukipkip at malalim ang iniisip. Si Claryne lang ang wala, malamang binabantayan ‘yung mga bata sa bahay. Alam kung alam din ni Limochin ‘yung mga pinag gagawa ni Alexander.

Nabigla ako nang suntukin ni Limochin ‘yung pader at aaktong lalabas ng bahay.

“Be thankful that my daughter loves you so much but I’m taking her away from you now.”

“Good then,” sabi ni Stasya sabay bumuntong hininga at nag walk out kasama silang lahat.

Kami na lang ni Alexander ‘yung natira dito.

“Alexander, are you okay? What happen to your face? Alexander?” I asked worriedly. May pasa siya sa gilid ng labi niya. ‘Yung cheekbone niya basag. At ‘yung kabilang pisngi niya dumudugo na may malaking na sugat na halos kamukha ng peklat ko sa pisngi na sigurado akong magiging peklat.

“I did it for you, darling,” nanghihina niyang sagot.

“Why? Alexander naman.”

“I did it para wala ng lumapit na babae sa ‘kin. I’ve never wanted to be attractive. Alexandra, nasaktan na naman kita,” sabi niya sabay hagulgol. “They’re going to take you away from me, Alexandra. I can’t . . .” pagpatuloy niya pa sabay sabunot sa buhok niya dahil sa frustration kaya pati ako naiyak na rin. Nakaupo kaming parehas sahig yakap-yakap ‘yung isa’t isa.

[♤]: THE ANARCHIC DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon