Chapter 05: "HEARTLESS"

986 23 0
                                    

CHAPTER 5

THE BADDEST DELINQUENTS

“HEARTLESS”

WRITTEN BY: VASILISA ROSEMARIE SABINA

 “Limochin! Ba’t mo naman binaril si Alexander? Kailangan ka pa nilabas sa mental, huh?!" bulyaw ko sa sariling tatay ko.

“Aba, tinitignan ko lang kung malakas siya baka naman, siya ‘yung lalaki, ikaw pa ‘yung mas malakas sa kanya,” sagot niya habang sinisindi ‘yung sigarilyo niya.

“What? Are you crazy? D[a]mn. I can’t believe you.”

 “Ivashkov! Watch your words. Mag mura ka pa, babanatan kita.”

“Whatever, Limochin,” sabi ko ‘saka na kinaladkad na si Alexander sa clinic.

Nandito na naman ‘yung matandang ‘yun. Sino bang may sabing pumunta siya dito? Anastasia and him were over. ‘Wag mong sabihing nagkabalikan na naman sila? Aba, mas magulo pa ata ‘yung relasyon nila kesa sa ‘min ni Alexander. Puro kalandian kasi.

Pinatanggal ko do’n sa nurse ‘yung bala sa likod ni Alexander ‘saka na kami lumabas ulit ng clinic pagka-ayos ng sugat niya. May ganito talaga kami―’yung taga-tanggal ng bala sa katawan at mini clinic dahil may pagka-abnormal ang mga taong nakatira dito. Bigla-bigla na lang mang babaril. Wala trip nila, bored sila. Binigay ko muna kay manang si Lizochka para maalalay ko si Alexander.

“Hindi pa tayo tapos, Belitrov,” paghahamon ni Limochin kay Alexander.

+

Habang nag ku-kwento ako do’n sa nangyari nung weekend, eto namang kasama ko umiiyak, kanina pa. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, ka-dramahan. Monday na monday, kabalbalan ‘yung pinapairal.

“Ano ba, Alexia! Para kang sirang plakang humahagulgol dyan,” reklamo ko sa kanya.

“Kasi, ‘yung putang inang Claryne at ‘yung anak putang Mirabella na ‘yun sinabihan akong mataba! Sino bang hindi magluluksa kung namatayan ka ng metabolism?!” sabi niya habang sumisinga ng sipon niya.

“E ‘di sana, sinabunutan mo!” Hina neto talaga kahit kelan.

“Sinabunutan ko na nga.”

“Oh, ano pang inaarte mo dyan?” nakataas na kaliwang kilay kung tanong.

“Bigyan mo silang black eye, please?” pagmamakaawa niya sabay ngisi.

“Tang―”

“Sheesh! Bawal kang mag mura baka manginig ka pa ng wala sa oras dyan!” paalala niya.

Ano ba kasing pa-uso ni Limochin. Ba’t umuwi pa kasi. Kinabitan pa ‘ko ng wristband tracking device para kung mag mura ‘man ako o kung ano ‘mang ka-bayolentehan gagawin ko manginginig ako hanggang sa manghina ako. This is just one of his stupid inventions. He’s a part-time high tech inventor besides being a gangster.

“Ikaw na ang nag sabi, Alexia. Manginginig din ako pag binigyan ko sila ng black eye,” sabi ko sabay ikot ng mga mata ko.

“Sige na,” pangungulit niya na sobrang ikinainis ko. Naiinis talaga ako sa kanya.

“Oo na!”

Tumayo ako at hinanap ‘yung dalawang impokrita. May klase ngayon kaya sigurado akong nasa classroom sila, nakikinig sa boring na klase ng bungal namin pinakamamahal na teacher na isang tapik lang diretso burol na siya.

Pumasok ako sa classroom habang nagsasalita ‘yung walang kwenta naming teacher. Si Mirabella ‘yung babaeng sinuntok ni Alexander nung sabado kaya ayan. May isa na siyang black eye na kahit anong gawin niya hindi pa rin umobra ‘yung concealer.

[♤]: THE ANARCHIC DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon