Chapter 50 Once a warriors, always a warriors

52 6 0
                                    

(Sorry sa delayed na update. May tinapos lang me at pinahinga ang sarili kahapon kaya di naka ud. Pero eto na po siya.


Chapter 50 Once a warriors, always a warriors



Kiel's pov


“Heto na naman ako, nag-aabang ng bago sa istorya ko... Paulit-ulit na lang, paulit-ulit na lang.”- Jai elle.
Nakatingin lang ako sa may mibni stage kung saan kumakanta si Jai elle kasama si Mak. Naisipan kasi namin pumunta dito ngayong gabi para makapagpaalam sa dalawang walang kaoras oras kundi dito lang sa trabaho, kaya kami na ang nagtungo.

“Pag talaga ako naging ganiyan kaganda ang boses tiyak na mag-a-audition ako sa Abs-cbn o di kaya sa GMA para maging singer” naiiling-iling na sabi ni Reigh anne.


“Hah! Umasa ka pa, eh baka puti na ‘yang buhok mo at laos na ang abs-cbn maging ang GMA ay hindi ka pa nagiging singer” kontra sakaniya ni Ryan dahilan para mag ikot ng mata si Reigh anne.

“Akala mo lang iyon, pagdating ng panahon mas may talent na ko sayo”

“Reigh ang taong katulad ko ay hindi kumukupas, eto ako oh” tinaas ni Ryan ang kamay niya na parang sinasabi ang height niya. “Ito kalang oh kukuko lang kita” dagdag niya habang tinuturo ang paa niya na katapat ng kuko niya habang nakakagat labi.

“Hoy ang kapal ng mukha mo!” Matilis ang boses na sagot ni Reigh

“Uy hindi ah, honest lang”

“Liliit ka rin, sinusumpa ko”

Ngumisi si Ryan. “Pero hindi malalaos ang paging awesome ko, ikaw hindi ka na magiging awesome kaya hindi ka na puwede sa warriors. Sinusumpa ko din ‘yan.”


“Heto na naman ako, tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko, parang walang katapusan, walang katapusan.” -Mak

Buo kaming warriors dito sa D'A clubhouse, maging si Soy ay nandito rin, ayaw na kasi namin maulit ang dati na may umalis walang nakakaalam at walang nakakapagpaalam kaya tinungo na namin ang dalawang busy sa work nila kaya hindi namin nakakausap, hindi naman kasi nagbubukas ng Group chat si Mak kaya baka hindi niya pa alam, e, don namin napag-usapan ang tungkol dito.

“Kahit pilitin pa'ng sarili Ibigin kang mali, Ako'y Mali, Ako'y Mali”

Napapailing nalang ako hindi ko alam kung bakit, kung ba dahil sa nag-aasaran kong warriors na inaawat na ngayon ni Soy o dahil sa lyrics ng kanta?

“Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan. Umiiyak na lang palagi, Gusto ko nang lumisan. Paano ba ang magmahal? Kailangan bang nasasaktan. Lagi na lang, di maaari ngunit ayaw lumisan.”

Para silang nag-uusap lang at tinatanong sa sarili ang mga bagay bagay. Haayyys buhay nga naman, siguro ang sarap maging manhid.

“Heto na naman ako, parang hindi nadadala ang puso ko kahit nasusugatan aking ipaglalaban... Kahit pilitin pa'ng sarili Ibigin kang mali, parang mali parang mali... Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan umiiyak na lang palagi, Gusto ko nang lumisan. Paano ba ang magmahal? Kailangan bang nasasaktan, Lagi na lang, di maaari ngunit ayaw lumisan.”

“Irecord nga natin ang boses nilang dalawa para hindi nakakamiss” sabi ni Nathan na siniko pa ako na parang inaalam niya kung ano'ng masasabi ko sa ediya niya.

Pinatong ko ang siko ko sa balikat ni Danny at ngumisi. “Marami na ko nung kay Mak, kuwa pa nga sa bugad na sweet trucks, yung kay Jai elle nalang”

Bah, supportive kaya ako kaya naman rinerecord ko ang pagkanta ni Mak, si Mak kasi yung tipo ng Ed sheeran cover, hindi nagpapalungkot nung kanta pagkinanta niya, yung iba kasing acoustic cover singet ay nakakalata dahil sa kakantahin nila yung Hit me baby one more time tapos biglang magiging emo song siya hindi mo na siya sasayawan, unlike ni Ed Sheeran na parang si Mak mag cover ay pagsayaw ang kanta ay sasayawan din niya, syempre ibang sound na dahil gitara na ang gamit pero ganon parin ang sound nung pagkakakanta sa lyrics,

Kaya hindi nakakairita ang cover ni Mak sa mga kanta niya. And base sa mga napanood kong performance ni Jai dito sa D'A ay wala silang pagkakaiba ni Mak pagdating sa pag cocover, kagaya nalang nang narinig kong kinanta niya ang Starving ni Hailee at Zedd ay ganon parin, naging keyboard chuchu lang ang gamit niya tsaka gitara, hindi sound nung sa original pero maganda parin.


“Kailan ba, ang tamang panahon, Kailan ba, magkakataong malaya na ang puso mo, at puso ko. Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan umiiyak na lang palagi, gusto ko nang lumisan. Paano ba ang magmahal? Kailangan bang nasasaktan lagi na lang, di maaari Ngunit ayaw lumisan.”

Parang ang sarap nga nilang dalawang tanongin kung ano ang pinag-usapan nila bago sila kumanta, para kasing nag-uusap lang talaga sila habang kumakanta ee…

Hindi kaya nagkakainlove-an na sila?

Ipiniling ko ang ulo ko. Parang imposible kasi crush ni Jai elle si Sir Dennis.


I smile quickly nang makita kong papalapit sa gawi namin sila Mak na alam kong nakita na kami kanina palang. Nang umakyat kasi si Jai ellle at Mak ay linibot nila ang paningin nila at nang mapadapo sa amin ang mata ni Jai elle ay ngumiti siya sa amin.


“Ano'ng ginagawa niyo nanaman dito?” Agad na bati sa amin ni Mak.


“Nice performance” sagot ni Soy na hindi katugma sa tanong ni Mak.


“Thank you!” Yan na lang ang nasagot ni Mak.

Hah! Dale siya sa charm ni Soy.

“Anyways, nandito talaga kami for some important reason” si Danny na ang sumagot sa curiosity ni Mak.


Mula sa pakikipag high five kay Sarah Jean at Reigh anne na sinisimangutan na ni Ryan at Xavier ay napalingon sa ‘min na ng may ngiting nakafreeze.

“Important reason? Ano naman iyon?” Tanong ni Jai elle na binalingan si Sean nang tumayo ito mula sa kinauupan niya at pinaupo si Jai elle.

Mukhang nanggigil na pinisil ni Jai si Sean sa panga. “Aray”


“Kayo ang customer, bakit ako pinapaupo mo?”

Umingos si Sean. “Masama ba na maging gentleman sa pinaka magandang babaeng kilala ko” bola ni Sean na dahilan ng panliliit ng mata ni Jai elle.


“May kaylangan yan sa ‘yo kaya ganiyan yan tingnan mo” warning ko kay Jai elle kaya binalingan ako ni Jai at agad na ibinalik kay Sean ang tingin ng may paghihinala.


“O-oy wala ah” nauutal niyang tanggi.

Tsk tsk tsk sabi ko na nga ba eh.


“Hayys! Ganiyan talaga kayong mga gwapo, nagiging mabait lang pag may gusto at kaylangan” naghihinanakit na angal ni Jai sa mundo.

“Oh bat damay kami?” Angal ko.


“Hindi naman lahat” si Xavier naman.

“Oo nga wag kang nang-aakusa” reklamo din ni Ryan.


“Yung iba toroong mabait” si Dan na inakbayan ang kambal niyang si Dyl. “Di ba?”

Natatawa pero pilit na sumisimangot na tumango si Dyl at sumang-ayon.


Natatawang nagkatinginan si Jai elle at si Charlly na pinagsalikob pa ang kamay nilang dalawa.
“Bakit lahat kayo umaangal?” natatawang tanong ni Charlly habang ang isang kamay ay nakahawak sa balikat ni Mak na hindi nagsalita.


“Sinong nagsabing kasama kayo?” Natatawa rin na sabi ni Flame at nakipag-apir sa kakambal niyang si Storm.


“Tsk tsk tsk” si Sara at Reigh na iiling-iling pa.


“Bakit hindi?” Inosente kong tanong na tinignan ko pa si Soy at Nathan na naiiling habang tumatawa.

“Gwapo nga ee!” Natatawang sabi ni Jai elle na binalingan ang mga di nagsalita. “Tama ‘yan, wag kayong ambisyoso” sabi niya na nakipag-apir pa sakaniya ang dalawa pang kambal na si Glaze at Travel.

(An. Sorry nagkamali ako, kasama pala sa Warriors ang isa pang kakambal nila Flame na si Travel, nalaman nalang namin pareho nang sistah ko ang totoong kaganapan nang mabasa namin uli ang Love for revenge. Sorry for wrong details.)


“Aba Jai elle, hindi ba kami kasama? Baka gusto mong subukan ang pagiging makisig ko?” Angal ni Nathan na tinawanan lang ni Jai na sinundan ng tawa ni Nathan na mukhang narealize ang kalokohan na sinabi niya.

Napatingin ako kay Lex na babalik lang mula sa kung saan dahil may kinausap siya sa cellphone kaya naghanap siya ng tahimik na lugar.

“Oy nandito na pala kayo” bati ni Lex kay Mak at Jai elle. Pinag undog lang nila ang mga kamao nila. Medyo nagiging close na rin kasi si Jai at Lex, well hindi totally pero nalaman kasi ni Lex na ang Crane Spencer pala ang magpapaaral kay Jai elle na pagtatrabahuhan ni Lex once na makagraduate siya this year din kaya alam niya someday ay magiging responsibility niya rin si Jai elle.


“Oh nandito na pala ang totoong important reason eh” sabi ni Serenity habang inaalog ang cocktail juice nya.

Nagtatakang tinignan ni Jai elle si Lex habang si Mak ay napatango na parang may clue na siya kung ano ang dahilan ng pagpunta namin dito. Nakakausap din naman kasi namin si Mak so may clue siya tungkol kay Lex, si Jai elle hindi ko alam kung may clue ba siya tungkol kay Lex.


“Hindi niyo pa nasasabi?” baling sa min ni Lex.

Umiling ako. “Ikaw na lang magsabi.” Sabi ko at bahagya siyang hinila paupo.


Umalis saglit si Mak maya maya ay may dala na siyang dalawa pang upoan at pinaupo don si Sean na nakatayo lang mula ng ibigay niya ang upoan niya kay Jai kanina na nasa harapan ko at naupo rin si Mak sa isa pang silya na dala niya.


“I have to go back in Italy, by tomorrow”


“Ang bilis ata?”


“Wala ee, hiniram lang naman ako ni tito Ken kahit sandali lang pero may mga naiwan pa ko don na trabaho”

Nakakalungkot na kaylangan ng umalis ni Lex pero kasi sandaling panahon lang naman ang hiniram ni dad kay tito Crane dahil nga may gagawin pang mga trabaho si Lex, pero kahit sandali lang iyon ay nagpapasalamat parin ako kay dad,


Alam ko kasing dahil sakin kaya niya sinundo sa italy si Lex, dahil gusto niya kong mapasaya at alam niyang hindi ko nagugustuhan ang mga rumors na si Lex ang nagsabutahe sa performance ng warriors, good thing ay inayos niya yon.


Nalinis na rin ang pangalan niya sa buong GM academy, dahil netong mga nakaraang araw ay bilang pagkapanalo ng warriors ay gumawa ng journal ang GM academy tungkol sa naging journey ng warriors sa buong apat na buwan, at kahit na hindi na nila nainterview si Lex ay ako na ang nagtanggi ng kasalanan na ibinibintang sakaniya, of course hindi ko napangalanan kung sino ang sumabutahe pero sinabi ko kung bakit sa palagay ko ay hindi si Lex ang gumawa non, back to that night alam kong hindi niya magagawa iyon dahil siya ang pinakamaganda ang ipinamalas na galing sa performance na ipinangpalit namin sa naagaw na choreography namin.


Tinap ko sa may likod si Lex. “Sana lang hindi lang sa career mo ikaw maging successful, pati rin sana sa totoo mong pakay sa Italy”




“Sayang lang at hindi ka makakapunta sa celebration ng GM academy para sa warriors” sabi ni Axel ng pumangalongbaba.


“Wala din naman akong interest sa ball na iyan”


“Kahit na, lahat ng kasama natin sa pagkapanalo ng warriors ay invited kaya dapoat nandon ka” may kinuwa si Axel na dalawang mukhang malutong na papel sa bag niya at iniabot kay Jai at kay Lex. Kinuwa iyon ni Lex pero hindi niya tinignan at linagay lang sa lamesa.

“That invitation couldn’t change a thing, I'll still leave. No excuses will stop me from fronm finding her”


Nakatingin lang ako sakanilang dalawa. Nabasa ko ang sakit na gumuhit sa mga mata ni Axel sa bawat diin ng salita ni Lex. Lumipas man ang ilang linggo na hindi nagpakita at hindi parin nagawang kalimutan ng ganoon kadalia ang nararamdaman ni Axel.


Tumukhim ako at binalingan si Jai na natatingin lang sa dalawa kagaya ng halos lahat ng warriors.

Gusto ko ng ibahin ang usapan dahil alam kong hindi kumportable si si Lex sa nagaganap.

“Invited ka din Jai, kakasa ka?”


Tinignan ni Jai ang invitation at bahagyang nagbuntong hininga. “May natanggap nga akong invitation para sa concert at ball, pero ibang klase ng invitation”

“Ha? Invitation? Eh ako mismo ang nagsabi na ako ang mag-aabot sa yo ah” napapaisip na sabi ni Glaze.

“Ibang invitation di ba? Ano'ng klaseng invitation?” tanong ni Storm.

“May naghatid sakin ng invitation para daw maging singer for that night”

“Singer? Usual pag may ganiya ang singer lang ng GM academy ang nagpeperform o di kaya ay mag iinvite sila pero celebrity” tugon naman ni Travel.

“Sino ba naghatid sa yo niyan nang matanong ni kuya Glaze” si Flame nag peace sign sa kuya niya na nagbigay ng bakit-ako-??? Look.

“Frisco Hansen” mula sa magkakapatid ay muli akong napabaling kay Jai sa pangalang binanggit niya.

“Frisco Hansen?” tanong ko na simpleng tinanguhan niya lang.


“Isa nga siya sa may malaking shares sa GM academy”


“So kilala niyo nga siya?” tanong ni Jai elle kay Glaze na siyang nagsalita.

“Oo naman! Lalo na iyan oh” turo sakin ni Serenity kaya ako ang binalingan ni Jai elle.

Sumagot nalang ako tutal ay linaglag na ko ni Serenity. “Yup, nakilala ko siya dahil kay Kayla”


Napatango ng dahan dahan si Jai elle. “Kaybigan pala siya ni Kayla? Kaya siguro sila nandito nung isang gabi” mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko siya.

“Nandito siya? Bakit?” Nagtatakang tanong ni Charlly na inilingan ni Jai elle. “Ah hindi ko rin alam, basta inalok niya ko ng trabaho, inaaya niya kong iwan ‘tong bar, as if naman na iiwan ko si sir Dennis para sakaniya, e, hindi ko naman siya kilala”


“Jai elle!” tawag ko sa atensyon niya kaya muli siyang napabaling sa akin.

“Magkasama sila nung isang gabi?” Napatitig sakin si Jai elle sa tanong ko maya maya ay dahan dahan na umiling.

“Hindi ako sigurado, nakita ko lang siya habang kumakanta ko hindi kalayuan kay Frisco Hansen, pero hindi ko sila nakitang magkasama, napansin ko lang na nandito si Kayla kaya nang sinabi mo na dahil kay Kayla kaya mo siya nakilala ay naisip ko na magkasama sila nung gabing iyon, pero nakita kong unang lumabas si Kayla, yung napansin ko kasi siya ay paalis na siya at si Frisco Hansen ay kinausap pa ko” mahsbang paliwanag ni Jain elle,


Mukhang nabasa niya sa ekspresyon ko na hindi ko nagustuhan ang sinabi niya na magkasama ang dalawa.


Nung isang gabi?

Pero sa pagkakaalam ko non ay sabi ni Kayla may family dinner daw sila kaya busy siya nang gabing iyon… paano naman siya nakapunta dito kung ganon?

Nagkikita pa ba sila?

Bakit sakin nagsinungaling ai Kayla?

I should ask her tomorrow.


Napatingin ako kay Lex nang siya naman ang tumikhim at kinuwa ang invitation ni Jai. Mukhang siya naman ang mag iiba ng topic kagaya ng ginawa ko kanina.

“Wag mo ng tanggapin iyon, balita ko pati si Mak ay hindi performer for that night, guest kayo don di ba?” baling ni Lex kay Glaze.

Kaagad na tumango si Glaze. “Yup. Magpeperform lang ang warriors para magpakitang gilas at ipamalas ang dahilan kung bakit nanalo ang warriors then lahat tayo sa ball ay special guest nalang.” Naksngiting tugon ni Glaze.


“You should be there not as a singer but as our family member” dagdag naman ni Nathan.


“They’re right, you’re still our family, cause once a warriors, always a warriors” dagdag ko na nasa tono nung sinabi ni Liza as Cali sa My Ex and why ng ‘once a cheater always a cheater'


Natatawang tumango si Jai elle. “Glad naman ako don pero ano ba dapat ang isuot diyan? Wala akong alam sa party” kakamot kamot na sabi ni Jai elle.

Well ano pa nga ba ang aasahan natin kay Jai elle Jackson?

“Eh ano'ng ginagawa ng girls warriors?” Nakangiti kong cheerup at liningon sila Axel na ngumisi.

“Gusto ko sanang magprisinta but you know me” maarting inipit pa ni Charlly ang boses niya.


“Ako nalang ang bahala sa yo” sabi ni Reigh anne with wink. Ang dami nga naman sources ni Reigh sa mga damit dahil fashion industry ang pinapasok niya ngayon.


“Yon oh! Si Reigh may alam na, may natutunan na sa ama” tukso ni Soy.


“Syempre ako pa ba!” sabi ni Reigh anne sa tono ni Baeby Baste.


Napatingin ako kay Laura na naglapag don ng dalawa pang baso sa tapat ni Jai at Mak na may laman na Cocktail juice lang syempre.
Napansin kong ngumisi si Ryan at tumingin kay Sean na nagpipigil ng ngiti.

Mukhang nakahanap sila ng bagong bobolahin para mahanap ang kanilang Belle na makakapagpabalik sakania sa kanilang tunay na anyo.

Tumayo si Soy at tinaas ang baso niya nang umalis na si Laura. Sinenyasan ko silang tumayo na rin na agad naman nilang ginawa.

“Guys, ito ang huling gabi ni Lex dito sa pilipinas, medyo mahaba pa siguro ang panahon bago uli tayo magkita kita pero hihintayin ka namin” sabi ni Soy at tinapik sa balikat si Lex.

“Well hihintayin ko rin na dumating yung time na babalik ako sa pilipinas, at sa susunod na hindi ko kayo macontact magtsatsaga talaga ko na maghanap ng ways,” tinignan ako ni Lex. “If ever hahanapin ko si tito Ken sa contact ni Mr. Crane at kung hindi ko makita,” binalingan naman ni Lex si Jai. “Hahanapin ko ang email mo sa mga scholars ni Mr. Crane.


“Yon, di ka na maiisahan ni Manong escalator” asar ni Nathan.


“Naman!” mayabang na sabi ni Lex.

“Basta may bago tayong motto” sabi ko ng nakangiti. “Once a warriors… always a warriors” dagdag ko na sinabayan pa nilang lahat.

“Kaya kahit napakalayo mo pa, mananatili ka parin naming pamilya” baling ko kay Lex.


Mahinang sinapak niya ko sa balikat. “Ang corny mo” sabi niya ng may ngiti.


Ganiyan kaming warriors, kahit pa gaano kalayo at gaano katagal kayong hindi magkakasama, kung talagang mahal niyo ang isang tao kahit bilang best friend, lovers, at pamilya, kahit na magkaroon kayo ng hidwaan sa huli niyong pagkikita, mamahalin mo parin sya at papahalagahan, kahit na may magbago pa  nararamdaman niyo para sa isat isa ay hinding hindi mawawala ang importance niya sa yo.

Hindi ako excited na umalis si Lex pero excited na kong maabot niya ang bago niyang pangarap, na maging successful siya, malayo man sa amin pero ang nais ko lang para sa amin lahat ay maging successful kami sa mga buhay namin…

At ang mahanap ang girlfriend niyang si Maggie at ang magiging trabaho niya kay Mr. Crane ay ang alam kong makakapagpasaya ngayon kay Lex.


Pinagsangga sangga namin ang mga baso namin tsaka uminom.


Maghihintay nalang ako sa pagbabalik ng mga kaybigan kong kakaylanganin ng lumabas ng bansa.









Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon