Reason 21 The deal.

100 7 0
                                    

Ello!!! Mukhang mabubusy ako this week at sa susunod pa dahil gagawin ko na po ang isa pa naming story ng twin sis ko na si Ate Cath or MsAngelFierce na sa account nya ko gagawin,

Bark up the wrong tree po ang title! Support nyo po! Salamat!!!!

Reason 21 The deal.

Nailibot ng hindi makapaniwala ni Kiel ang paningin nya sa palikid habang linuluwangan nya ang susi ng sasakyan.

"Ang akala ko ba hindi ka poor?" Asar nya dito sa kabila ng labis na pagkahilo nya.
Simangot ang mukha na liningon sya ng dalaga.

"Huwaw huh! Umasa ka talaga ee kitang pinagpanggap pa kita na driver ko."

"At partida pa yon dahil inangkin mo rin ang sasakyan ko."

Iningusan nya si Kiel. "Edi ikaw na ang mayaman, kabata bata may kotse, hindi naman iligal yan?" May pagdududa nitong sabi habang naniningkit na nakatingin kay Kiel.

"Wow! Nakarating na tayo sa bahay mo, don mo lang naisip yan?"

Napasimangot sya dahil tama nga naman ito. "At tsaka students license ang meron ako noh! Ikaw pa nga ang pahamak sa akin dahil sa hindi ka naka seatbelt kanina." Sabi pa ni Kiel nang maalala nya ang posisyon ng dalaga na nakasandal sa pinto imbes na sa backrest.

Pinagtalunan pa nila yon kanina nang mapansin yon ni Kiel.
Eh hindi naman kasi sanay ang dalaga sa kotse dahil hindi naman sya sumasakay don or let's say na wala sya non.

"Ikaw kaya, kanina ka pa stop over ng stop over sa daan, paano kung nahuli tayo?" Simangot na dipensa nya.
Kanina pa kasi sa byahe ay napapansin na nya na hinto hinto sila, hindi lang nito matanong dahil baka mamaya ay isipin niya ee nakikisakay na nga lang, sya ay nagrereklamo pa.

Biglang nawala ang simangot nya ng may maalala sya na kaylangan nyang sabihin. "Salamat ah!" Nakangiting sabi ng dalaga. Mula kanina na magkasama sila at nagkekwentuhan sa daan ay hindi pa sya nakakapag pasalamat dito.

"Don't mentioned it." Nakangiti nyang tugon.

"Tara sa loob." Aya nya ng alisin nya ang seatbelt nya na kinabit nya kanina nang sitahin sya ni Kiel.

"Naku wag na." Tanggi ni Kiel ng may hands gesture pa.
"Baka mamaya eh magalit pa yong boyfriend o tatay, kuya o lolo mo pag nakita ako." Dahilan nya kahit na ang totoo ay tinatamad lang itong tumayo dahil sa pagkahilo nya.

"Sira ka ba? Lola't lolo ko lang nandito dahil malamang tulog na ngayon sila sa loob ng bahay dahil sa tahimik yong buong bahay," sabi nya at nagkibit balikat. "Wala akong kuya dahil panganay ...at wala akong boyfriend! Nbsb kaya ako!" May pagmamalaki nyang kwento.

"No boyfriend since bird? Grabe ka naman?"

Tumawa ang dalaga dahil inaasahan nya na ang sasabihin ni Kiel. "Tingin mo sa akin? Manang?" Natatawa nyang tanggi.

"Sabi mo!"

"Iba na kaya ngayon! Nauso yong Valentine day."

Kumunot lang noo nya dahil hindi maintindihan ni Kiel ang dalaga. Bakit kasi ang tipid magsalita ng mga babae? Ayaw lagyan ng linaw lahat?

Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon