Epilogue

225 9 2
                                    


Epilogue

Kiel's pov

Dahan dahan na napamulat ako dahil sa init ng liwanag na tumama sa mukha ko. Bumungad sa paningin ko si Dee na siyang nagbukas ng kortina sa malaking bintana na halos katapat ng kama ko.

Liningon niya ko na ko nang mukhang maramdaman niya ang paggalaw ko sa kama.

Pinameywangan niya ko. “Ow, your awake. Get up and get ready for our appointment to your doctor”

Tinatamad na umupo ako. “I'm still sleepy” reklamo ko.

Lalabas na sana siya sa kwarto pero muli siyang napaharap sakin.

“Kiel! Its already 5 years, its all your routine every middle of month and you still wont?”

Kumamot ako sa may batok at nagtaas ng dalawang kamay. “Okay! Surrender! Surrender!” Sabi ko at bumaba na sa kama ko. Nagtuloy na rin siya sa paglabas.

Nang tuluyan na kong tumayo ay pinakiramdaman ko pa ang paa ko. Wala na kong nararamdaman na sakit, hindi siya manhid pero normal na lang din ang pakiramdam nito.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na malaya ko ng nagagawa kahit papaano ang gusto ko, na naigagalaw ko na rin ang kamay ko o braso ng hindi nangangalay o masakit.

And after 5years ngayon ko na malalaman kung puwede na kong umalis at bumalik sa pilipinas, kung fully recovered na ko. Excited na kong makabalik sa pilipinas, makasama ang mga taong naiwanan ko don at ang pamilya ko.

Naging dahan dahan ang pagkarecover ko, unti unti ay na taas ko na ang kamay ko at nagalaw iyon, hanggang sa nakatayo ako at nakahakbang, nakalakad at ngayon ay puwede na kong tumakbo at sumayaw.

Umpisa pa lang ay ginusto ko ng umuwi sa pilipinas sila mommy, alam ko kasing nasa pilipinas na ang buhay nila Cass at Cam, nasa pilipinas na rin ang business namin, pero hindi ko sila napapayag hanggang hindi ako nakakatayo, nang mag improve na ay muli akong makatayo ay muli ko silang kinumbinsi na kaya ko na at bandang huli ay napapayag ko rin sila. That was 4 years ago.

Since that year ay si Dee na ang tumutulong sakin bukod sa personal nurse kong si Jeffrey.

Kasama ko sa bahay si lola at lolo kaya naman kasama ko ndin sa bahay si Dee.

Napangiti ako. Sana positive yung kinalabasan ng therapy. Gustong gusto ko ng umuwi. Sa ngayon ang pamilya ko muna ang gusto kong balikan. Hindi ko sigurado kung sino ang naghihintay sakin, kung hinihintay ba ko ng warriors?

Maayos na ang warriors ng wala ako, napapanood ko sila sa YouTube. Yung iba upload sa channel ng warriors na ginagamit namin mula noon pero yung iba ang nag uupload ay mga fan. Sikat na ang warriors bilang isang dancers group sa pilipinas at naipang laban na rin sila hanggang sa ibang bansa, napanalo pa nga nila iyon, e.

Proud ako sa kanila, at masaya kong minsan akong naging parte nila.

Si Jai Elle? Hindi ko din alam. Ang tanging alam ko lang ay wala kaming binitawan na pangako sa isat isa. Ang pinangako ko sa kaniya ay tungkol sa paggaling ko, at ang pinangako niya ay maging masaya ng wala ako.

Sa loob ng limang taon ay maraming nangyari. Nakakulong na si Frisco sa mga salang Attempted murder at rape, nagpapasalamat na lang din ako at ngayon ay nabigyan na ng hustisya ang mga kaybigan kong kaylangan ng hustisya.

Masyadong mahaba ang lumipas na panahon, 5years? Alin ba ang puwedeng hindi magbago? Hindi ko alam, but one thing for sure, na sa ngayon hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman ko.

Nag ayos na ko at naghanda para sa check up ko. Dinadasal ko parin na sana ay tapos na ang limang taon na paghihintay.

Bumangon na ko sa hospital bed. Kakatapos ko lang idaan sa xtray at sa iba pang machine na ginagamit buwan buwan para sa checkup ko.

Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon