Okay mga kabayan this is it. Ang promise hindi papakoin. Thanks for reading in advance.
Chapter 34 4th round. The worst round.
Kiel's Pov
Napaigik ako nang hinampas ako ni Danny sa sobrang irita niya sa 'kin. Kanina ko pa kasi siya kinukumbinsi na kausapin niya na si Serenity. Magmula kasi nang mag-away sila sa studio ay hindi sila nag-uusap. Hindi naman sobrang isnaban, hindi nila iniiwasan na magkita at magkatinginan 'yon na lang hindi sila nag-uusap.
I cross my arm over my chest. "Danny wag ka na kasing pabebe, kausapin mo na siya't mag-ayos kayo." Sabi ko pa na parang hindi nasindak sa lakas ng hampas niya sa 'kin kanina.
Pinaningkitan niya ko ng mata. "Kiel, hindi kagaya ng relasyon niyo ni Kayla ang namamagitan sa 'min ni Serenity. Kung kayo ni Kayla meron ng higit na dahilan para magkalapit at magkita, kami ni Serenity wala na." Pagmamatigas na sabi niya.
Umiling-iling ako na parang disappointed pero hindi talaga. Naiintindihan ko naman siya. Serenity gives him some motive that make him think that she would like Nathan but in the end, nakipagdate na pala ito sa iba ng hindi nalalaman ni Nathan.
Hindi ako nagagalit kay Serenity cause I I've know what she's going through, she's engaged with Giro, and not everyone's lucky to make their own choice because sometimes the choice made you, and sadly Serenity is one of the million person who can'thave what they really want to have.
"Kaming Warriors." Linagay ko pa ang palad ko sa may dibdib ko. "Hindi ba kami sapat na maging dahilan para magkaayos kayo? Sige ka baka pagsisisihan mo 'yan. Wag mong paabutin sa punto na pati friendship niyo mawala. Pamilya tayo bago may mamuong pagtiringinan sa inyong dalawa at sana pangalagaan niyo 'yon kahit na may maiba na sa relasyon na minsang namagitan sa inyo."
Tinignan niya lang ako at maya-maya ay tumungo. Malamang naiintindihan niya ang payo ko. Alam na ni Danny ang tungkol sa relasyon namin ni Kaye, good thing nakuwa niya parin na maging masaya kahit na halos kasabay non ay ang pagkabasted niya. Sabay kaming nagkagusto kay Kayla at kay Serenity at sabay din natapos ang panliligaw namin sa magkaibang dahilan.
Well para hindi naman nagbago ang kung ano'ng meron sa 'min ni Kaye dahil hanggang ngayon kaylangan ko parin makipaglaban sa iba. Mas gusto ko pa nga yung meron si Danny at Serenity, masakit pero may closure, pero atleast I still my chance to make her fall in love with me. Sana lang magtagumpay ako.
Tinap ko siya sa balikat. "Danny, hahayaan na muna kita pero sana wag makaapekto ang sitwasyon niyo sa laban ng Warriors. May performance pa naman tayo mamaya." Sabi ko at tinuro ang stage na inaayos na gg coordinators.
Yes this now is Saturday and this the round four. Kinakabahan na nga ako ee normal na ata 'yon sa lahat ng sasabak sa laban, ang pinagtatakahan ko ay bakit feeling ko may hindi maganda... parang may doubt sa 'kin na hindi ko maintindihan. Kanina ko pa ito nararamdaman. Tinext ko na si Kaye umaasa na maayos lang siya, baka kasi may hindi magandang nangyari pero okay lang naman daw siya.
Wala siya ngayon dito dahil may kaylangan daw silang puntahan ng parents niya. Sinabi niya naman sa 'kin 'yon nung isang linggo pa kaya hindi ko na inaasahan na makakarating siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/18854175-288-k666216.jpg)
BINABASA MO ANG
Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing)
RomanceLahat na yata ng hinahanap ng babae sa isang lalaki ay na kay Kiel Alvarez na. Matalino, gentleman, may pangarap, mabait, guwapo, masayang kasama, at higit sa lahat ay loyal sa babaeng iniibig niya. Unfortunately, ang kaisa-isang babaeng iniibig ni...