Reason 4 same stupidity

191 7 0
                                    

Reason 4 same stupidity

Kiel's POV

Nahahapong napaupo ako sa isang couch dito sa may private na parts ng sweet trucks. Halos isang oras ko na na hinahanap si Kayla pero hanggan ngayon kahit anino nya ay hindi ko nakikita.

Lumingon ako sa isang dance floor don kung saan private dance floor din ang nandon. Well hindi naman mawawala ang ingay don, pero hindi pangsexy dance ang floor na'yon.

Muli ko na lang ibinalik ang atensyon sa cellphone ko at tinext si Danny.

'Hoy si Kayla? Bumalik ba?' Send.

N

Hindi naman sa gusto kong bumalik don kung nandon si Kayla, pero gusto ko lang malaman kung babalik pa ba sya after that moment.

Napalingon ako sa may private floor ng may magsigawan don.

May mga pinaggigitnaan sila na dalawang nagsasayaw na isang babae at matandang babae.

Napangiti naman ako nang makita ko ang bakas na pagkasaya sa matandang babae na sinasayaw ng isang magandang babae.

Lumingon sya sa gawi ko habang magkahawak ang kamay nila ng matanda. Hindi nawala ang ngiti nya sa labi nya na mukhang ang dahilan ay ang matandang kasayaw nya ngumiti lang ako at tumayo, akmang lalapit ako dahil sa nakakaaliw ang matandang mukhang masaya sa pagsasayaw niya nang biglang magring yong phone ko

Sinagot ko yon ng makita ko na si Nathan.

"Man, asan ka?" Paunang bati nya sa akin na kinakunot ng noo ko.

"Nasa loob pa ng bar." Sagot ko. "Bakit?" Rugtong tanong ko.

"Lumabas ka na dyan. I need you here. See me on the parking lot." Pagkasabi nya non ay binaba na nya.

Binalik ko ang tingin ko sa may floor at nakita ko na pinaikot nya ang matanda ng hindi nagbibitaw ang kamay nila.

Naghintay ako ng ilang saglit at hinintay na lumingon sya sa akin, pero nang hindi mangyari yon ay lumabas na ako sa bar at pinuntahan sa parking lot si Danny.

Nakasandal sya sa bunganga ng kotse nya habang nakayuko. "Danny!" Tawag ko sa kanya na ikinaangat ng ulo nya.

Lakad takbo na lumapit ako sa kanya. "Anong problem?"

Iginalaw nya lang ang ulo nya pakaliwa senyales ng nasalikod nya.

Kunot noo na nagpunta ako sa tapat ng pinto ng kotse nya at guest who kung sino ang nakita ko!

Si Serenity na busy na busy sa pagtulog.

"Anong problem dyan?" Takang tanong ko.

"Kiel!" Sabi nya at bumaba don. "Mahahadid ko ba yan sa kanila? Baka mamaya magalit sa akin daddy nya."

"Eh diba nasa ibang bansa?"

"Oo, pero kasi nakatira daw sya ngayon sa bahay nila Maggie. Ewan ko ba kung bakit ngayon pa nya naisipan magpakalasing." Sabi nya ng nakahawak sa may batok nya.

Tumango tango ako at humawak sa may pisngi ng nakapatong ang kabila kong kamay sa braso ko.

Si Maggie ay ang pinsan ni Serenity na anak ng may ari ng tinitirhan nila. Taga Miami kasi talaga si Serenity kaya wala silang bahay dito sa pilipinas, sinubukan lang ni Serenity ang mabuhay dito sa pilipinas bilang dancer.

"Eh saan mo naman yan dadalhin kung hindi mo iuuwi yan? Wala ka ng choice." Sabi ko at pinalo sya sa braso nya.

"May problema ata sila ng daddy nya."

Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon