Hello. Ako ay sinisipag dahil hindi na ko makatulog na hindi sinusulat ang scene na ito na nung isang linggo ko pa planado. Enjoy ☺💙💙💙
Chapter 51 The one you love
Kayla's pov
Liningon ko si Kiel nang maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko. Ang akala ko hindi na siya darating.
Nandito ako ngayon sa rooftop kung saan namin routine na magkita tuwing umaga ni Kiel bago pumasok sa room namin.
At eto na nga siya, nandito na siya na kanina ko pa hinihintay.
Naramdaman ko ang pagkulong niya sakin sa mga pisig niya mula sa likuran ko at ipinatong nya ang baba niya sa balikat ko.
Dahan dahan akong huminga ng malalim. Parang may kakaiba sa nararamdaman ko ngayon para kay Kiel at Frisco, hindi ko maintidihan, masaya ko kay Kiel at naniniwala akong mahal ko siya ngunit at higit sa lahat ay alam ko na mas makabubuti siya sa akin, ngunit bakit hindi ko madama ang kung anong kumakalabog sa dibdib ko kapag kasama ko si Frisco?
Netong mga nakaraang araw, hindi ako nakapaspend ng time ko para kay Kiel dahil si Frisco ang kasama ko, naging material boyfriend sakin si Frisco hindi kagaya ng datin ngunit syempre patago lang, dahil hindi naman nagbago lahat ng plano niya, gusto niya parin ituloy ang binabalak niya na alam kong hindi ko mapipigilan…
“Good morning” bati niya nang humiwalay na siya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at sinundan siya ng tingin ng kagaya ko ay pumwesto rin siya paharap ng pasimano kung saan makikita mo lang ay ang nakakalula pero magandang tanawin.
“Bakit late ka atang dumating?” bigla kong naitanong nang marealize kong kanina pa ako naghihintay sa kaniya.
“Well, napasarap ang kuwentuhan kay Lex, mamimiss ko talaga yon, malapit na hindi nanaman kami magkikita” sabi niya habang nakatanaw sa malayo.
Oo nga pala, nandito si Lex ngayon sa bansa, akala ko hindi na siya babalik sa Italy?
Si Lex, tumutuloy siya ngayon sa bahay nila Kiel, sandali lang naman daw kasi si Lex sa bansa at may problema ito sa pamilya niya kaya naman mas pinili nalang nila na don si lex mamalagi habang nasa pilipinas pa ito, isa pa si tito ken din naman ang nag-invite kay Lex na manood sa finsl round.
“Aalis na ba siya? Kelan daw?”
“Mamayang gabi, ihahatid namin siya, sama ka? Buo ang warriors mamaya paghinatid namin si Lex”
Napaiwas ako ng tingin at umiling. Gustohin ko man ay hindi ko nais na makaharap ang taong ginagawan ko ng kasalanan. Hindi ganon kadali iyon, lalo na kung may tiwala sila sa yo…
Ngayon ngang kay Kiel hirap na hirap na ko, sa warriors pa? Lalo na kung kumpleto sila na naaargabyado namin.
“Hindi na Kiel, may kaylangan pa kasi akong asikasuhin, ginagawa ko na kasi anbg thesis ko kaya mahirap ng gumala” pagdadahilan ko nalang na kaagad niya namang tinanguhan.
“Kiel, may itatanong pala ko sa ‘yo” sabi ko na muli siyang binalingan matapos ng ilang sandaling katahimikan.
Binalingan niya rin ako habang nakataas ang kilay na nagtatanong. Huminga muna ko ng malalim, nais kong malaman ang bagay bagay, sana lang at magsabi siya ng totoo.
“Sino si … Bianca?”
Mula sa akin ay napatingin siya sa ibaba pero nanatiling nakabaling sa akin ang ulo mukha niya at medyo nawalan din ng ekspresyon ang mukha niya. Muli niya sa akin binalik ang mata niya matapos lumipas ang katahimikan tsaka nagsalita.
“She just my ex, bakit?”
Just his ex?
“Saan mo narinig ang pangalan niya?”
Umiling ako at bahagyang tumukhim para panormalin ang boses ko. “May nagsabi lang sa akin na may dati ka daw girlfriend, si Bianca, hindi mo siya kahit kaylan nabanggit sa akin kaya naman nagtaka ako.” Pagsisinungaling ko.
Nais ko lang malaman kung talagang konektado si Kiel sa step sister ni Frisco na si Bianca. Sa katunayan ay hinihiling ko na sana itanggi niya na kilala niya si Bianca, na sana nagkakamali lang si Frisco ng sinisisi dahil kung oo man ay gagawan ko ng paraan para makita ang totoong nais pagbayarin ni Frisco ng nangyari sa kapatid niya ngunit hindi,
Dahil sa halip na itanggi ay sinabi nga niyang totoong mag ex silang dalawa, kung kayat alam ko na ngayon na hindi nagkakamali lang si Frisco.
“Ahh, ganon ba” tanging nasabi niya sa paliwanag ko.
“Bat kayo nagbreak?”
“Kayla-“
“I just want to know! Hindi mo na ba siya mahal non kaya dinump mo siya? Bakit?” Alam ko mukha na akong dispereda na hindi maintindihan, bakit aalamin ng girlfriend ang tungkol sa ex girlfriend ng boyfriend niya di ba?
Pero alam kong walang clue si Kiel kung bakit nga ba nais kong malaman, but I know what really is my intention.
“Nasakal ako sa kaniya,” sagot niya matapos nag buntong hininga na mukhang napipilitan lang na sumagot. “Ayaw niya sa warriors, ayaw niya sa pangarap ko, ayaw niya kong suportahan. She want me to stop what I have started, she want me to choose between her and warriors but I didn’t choose her, since from the start she didn’t want me to continue what am I doing, I was just started a warriors things just to give Nathan a gift, alam kong nais niyang gumawa ng isang grupo but he couldn’t because of his family,” nakatingin lang siya sa malayo habang nagkekwento.
Kung hindi ako nagkamali ay ngayon ko lang narinig ang kwinekwento ngayon ni Kiel, hindi ko alam kung ano talaga ang journey ng warriors, nang kasi muli kaming magkita ni Kiel ay may warriors na at napapanood ko na sila non, kaya naman hindi ko na saysayan ang kung paano nabuo ang warriors.
“I really want to dance but being leader of some group, its just by choice dahil hindi puwede si Nathan na maging leader dahil hindi gusto ng pamilya niya, Nathan is my best friend and warriors is my family, at first hindi sila ganoon kaimportante, it just that, I’m reaching my dream and helping Nathan to prove his self to his family, na kaya niyang gumawa ng iba sa sarili niyang mga paa, pero nang makabond ko sila for the first time” liningon niya ako.
“I saw they’re importance, naging kaybigan ko sila, matalik na kaybigan hanggang sa nakumpirma na sa buong school ang pagiging warriors, that time ay pinapili niya ko kung ano ang mas mahalaga, kung siya o ang warriors, that time ay sumama ang loob ko sa kaniya. I’d said a lot about my happiness, magkasama kami noon palagi, ikinekwento ko sa kaniya ang katuwaan namin nang una kong nakilala sila Axel, kung paano na love at first sight si Danny kay Serenity” he laugh bitterly na para bang nakokornihan siya sa best friend niya.
“Nandoon siya nung naging masaya ko sa warriors, wala akong tinago sa kaniya kahit alam kong hindi niya gusto ang punto na buo na ang warriors, akala ko pag nakita niya kong masaya sa ginagawa ko ay magiging masaya na din siya, pero hindi, sa halip ay pinapili niya ko,” muli siyang napabuntong hininga na para bang naninikip ang dibdib niya sa pagkukwento niya.
“Pinapili niya parin ako at hindi inanintala na naging masaya ko sa kanila, that time narealize ko na nasasakal na ko sa kaniya kung kayat hindi ko siya pinili at hindi na nakipagkita sa kaniya,iniwasan ko na siya. Madalas niya parin akong kinukulit na maki pag balikan sa kaniya at nangako na magiging mabait na siya sa warriors ngunit hindi ko tinanggap, I realized baka kaylanganin ko talagang mamili between her and warriors kung ipagpapatuloy ko ang relasyon namin dahil iyon ang nais ng parents niya, and I can’t abandoned warriors just for her kahit na mahal ko pa siya”
Malungkot niyang kwento.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Kaya pala galit siya sa warriors, kaya pala sinisisi niya ang warriors sa breakup nila ni Kiel, dahil mas pinili ni Kiel ang warriors kaysa sa kaniya, kaya iniisip niyang kung walang warriors ay hindi rin sila maghihiwalay.
“Kung ganon kung papipiliin kita, warriors din ang pipiliin mo kaysa sa akin?” Wala sa sarili kong tanong tsaka ko lang binalingan si Kiel.
Napansin kong natigilan siya, napatitig siya sa akin gamit ang mga mata na mababasahan mo ng imosyon na hindi maitatanggi na masakit.
Kaagad kong pinagsisihan ang mga sinabi ko. Ano ba ‘to? Disappointed na nga siya kay Bianca tutulad pa ba ko?
“But you will not, right?” Tanong niya na nasa tono ng pakikiusap.
Tahimik na tumango lang ako at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.
Naguguilty ako. Pakiramdam ko wala akong pagkakaiba kay Bianca, ang mas masama ay mas malala pa ako sa kaniya…
Si Bianca ay pinapapili lamang siya ngunit ako? Naging accessories ako ni Frisco para sirain sila, ako ang nagsabi kay Frisco kung saan nagtatrabaho ang pamilya ng warriors, upang yon ang pakialam niya at masabutahe ang mga warriors.
I’m sorry… Kiel.
“Kayla?”
“Hmmm?” tanging sagot ko sa pagtawag niya ng pangalan ko.
“Ako naman sana ang magtatanong sa yo”
“Ano yon?”
“Nasaan ka nung isang gabi?”
Kumunot ang noo ko. Bat naman niya naitanong?
“Di ba sabi ko sa yo may dinner sa bahay? Edi nasa bahay lang ako” sabi ko sa mababang tono. Ayokong mapansin niya na hindi ako nagsasabi ng totoo.
Nung isang gabi ay kasama ko si Frisco at syempre hindi ko maring sabihin iyon.
“Nagkikita pa kayo ni Frisco?” bigla niya pang tanong.
Pinigilan ko ang aking ulo na alisin sa balikat niya upang hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha ko.
“Hindi na” muli kong pagsisinungaling.
Napapikit na lang ako nang maramdaman koang pag buntong hininga niya.
Bakit Kiel?
Nagdududa ka na ba?
Jai elle's pov
Pinaningkitan ko si Ryan na siyang kumuwa ng baso at nag abot sa customer ko non at linagyan na rin ng alak na siyang hiningi nitong alak. Binalingan ko naman si Sean na kasalukuyan na nakikipag usap sa isang customer na dapat din ngayon ay customer ko at sya ang nag aabot ng kung ano ang gusto nitong inumin.
Mabuti na lang at imbes na mairita ay feel na feel pa ng mga customers ang pagsisilbi ng dalawa bilang bartender, abah, libreng titig na rin sa mga naggagwapuhang nilalang sa mundo noh. Nung una ay nagtanong pa si sir Alfred na siyang nagsisilbing manager ngayong gabi kung bakit daw dalawang regular na customers niya ang nagbabartender ngunit silang tatlo na ang nag usap usap kaya hinayaan na sila ni sir Alfred.
Napapagot na naigulo ko ang buhok ko. Maaga akong makakalbo sa dalawang ito kung magpapatuloy ang eksenang ito.
Kanina kasi pagkahatid kaalis ng eroplano na sinakyan ni Lex ay nagprisinta na silang sumama samin ni Mak dito sa bar kaya nagsisamahan na rin ang ilan sa warriors na hindi naman busy.
Dumaan ako kanina sa airport dahil malapit lang naman dito sa D'A yon, ito ang unang Restaurant bar na makikita pagkagaling pa lang ng airport, dalawang sakayan lang naman ang layo mula sa bahay. Well, hindi naman kasi ako ganun kahirap para pamasahe lang ay walang mapang abono, sadiyang ako lang ang kumakayod dahil matanda na ang dating bumubuhay sa kin na ang lolo at lola ko.
“Mak, ano dito yung hinihingi niya? Ano ang pagkakaiba nila?” mukhang nagpapasimpleng tanong ni Ryan na parang iniiwasan na marinig ko. Mabilis na sumagot ito at agad na binalingan ang isang customer.
Inipon ko ng hangin ang bibig ko at tinawag si Blake at Ga na bartender din ngayon naka toka.
“Kayo na muna ang bahala dito, babalik ako at may kakausapin lang” may ngisi sa mga labi na dinaluhan kami ng dalawa kong tinawag.
Kinuwa ko ang hawak ni Sean na bote at basta binigay kay Blake at hinila na sila palabas ng counter, nagtungo kami sa isang sulok kung saan hindi ganoon karami ang tao.
“Sabihin niyo nga, ano ba ang pakay niyo?” tanong ko ng nakacrossarm. Nagkatinginan sila at tinignan lang ako.
Bago pa lumipas ang matagal na minuto ay kumibo na ko. Ayoko ‘tong patagalin dahil may trabaho pa kong naiwanan. “Si Ella ba tsaka si Marie?” point out ko.
Bumuntong hininga si Sean tsaka nagsalita. “Nakausap namin si Laura, ayaw niya samin ipaalam dahil hindi daw magugustuhan ng dalawa”
“Oh? Alam niyo na pala, e, bat ang kulit nyo pa rin?” Malumanay lang ang boses ko at walang halong pagkapikon.
Naiintindihan ko naman kasi kung ayaw nilang sumuko ng hindi nakikita ang dalawa, ang kaya lang maging ako ay alam ko ayaw na nung dalawa na magpakita, to private daw kasi ng bago nilang trabaho.
“Jai, gusto lang naman namin silang makita pa kahit hindi na dito sa club, may masama ba doon? Bakit kasi ayaw na nilang magpakita?” malungkot na kumento ni Ryan.
Magaang ang mga mata na napapikit ako. Gusto ko silang tulungan pero hindi ako sigurado.
“Ganto na lang, mamaya magbebreak ako bago ko matoka sa pagiging singer for this night, tatawagan ko sila at kukumbinsihin kong makipagkita or sabihin kung saan sila nagtatrabaho” sabi kona dahilan ng pagsilay ng pagtataka sa ekspresyon nila. Si Sean na ang nagsalita.
“Nakakausap mo pa sila?”
Tumango ako. “Oo naman, nangangamusta ko sa kanila paminsan minsan,” nagkibit ako ng balikat ko at kumapa sa bulsa ko. Napasimangot ako nang maalala kong iniwan nga pala namin lahat ng laman ng bulsa namin sa opisina ni sir Dennis, para sure na walang kukupit.
Tinignan ko uli sila at humalukipkip. “Paloadan niyo muna ko,promise babayaran ko kaya mamaya pagkaoff ko at kung hindi niyo mahihintay, idadaan ko na lang sa studio, okay? Kaylangan ko ng pantawag.” Agad nag approved sign sila at sinabing libre na nila dahil sila naman daw ang may kaylangan.
Napapailing na hinila ko sila pabalik. “Teka, may kaylangan lang akong itanong”
Nagtatanong ang mga mata na tininignan nila ko.
“Seryoso ba kayo na gusto niyo sila? I mean, ang bilis lang ng mga pagkakataon nag kakasama kayo pero determine kayo na makita sila sa halip na mag hanap na lang ng iba?”
Gumuhit ang labi ni Sean na siyang unang sumagot. “I don’t know, kahit ako ay nagtataka, we just met in crazy way and saw each other in unsurely time, but I’m just fell for I don’tknow reason, in mysterious ways ika nga ni Ed Sheeran.” Liningon pa niya si Ryan na parang tinatanong kung sang ayon ba ito.
Nakangiting tumango si Ryan. “Weird but we can’t explain why? Why we wouldn’t find another but just with her is all we want. Back to that time ay nakakapagtaka nga na nahulog na lang ako bigla, but ika nga di ba? The club isn’t a best place to find a lover but we did in a mysterious way” dagdag niya sa sinabi ni Ryan at kumindat.
Napangiti na lang ako at hinayaan na silang umalis para maghanap ng loadan. Sino nga ba ang taong hindi gaganahan na tulungan sila sa paghahanap sa mga taong hinahanap nila di ba? Kung lahat ng tao ay ganiyan kadeterminado pagdating sa pagmamahal ay lahat na ng tao ay nanisin ng umibig…
Yon nga lang kahit gaano pa katotoo ang pag ibig ay hindi parin lahat ay swineswerte sa pag ibig.
****
Nakngiti na binaba ko na ang cellphone ko. Nagbreak na ko kaya tinawagan ko na sila Marie, mabuti na lang at kaagad na nilang sinagot. Nung una ay ayaw pa nilang pumayag na magpakita na ngunit nang sabihin ko sa kanila ang huli naming napag usapan ay mukhang natunaw din ang matigas na pader na itinayo nila sa paggitan nila sa dalawang lalaki. Kaya bandang huli ay pumayag na din sila na makipag kita sa jollibee.
Siguradong sasaya ang dalawa pag binalita ko iyon. Papasok na sana ko para hanapin ang dalawa at balitaan ngunit may isang lalaki ang umagaw ng atensyon ko na nakaupo sa may pool at nakatingin lang sa asul na tubig.
Nakalagay ang dalawa kong kamay sa likod ko at linapitan ito.
“Kiel?”
Mula sa pool ay nag angat siya ng tingin sa akin at pilit na ngumiti. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi niyq naman kaylangan magpanggap.
Naupo ako sa tabi niya pero sa may dulo ng mahabang upuan.
“Problem?”
“Naranasan mo na ba yung one sided love?” Mabilis niyang tanong.
Napatitig ako sa kaniya ngunit hindi nagtagal ay nagbawi din ako ng tingin.
“Kung oo, bakit?”
Gusto ko sanang sabihin na mula nang mainlove ako sa kaniya ay nakaramdam na ko na maging one sided love, pero hindi ko naman alam kung paano sasabihin sa kaniya ang totoo.
Madali lang naman kasi na sabihin na'kung ako aaminin ko na yan' pero kung sino man ang totoong napunta na sa kalagayan ko ay masasabing hindi madali.
“Kung? So is that no? Si sir Dennis? Joke lang ba yon?”
Tumawa naman ako ng walang laman. “Sira ka ba? Crush ko sya kasi gwapo na mabait pa, pero hanggang doon na lang iyon noh. Isa pamay long time girlfriend iyon,tanong mo pa kay Charlly, pinsan niya kaya gf non”
Napatango naman siya at sumapo sa batok niya.
Tinapik ko siya sa braso. “Bakit? Problema nanaman yan? Kay Kayla ba?”
Nagkibit siya ng balikat niya. “Hindi ko rin alam. Kanina nagkausap kami ni Kayla, feeling ko ang selfish ko” sabi niya sa mababang tono at kwinento ang napag usapan nila ni Kayla tungkol sa ex girlfriend niya.
“Yung tinanong niya ko kung what if papiliin niya ko, feeling ko ang selfish ng dahilan ko kung bakit ako nakipag break kay Bianca, feeling ko naisampal iyon sa akin dahil sa tanong ni Kayla” basa ang ibat ibang imosyon sa mga mata niya habang nakatungo siya. Hinawakan ko siya sa kamay niyang naka masalikob sa harpan niya at linalaro iyon.
“Hindi ka perfect, nagkakamali ka rin at nakakasakit. Isa pa hindi ka naman nqging selfish lang that time, ginawa mo iyon para sa kaybigan mo at para sa warriors. Naging selfish ka pagdating sa relasyon niyo pero siya din naman ah, nang hindi niya intindihin na pangarap mo ang tinutupad mo”
Binalingan niya ko. Nagbigay ako ng maliit na ngiti. “Ganto na lang, pinagsisohan mo ba na hanggqng ngayon ay warriors ka?” Sandaling nag isip siya at hindi nagtagal ay ngumiti siya sa kin tsaka sumagot.
“Hindi. Hinding hindi”
“Oh, e, ganon naman pala, e, yung tungkol sa nangyari nung isang gabi, wag mo ng intindihin iyon dahil baka nagkamali lang ako at hindi pala siya ang nakita ko at nagsasabi pala siya sa yo ng totoo.”
Muling sumilay ang maaliwalas na ngiti ni Kiel.
Yung ilan siguro iniisip na ang plastik ko dahil sa kabila ng nararamdaman ko ay nagagawa ko pa siyang icheerup pagdating kay Kayla, pero hindi.
Paano ko ba magagawang tiisin na makitang nalulungkot si Kiel?
Siguro ganiyan tayong nagmamahal, wala man tayong malalim na relasyon sa iniibig natin ay mamahalin natin sila at papasayahin sa kahit na anong paraaan,
Dahil ang totoong nagmamahal ay magagawang maging masaya para sa iniibig mo kahit na nasasaktan ka pa.
Binaling ko sa kabila ang ulo ko at pasimpleng pinunasan ang mga mata kong nag iinit.
“Alam mo, never ka pang nagrequest sakin ng kanta except sa Rainbow ng Sound border, request ka naman” panunukso ko.
Lalong lumawak ang ngiti niya at napaisip. “Meron akong gusto, yung narining kitang kinanta yon ay hindi ko na siya narinig uli sa yo”
Sabi niya kwinento yung time na nagham ako ng The one you love yung may sakit siya kaya siya nakatulog. Tumayo ako at yinuko siya.
“Halika, kakantahan kita.”
Kiel's pov
“We’re all looking, That’s what she said, For someone to share our thoughts, For someone to share our beds.
But if you find someone that doesn’t try to change you, If you find someone that doesn’t have to blame you, If you find someone you don’t need to explain to, You’ve found the one you love.”
Nakangiting nakatingin lang ako kay Jai elle habang kumakanta siya at naggigitara. Inaamin ko, gumaan ang loob ko sa usapan namin kanina ni Jai elle, she never failed to cheering me up.
“We’re all searching, Thats all I know, For someone to keep us warm,When the rain soaks through our clothes.
But if you find a hand to hold when the night comes, To be there when you’re old and your frightened, If you find some one who loves you with the lights on,
You’ve found the one you love”
Ano pa nga bang aasahan? Kung maganda ang pagkakaham niya mas maganda ang kabuoan pagkinanta niya.
May punto yung kanta.
Maraming taong naghahanap ng right person para hindi na tayo masaktan,para maibsan na ang nararamdaman natin na sakit at paghihirap sa piling ng taong minamahal natin,
Simple lang naman yon. Kung mamahalin tayo ng buo ng taong minamahal natin,yung handang dumamay sa atin pagkaylangan,Yung tao na hindi tayo babaguhin,
Yung tao na tatanggapin tayo kahit na ano pa ang katayuan natin sa mundo,
Yung tao na handa tayong mahalin sa mga tama at pagkakamali natin.
“So hold it near, Cos love it comes so quickly and then it goes, And be careful my dear, Cos the very thing that makes you, Could be the thing that breaks you,
You know.”
But sad thing ay kahit mahanap natin ang taong ‘yon ay hindi natin mapipilit ang puso natin para sa isang tao,
Kung bakit kasi bulag at binge ang puso, hindi madinig ang payo ng iba at hindi makiyta ang pagkakamsli ng direksyon na tinatahak nito…
Kung sana mdaling turuan ang puso, nainlove na kaya ako sa ibang tao?
“If you find someone who doesn’t undermine you, If you find someone who doesn’t drag behind you,”
Nakakita ko ng kung anong imosyon sa mga mata ni Jai elle at inaamin ko na nasaktan ako sa imosyon na iyon. Pumikit siya nang magtagpo ang aming mga mata.
“If you find someone that loves you just like I do,
You’ve found the one you love.”(Ooops my baby napahaba nanaman siya. Di ko alqm kung saan ba ako related! Daig pa ang broken hearted har har.)
BINABASA MO ANG
Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing)
RomanceLahat na yata ng hinahanap ng babae sa isang lalaki ay na kay Kiel Alvarez na. Matalino, gentleman, may pangarap, mabait, guwapo, masayang kasama, at higit sa lahat ay loyal sa babaeng iniibig niya. Unfortunately, ang kaisa-isang babaeng iniibig ni...