Chapter 56 He knows

54 6 0
                                    


Chapter 56 He knows


Kiel's pov



Nagpalakpakan na lang kami nang matapos na ang mahabang speech ng mayor.

Nandito kami ngayon sa graduation ni Serenity, dinaraos na ang kasiyahan at batian sa bawat magulang na nagtagumpay sa pagpapatapos ng kani kanilang mga anak.


“Sayang, next year pa tayo” may pitik sa ereng sinabi ni Reigh anne.


“Oo nga! Kaya ba tayo nandito para inggitin ang sarili natin?” Halakhak naman ni Xavier.


“Don’t worry guys! Next year tayo naman ang magsasaya.” Kumindat pa ko kay Mak. “Finally, kagraduate ka na next year! Sa dami mong pinaghirapan, deserved mong matanggap ang katuparan ng pangarap mo”


Tinignan ako ni Mak ng mata lang ang ginagalaw. “Oo nga't graduated na ko next time, pero wala na ang ipapagamot ko” malungkot niyang sambit.


Hinakbayan ko siya. “Mak, wala ka na ngang ipapagamot, pero ang pagtatapos mo ang alam kong pangarap para sa'yo ng kapatid mo. Ikaw ang gagawa ng mga bagay na hindi niya nagawa noong buhay pa siya. Don’t be lost your confidence, sometimes hindi porsige ang ang kaylangan ng isang tao, kompayansa para sa sarili at sa paligid niya.”

Nalulungkot din ako na hindi na nahintay ni Bella ang pagtatapos ng kuya niya, edi sana mapapagamot na siya nito ng mas maayos. Pero actually, kahit makapagtapos siya, hindi rin kami sigurado kung gagaling nga si Bella mula sa sakit na cancer.


Wala kami sa kalagayan ni Bella na kapatid ni Mak, mula noon ay naghihirap na ito sa sakit niya. Nasa buhay niya kami na tagapanood lang ng paghihirap niya at tagapakinig ng mga sinasambit niya, pero kahit kaylan ay hindi namin masisisi si Bella kung sumuko na siya,


Dahil kahit kaylan ay hindi namin naramdaman ang sakit at paghihirap nitong nararanasan araw araw.


How unfair the world is?

May mga taong nabubuhay ng normal at minamahal ng sobra, may mga kaybigan, nag aaral at gumagawa ng mga bagay na ginagawa dapat nila na nakaayon sa edad nila,


But when we look to other sides, ang daming pagkakaiba ng tao

Yung iba hindi masaya sa buhay na meron sila, pinanganak na walang pera at minsan kahit bahay wala, samantalang yung iba ay nabubuhay sa marangyang buhay, naeenjoy nila ang araw araw,

Yung iba pinanganak na may sakit at kapansanan, samantalang yung iba ay healthy at kaupyang kaya nilang makipagkaybigan o makipaglaro,


I wonder how hard it is? Alam kong mahirap, dahil naranasan ko ang marangyang buhay, alam ko kung ano ang kabaliktaran ng lahat,


At hanggang ngayon ay pinagdadasal kong sana hindi na madagdagan ang pinapanganak na may kapansanan at may sakit.


Malungkot ako sa pagkawala ng kapatid ni Mak pero masasabi kong maswerte na rin si Bella, dahil habang kami ay nararanasan na maging masaya, alam kong hindi pa niya nararanasan yung sumaya na halos dumalbog na ang puso niya sa saya,


Dahil sa sitwasyon niya at ng mga kagaya niya, baka hindi natin alam na ilan beses na ba nilang hiniling na mawala na sila…



Ngumiti ng malungkot si Mak at tumingin sa stage. “You’re right. Si Bella, madami siyang hindi naranasan at gustong gawin, kaya ako na ang gagawa non”


Tumango ako at tinapik siya sa balikat.


“Sabay sabay tayong kagraduate next year, ah.” Ngingiting sinabi ni Sara Jean.


“Oo naman! Next year kagraduate din tayo at hindi na tayo maiinggit sa kanila” nag apir pa si Dan at Dyl.


“Next year sa ibang school na ko kagraduate” mahinang sambit ni Ryan na good thing ay narinig parin namin.


“That’s okay! If ever naman na hindi sabay ang petsa ng graduations natin ay kami ang pupunta don” ngiti kong sinabi at tinapik pa siya sa balikat.

Tinaas ni Reigh ang hintuturo niya sa mukha ni Ryan. “Basta’t make sure na matataas parin ang grades mo!” Liningon niya si Soy. “Di ba soy?”


Ngumiti naman si soy at binantaan din si Ryan ng kung ano ano.


Tinignan ko si Jai na kasama namin ngayon. Sabay daw silang tutungo sa trabaho mamaya ni Mak.


Alam na ng warriors ang issue sa amin ni Jai elle dahil sinabi ni Kayla iyon kay Serenity na minsan ay barkada rin ni Kayla, at sinabi niya sa warriors ang mga pangyayari, kaya hindi na sila nagtatanong kung bakit hindi kami nag uusap ni Jai Elle.


Sabi ni Nathan ay kaya daw nandito si Jai Elle for sure kahit na iniiwasan niya ko ay kasi sinabihan niya si Jai elle na magpunta dahil buo ang warriors that time, well, kahit papaano dahil walka naman si Lex.

Tsaka sa tingin ko pupunta talaga dito si Jai dahil kay Serenity. Naaalala ko, sinabi ko sa kaniya na ito ang araw na aalis si Serenity, sinabi ko sa kaniya iyon hindi pa siya kabilang sa warriors, siya pa lang yung sinasabihan ko tungkol sa problema ko at mga dahilan ng lungkot ko, at isa don ang pag alis ni Serenity.




Di nagtagal ay natapos na ang seremonya at nagpicture picture narin kami syempre matapos ng sa pamilya. Alam kong napakasaya nila ngayon dahil ang tagal tagal na pinaghirapan nila para makapagtapos, naranasan na nga namin bilang istudyante na ang childhood friend namin ay ang mga teacher na minsan ay kinakagalitan pa natin pag nagbibigay ng mahihirap na activities, but at the end, mag tethank you parin tayo dahil sila ang nagturo satin ng kung anu ano at nagbigay satin ng susi sa ating matayog na pangarap.


Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Serenity na kasalukuyan na mapula ang mga mata. Kakagaling lang niya sa iyak matapos ng speech niya. Kakatapos lang ng speech niya at nakuwa na rin aniya ang diploma niya.


“Congratulations, pero wag mong career-in ang pag iyak, papangit ka” sabi ko at pinunasan ang pisngi niya nang pumatak ang luha niya.


“Kiel, I have to go” nangangaralgal na boses na sinabi niya.


Bumagsak ang balikat ko. Ilang salita lang ang sinabi niya pero alam ko na ng klaro ang ibig niyang sabihin. “Ngayo na? As in? Hindi pa tapos ah”


“Nakakuwa ng flight si Giro, ngayong araw. Mabuti nga't nakaattend  pa ko” peke siyang tumawa sabay pahid ng luha.

“Ikaw na ang bahalang magpaalam para sa akin, sakanila”

“Serenity, biglaan na nga ang alis mo, hindi ka pa magpapaalam sa kanila?” Malungkot na sinabi ni Jai elle na katabi niya.


“Hindi ko kaya”


“Pero Serenity, akala ko ba wala ng aalis ng hindi nakakapagpaalam?”

Malungkot na ngumiti si Serenity at hinawakan ang kamay namin ni Jai elle. Napatingin pa ko kay kay Jai elle na namumula ang mga mata na nakatingin lang kay Serenity.


“At least nakapagpaalam ako kahit sa inyong dalawa lang, kahit papaano ay may magpapaalam sa akin”


“Serenity mamimiss ka namin” malungkot na sinabi ni Jai elle. Sinandal naman ni Serenity ang ulo ni Jai elle sa balikat niya habang hawak parin ang kamay ko.


“Serenity, malulungkot sila kung hindi ka magpapaalam” malungkot kong sambit.


Kung ako lang ang masusunod ay ayokong umalis si Serenity, pero ang ama na nito ang nagdesisyon kaya wala na kong magagawa pa.


“Kiel, sana someday, maintindihan mo kung bakit hindi ko kayang magpaalam sa ngayon”


May pakikiusap sa mga mata niya at lungkot. Yinakap ko na lang siya  at tumango. “Mag iingat ka”


Naramdaman ko ang tango ni Serenity at humiwalay na sa akin. Pinagsalit salit niya ang tingin niya sa aming dalawa ni Jai Elle ng nakangiti kahit na may luha.


“Babalik ako someday, dapat pagbalik ko ay bati na kayo”


Nagkatinginan lang kami ni Jai Elle pero hindi nagtagal ay nagbawi din siya ng mata at yinakap uli si Serenity.


Para silang mag ate. Hindi ko sila masisisi dahil 17 years old pa lang si Jai Elle, kaya normal na lang kung little sister ang tingin sa kaniya ng mga ate sa warriors.



“Mabait si Alejandra, wag kang maging bias sa akin ha” natatawang sabi ni serenity.

“Oo, mabait talaga siya, kung siya ang aalis magpapaalam iyon” simangot na sabi ni Jai elle na halata ang biro.

Tumawa si Serenity. “Oo mabait talaga iyon, kaya tanggapin niyo siya ha”


Tumango na lang kami ni Jai Elle.


Napatingin ako sa stage nang magpasalamat si Nathan na kasalukuyan ng nagspeech. Nagpapasalamat siya sa warriors na always support sa kaniya at pinapasakit ang ulo niya.


Tumawa naman si Serenity. “Mamimiss ko nga iyon” may kasamang luhang sabi ni Serenity na mukhang nakakarelate sa speech ni Nathan.






Lumipas pa ang ilang araw at naging busy na ko sa OJT business ko na mini restaurant na pinangalanan namin M'sG. Kung ano iyon?


Kalokohan lang ng mga pinsan kong adik na kasama ko sa pagtulong sa akin na gumawa ng business.

Ngayon naka sara ang M'sG kaya nasa bahay lang ako at nakikipaglaro sa pamangkin kong si Flynn.


“Kuya I’m hungry!”, Simangot na sabi ni Cassedee nang naupo siya sa tabi ko.

Binalingan ko siya at umingos. Si Flynn ang sumagot.

“Yes kuya! I’m hungry”


“Flynn I’m your uncle, call me uncle”


Humagihik si Flynn at malapad ang ngiting umiling. “You are my kuya! Kuya I’m hungry”


“Kuya Kiel! Nagugutom na kami ni Flynn” reklamo ni Caseedee.


Naiiling na tumayo ako. “Paluto tayo kay manang” sabi ko na excited na sinundan ako ng dalawa nang nagtungo ako sa kusina.

“Manang. Nagugutom daw sila” sumbong ko at kumuwa ng isang strawberry. Hapon na at miryenda na ang hinihingi ng dalawa.


“Ano ba ang gusto niyong lutuin ko? Ano ang gusto niyong kainin?”

Nagsabi ng kung anu ano ang dalawa habang ako ay nakapangalongbaba sa lamesa habang nakatayo.


“Ikaw? Kiel?”

“Anything” sinundan ko na lang tingin si manang habang kumikilos ito. May namimiss akong pagkain.


“Manang, alam niyo po bang magluto ng biko?” bigla kong tanong na mukhang nabigla din siya.


“Kuya, what’s biko?” Tanong ni Casseedee na nakatabingi ang ulo sa akin.

Nakatingala lang sa amin si Flynn sa may ilalim ng lamesa.

“Food?” Patanong kong sinabi at binuhat si Flynn paupo sa upuan.

“You like Orange? “ tanong ko sa bata.

Umiling ito. “Dee always giving me strawberry”


Tumawa naman ako at muling binuksan ang ref at kumuwa ng strawberries at linagay sa platito.

“But I’m not Dee,I’m your uncle “ umingos lang siya at sumubo ng strawberries na tinanggalan ko na ng dahon kaya subo na lang siya ng subo.


“Anak, kumakain ka na ng biko?” Sabi ni manang.


Si nanay Rozelle ang aming maryordoma, siya anbg nagturo sakin non magtagalog, matagal na siyang kasambahay namin at halos turingin ko na rin siyang tunay kong ina.

“Opo nay, nakatikim lang po ako sa isang kaybigan.” Pag amin ko.


Dalawang linggo na magmula ng huli kaming magkita ni Jai Elle at magkausap. Namimiss ko na ang lolo at lola niya, lalo na siya.


Ang hirap pala nung ganun? Yung nasanay kang makausap ang isang tao sa lahat ng bagay tapos sa isang iglap ay wala na lahat ito…

“Sige, wag kang mag alala, bukas ipagluluto kita”


Tumango na lang ako para hindi niya mapansin ang lungkot ko. Pero nanay Rozelle knowns me very well, alam kong nahalata niya ang lungkot ko kaya ngumiti na lang ako sa kaniya para di na siya mag alala.


Napatingin ako sa may way ng sala nang marinig ko ang nag uusap na si mommy at daddy.

“Hindi ko alam kung ano ang pakay nila, pero magaling sila at nahihirapan ako sa kanila.”

“Ken, may alitan ba kayo?”

“Wala Raquel, alam mo ‘yan. Hindi ako makikipag away sa pamilya na iyon kung kaugnayan iyon ng anak natin.”

Tinungo ko ang sala kung saan alam kong nadoon pa sila.


Tumingala ako sa may hagdanan at sinenyasan si Cameron na umakyat muna habang si Cassedee ay pinagstay ko sa kusina.


“Mom? Dad? What’s the problem? “


Napahinga ng malalim si dad at tinignan ako. Si mommy na ang sumagot. “No son, some problem in business”


“Yes, mom, I heard that, and I want to know more”


“Son-“


“Dad, ilan araw na kayong walang tulog, kahit linggo pumapasok kayo. Alam kong may problema sa kumpaniya, let me help you”


Napapansin kong namomroblema ang parents ka sa kumpaniya pero hindi ako nangungulit. Pagnagtatanong kasi ako sa kanila ang palagi lang nilang sinasabi ay asikasuhin ko ang OJT business ko, but I want to help them.


“Anak, kaya na namin”


“Dad, let me help you to safe my siblings future”


Nagkatinginan si mom at dad. Napapikit ng mariin si mommy at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Basa ang pag aalala sa mga mata ni mommy. Bakit?


“Anak. Kung ako ang tatanongin ay ayokong mainvolved ka dito. Pinoprotektahan lang kita”


“Ma, para saan? Bakit?”


“Anak, I’m sorry” sabi ni dad na nakaiwas ng tingin samin ni mommy.

Ano ba ang nangyayari.

“Mom, dad, just say it! Bakit ba ayaw niyo sakin sabihin? Ano ba ang problema?”


“Anak, may nagpapabagsak ng kumpaniya natin” nakatingin lang ako kauy mommy na nakahawak sa dalawang kamay ko. “Kiel, pinapabagsak tayo ng kuya ni Bianca”

Mas hinikpitan pa ni mommy ang pagkakahawak sa kamay ko.

Kuya ni Bianca? Ganun ba sila kagalit sa akin? To the point na pati pamilya ko kakagalitan nila? At pahihirapan? Idadamay nila ang parents ko?



Napatingin ako kay dad nang si dad na ang nagsalita. “Si Frisco Hansen, ang step brother ni Bianca”


Feeling ko biglang lumobo ang ulo ko.


Si Frisco Hansen?

(Happy mother's day! May tinapos akong something kaya ngaton lang me nakapag update. Have a nice day!)

Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon