Chapter 69 Leave
Jai Elle's POV
“Oh wala pa rin yung sundo mo?” Tanong ni Gigi habang nagpupunas ng lamesa.
“Oo. Itetext ko na nga na hindi ko na siya hihintayin, e.” Naiiling kong sinabi.
Kanina ko pa off sa trabaho pero hindi parin ako nakakauwi. Maaga daw kasi yung labas ni Kiel ngayon sa school kaya susunduin niya na daw ako. Ang kaso yung kolokoy na iyon ay hanggang ngayon hindi pa dumadating, wala manlang pasabi na malalate siya.
Nagtype ako sa cellphone ko. “Asan ka na?” Pero bago ko masend ay napatingin ako sa glass door nang may humintong sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali ay kay Nathan yung kotseng kulay gray na to.
Tumayo ako mula sa stool na inuupuan ko nang mapansin kong nagmamadaling pumasok si Nathan.
“Jai Elle!” Tawag niya sa pangalan ko nang hindi niya kaagad ako makita. Mukha kasi siyang natataranta.
“Nathan. May problema?”
Lapit ko sa kaniya. “Halika na. Puntahan natin si Kiel” bigla niya na lang akong hinila palabas.
Sa buong byahe ay lutang ako matapos ikwento ni Nathan ang pinaka maiksing paliwanag kung bakit patungo kami ngayon sa ospital kung saan dinala ng first responded si Kiel na nabangga ang sasakyan.
Sa labas daw ng village ng bahay nila Kayla nakita ang sasakyan ni Kiel. Hindi din daw nila alam kung ano ang nangyari, iniimbistigahan pa lkang daw, sa ngsyon ay ang iniintindi nila ay kung saan inooperahan ngayon si Kiel.
Lumipas ang mga oras at natapos na din ang operation ng mga doctor kay Kiel. Naka coma ngayon si Kiel at sabi ng doktor kung hindi siya magigising sa loob ng tatlong buwan ay maari daw na hindi na siya magigingsing pa.
Malala ang tama ni Kiel. Wala daw kasi siyang seatbelt nang banggain ng sadiya ang sasakyan niya. Sa ngayon hindi pa nakikilala kung sino ang bumangga non pero kinikilala na nila kung sino ang nag mamay ari ng sasakyan sa pamamagitan ng flats number.
“Matindi ang injuries na nakuwa ng pasente, kung hindi ito mailalagay sa therapy ay baka kahit kaylan ay hindi na siya makalakad at hindi niy na din magamit ng maayos ang kamay niya.” Pahiwatig ni Dr. Valerio na siyang doktor ni Kiel.
Halos bumagsak ang buong mundo namin sa mga sinabi ng doctor. Alam namin na kahit kaylan ay hindi matatanggap ni Kiel na hindi na siya makakalakad, na masisisira ang buhay na Kiel sa mga natamo niyang injuries, paano tatanggapin ni Kiel pagkagising niya na hindi na siya uli makakasayaw pa?
“Doc. Anong klasing therapy po ba ang kaylangan nating gawin? Kahit magkano magbabayad ako, ibalik niyo lang ang ability ng anak ko” pakiusap ni tito Ken na siyang nagtatapang tapangan ng mga panahon na iyon kahit na halata sa kaniya ang pagiging mahina na rin niya.
“Ang pera madali lang naman iyon mister, dahil may kaya naman ang pamilya niyo, but the problem is, wala sa pilipinas ang mga machine na kakaylanganin natin para sa kaniya, sa Europe pa lang naiaaproved iyon.”
Sa sunod na sinabi ng doktor ay nahulaan ko na kung ano ang susunod na mangyayari. Taga London ang pamilya ni Kiel bago sila nagmigrate sa pilipinas, kaya alam kong madali lasng sa kanila ang maka alis ng bansa at magbalik doon.
Tanggap ko at handa kong tanggapin iyon dahil iyon lang ang tanging paraan para ganahan pa si Kiel mabuhay pagkagising niya. Kinausap pa ako non ni tita Raquel habang nagbabantay kami kay Kiel.
“Sorry, ha, kaylangan namin ilayo sayo si Kiel. Ito lang yong tanging paraan, natatakot ako na hindi na nga makalakad ang anak ko” sabi mi tita habang nakatingin kay Kiel na isang buwan ng walang malay nung mga panahon na iyon.
BINABASA MO ANG
Why not me? [Warriors: Leader Of Warriors Kiel Alvarez's Story] (Under Editing)
RomansaLahat na yata ng hinahanap ng babae sa isang lalaki ay na kay Kiel Alvarez na. Matalino, gentleman, may pangarap, mabait, guwapo, masayang kasama, at higit sa lahat ay loyal sa babaeng iniibig niya. Unfortunately, ang kaisa-isang babaeng iniibig ni...